December 2019"Alam mo Niya try mo makipag date para at least diba madiligan ka dyan." Hinampas ko ng malakas sa braso ang kaibigan kong si Joanna.
"Ano bang pinagsasabi nyo? Bata pa ako. We're too young kaya ienjoy lang natin pagiging single." Tumingin naman ng makabuluhan si Maxine sa akin at ang Joanna inirapan ako.
"Sis, Tita Narris mo nga sinasabihan ka na mag explore lang. Ano sabi niya satin-sayo?" Tanong sakin ni Joanna.
"Ano bang sinabi ni Tita?" Tanong ko rin sa kanya pabalik. Ayun ang dalawa parehas na inirapan ako. "Anak ka talaga ni Tita Nayis. Bahala ka na buhay mo. Let's meet after 10 years." Akmang tatayo na si Joanna nang bigla itong pigilan ni Maxine.
"San ka pupunta gaga ka. Satin nakasalalay pagka birhen ng kaibigan natin." Nanlaki ang mata ko sa aking narinig.
"Uh! A-nong pinagsasabi nyo? Para kayong mga ano dyan." Tinignan ko sila ng kakaiba saka dali dali tumayo at umalis sa fast food chain na kinainan namin. Mabilis naman ako nasundan ng dalawa.
"Girl, tulungan mo sarili mo magkaron ng lovelife. Ilang araw na lang wala na edad mo sa kalendaryo." Napatigil ako sa paglalakad at tinignan sila ng masama. Grabe narealized ko lang nag trenta'y dos anyos na ako sa bente singko. Ano ba yan ang lungkot ng pasko ko.
"Darating rin yan. Stay calm, sit back and relax." Alam kong natatakot sila na tumanda akong dalaga kahit din naman ako 'no pero kung ito naman ang magiging kapalaran ko edi go na. Just go with the flow ika nga.
"Hay bahala ka sis sabi mo yan." In the end wala rin silang nagawa kundi samahan ako sa pamimili lang stock ngayong darating na pasok at kaarawan ko.
"Bente anyos ka pa lang sinabihan na kita mag boyfriend. Enjoy mo lang ang buhay ng twenteens." At talaga emphasize na emphasize ang teen ha. Eto na naman tayo!
"Kasi pag nasa trenta ka seryoso ka na. Imbis noong bente anyos ka playing the game ka lang pag nasaktan go lang ulit eh ngayon trenta ka na? Seryoso na yan. Pamilya na hanap, stable na trabaho." Hindi na lang ako kumikibo sa sinasabi ni Tita kahit lagi namin 'to napag uusapan sa araw araw na ginawa ng panginoon.
"Mag try ka sa sinasabi nila Maxine yung dating app baka sakaling may maging nobyo ka. Kung gusto mo nobya. Bahala ka na. Explore lang anak." Oh diba mas madami pa syang alam kesa sa akin na parang nangangapa sa dilim.
"Sige tita." Yun na lamang naisagot ko. Bumalik ako sa kwarto ko at tinignan ang cellphone ko ang laman ay mga messaging application.
Ang dami ko ng nakakausap na lalaki at minsa pa nga'y lesbian pero ni isa walang nagtagal. Uninstall ko na lang kaya? Nagdalawang isip pa ako pero in the end di ko naman din binura. Pabebe lang diba? I'll do my friends and tita advices.
Napatingin naman ako sa picture ni Nanay kasama si Tatay na nakasabit sa plywood na pader. "Magkaka-pamilya rin ako gaya ng pangarap niyo ni Tatay sakin." Saad ko.
Inumaga na ako sa kahahanap ng taong matched sa akin sa isang dating app. Alas kuwatro na wala pa rin suits sa taste ko. Minsan talaga nasa ugali ko rin napaka pihikan ba naman. Ano ba naman yan Haniya Mendez? Napasapo na lamang ako sa noo ko.
Open your account and see 1 person matched on your profile!
Patulog na ako kaso napabalikwas ako ng bangon dahil sa pag vibrate ng aking cellphone. Dali dali kong tinignan ang dating app.
Vhan, 27, UP and the rainbow flag.
Iyon ang information na nakalagay sa kanyang profile. Napaka mysterious naman nito natakot tuloy ako bigla. Samantalang ako lahat na ata na pwede kong sagutan sa dating app nilagyan ko ng sagot. Ang cute kasi parang slam book, nakakamiss!