II

75 1 0
                                    




April 2020

Mabilis lumipas ang panahon. Summer na agad. Inaya ako ni Ivhan na mag-bakasyon sa isang private resort na pagma-mayari nila. Kasama daw ang mga kaibigan niya sabi pa nga nya sa akin bukod kila Tine mame-meet ko daw lahat ng kaibigan niya.

So biglaan ito. Since mahal na araw ngayon one week kaming walang pasok. Sinundo ako ni Ivhan sa apartment ko. "Bakit sa airport?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami sa airport ngayon at inaantay sila Tine.

"Sa Palawan kasi yun baby. Don't worry sa expenses sagot ni Alexandra yung eroplano hehe." Nanlaki mata ko. Wait? Friend niya si Ms. Alexandra? Uy, famous na fashion designer yun at lesbian. Crush ko yun eh. Hehe

"Friend mo si Ms. Alexandra?" Tanong ko sa kanya. "Yes. Kasama natin siya mamaya." Nanlaki mata ko. Medyo kinilig ako, hehe.

"Bakit kinikilig ka?" Tanong nito sa akin. Actually masama tingin na pinupukol niya sa'kin. "Wala." Inirapan ko ito at umupo sa bakanteng upuan. Ang tagal nila Tine very filipino time talaga.

Sobra akong naiispeechless sa nakikita ko ngayon. Well bukod sa maganda talaga ang private resort nila Ivhan dito sa Palawan. Mas kina-ispeechless ko talaga ay ang mga kaibigan niya. Nahihiya nga ako pero buti na lang lahat sila ma-approach sa akin. Nandyan si Ellai at Tine na pinakilala ako sa mga iba nilang kaibigan. Nakilala ko si Celine na kung tawagin nila ay Ce. Natandaan ko agad siya kasi madaldal siya. Nakilala ko rin si Genesis nababanggit kasi ito ni Tine pinaka-batang kaibigan nila. Finally nakilala na ako ng crush kong si Alexandra ang ganda niya grabe tapos nakilala ko yung mga kambal niya sina Alexander at Alexis ang gagandang lahi, hihi. Naipakilala rin ni Ivhan sa akin ang girlfriend ni Alexandra na si Ally at isa nilang friend na si Alfred.

"Crush na crush mo si Xandra?" Tanong sa akin ni Ivhan. Nandito kami sa room namin. Nilapitan ko ito at niyakap sa likod. "Crush ko lang siya. Ikaw pa rin mas gusto ko."

"At mahal ko." Humarap siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Napapapikit ako dahil ramdam ko ang init ng palad niya. "Ayoko lang po pagselosan kaibigan ko, baby." Niyakap ko ito dahil alam kong nagtatampo ito. Simula kasi nung nasa eroplano kami di siya nakibo sa akin. Yes, nandyan pa rin yung hinahawakan niya yung kamay ko pero ramdam ko yung selos, hehe.

Third day namin ngayon and super fun talaga nilang kasama. Hindi mo mararamdaman na out of place ka or hindi ka belong sa kanila kasi alam nyo yun mayayaman sila pero lagi nila sinasabi iskwater sila. Siguro sa ugali, oo. Chereth!

"Bakit nandyan ka?" Tanong ko kay Ivhan. Nasa pool area kasi siya ng resort nila. Nakaupo sa gilid ng pool at nagtatampisaw ng tubig habang nagce-cellphone.

"You looking for me? Wag kang mag-alala walang babae dito." Tumayo ito at umupo sa bench pool. "Feeling ka talaga 'no?" Tanong ko dito. Habang tumatagal pagsasama namin lalo itong nagiging mahangin.

Bagay rin naman kasi. Maganda siya, matalino at mayaman, talented pa. Opo, talented lalo na sa kama. Ching! Kalat ko na naman. Nahahawa na po ako sa polluted na utak ni Ivhanka.

"Come here." She tapping her lap. Don't say no to my Daddy, hehe. Umupo ako paharap sa kanya at niyakap siya. Ang bango bango niya kung drugs lang siya tokhang na ako. "Wanna have public sex?" Napalayo ako dito at hinampas ang braso niya.

"Okay, lowkey baby. Pool sex?" Ngumisi ito sa akin kaya hinampas ko ulit ito. "Gago." Pigil na pigil ang tawa niya. "Alam ko na para wala makakita satin masyado. Beach sex. Dun tayo sa batuhan sa dulo." Turo turo niya pa yung sinasabi niyang batuhan kineme. Kaya nahampas ko ulit siya. Hawak hawak niya na yung braso niya. "I like it. Isa pa po." Inirapan ko na ito at niyakap ulit siya.

"Thank you."

"For what?"

"Kasi mahal mo ako?"

DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon