Pangalawa
Naalala mo pa ba? Noong high school tayo, ikaw ang lalaking pinakamatalino sa Mathematics. Ikaw lagi ang ipinanlalaban sa mga paligsahan. At ikaw lagi ang panalo.
At alam mo ba kung gaano ako kasaya tuwing pupunta ka sa 'kin para isabit ang medalyang napanalunan mo? Tapos yayakapin mo ako. Mahigpit. Mahigpit na dama ko ang bawat emosyon sa puso mo.
Pagkatapos ay bibitiw ka sa yakap na pinasaluhan natin at tititigan mo ako. Matagal. Matagal na sapat lang para mabasa ko ang mensaheng ipinapaabot mo sa akin.
Nakakamiss din pala 'yon, 'no? 'Yung tipong bawat panalo mo sa mga paligsahang sinasalihan mo, pang-aasar naman ang mga binabato ng mga kaklase natin sa 'kin.
Kesyo inspired ka raw kasi kaya lagi kang nananalo. Eh sabi ko naman, sadyang magaling ka lang sa gano'ng larangan.
Sige nga, pasalihin nila 'yung bobo sa Math tapos 'yung crush niya eh crush din siya. Tingnan na lang natin kung manalo 'yon.
Kesyo inspired. Hmp.
Pero alam mo, 'di ko lang inaamin sa kanila na kinikilig ako sa mga pang-aasar nila. Gusto ko ngang sabihin na asarin lang nila ako. Kaso, 'wag na. Ang landi ko naman.
Ay naalala ko bigla. 'Yung hitsura mong inis at pikon kasi nakita mong magkasabay kami nu'ng kaklase nating lalaki. Dala niya 'yung gitara ko.
Tapos ikaw. Ikaw na nakasandal sa hamba ng pinto, nakapamulsa tapos ang sama ng tingin sa 'min nu'ng kaklase natin.
Eh bakit ka naman kasi nagalit agad? 'Di mo muna kasi tinanong kung ano bang nangyari eh. Nagalit ka kaagad.
Eh dinadala lang naman niya 'yung gitara ko. Gusto mo ikaw ang magdala no'n?
Tapos ang ginawa mo pa pagkatapos mo kaming makita, dinaanan mo lang ako. Ni hindi ka nagpaalam sa 'kin na uuwi ka na.
Dapat nga nu'ng araw na 'yon, bago mo ako ihatid sa bahay, ililibre kita 'di ba? Kaso umuwi ka na. Ayan tuloy, 'di na kita nalibre.
Tapos kinabukasan, 'di mo 'ko pinapansin. Halata namang galit ka. Eh anong magagawa ko? Suyuin kita? Ano ako? Lalaki?
Pero ayon nga, akala ko 'di mo na 'ko papansinin. Eh hindi rin nakatiis ang pride powers mo sa 'kin.
Kaya ayon, natatandaan mo ba 'yung ginawa mo? Nu'ng uwian na, dapat may meeting kami ng mga kagrupo ko. Eh bwisit kang lalaki ka. Hinila mo na lang ako basta habang dala 'yung gitara ko.
Sabi mo, ihahatid mo na ako.
Ayon pala, dadaan pa tayo ng Antlers kasi nakita mong hindi ako kumain ng lunch dahil ginamit ko 'yung oras na 'yon para magreview sa research.
Nanlibre ka sa 'kin. Sabi mo, umorder ako ng kahit anong gusto ko.
Para namang hindi ka nasanay sa 'kin. Minsan nga, almusal na lang ang kinakain ko sa buong maghapon dahil sa kung ano-anong ginagawa sa eskwelahan.
Pero ayon nga, nilibre mo pa rin ako.
Salamat.
Alam mo bang ang sarap balikan 'yung mga panahong hindi pa tayo sinusubok ng tadhana?
'Yung tipong parang wala tayong iniisip na problema. 'Yung alam nating darating din 'yung araw na mag-aaway tayo at hindi magkakaunawaan?
Pero hindi natin iniisip 'yon.

BINABASA MO ANG
Tagpuan
Short StoryTagpuan written by: heyqueenreine Started: July 24, 2020 Ended: July 29, 2020 © All Rights Reserved Highest rank so far #2 - tagpuan as of 10.29.20