Pang-apat
Paulit-ulit.
Paulit-ulit akong himihingi ng pasensya sa 'yo.
Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin buo ang tiwalang ibinibigay ko sa 'yo.
Pasensya ka na. Hindi ko pa talaga kaya.
Sabi mo, huwag kong ipilit kung hindi ko pa talaga kaya.
Sabi mo, maghihintay ka hanggang sa dumating ang araw na pagkakatiwalaan ulit kita.
Nang buong-buo.
Sabi mo, nandito ka lang lagi sa tabi ko.
Lagi mong ipaparamdam at ipapakita sa 'kin kung paano ibalik ang tiwala ko sa 'yo.
Sabi mo, napakasama mo dahil sinaktan mo ako.
Mabuti naman at alam mo.
Akala ko hindi na eh.
Ilang araw na ang nagdaan.
Sinisisi mo pa rin ang sarili mo dahil ikaw ang may gawa ng sugat sa puso ko.
Oo, hindi pa 'to naghihilom.
Noong nakaraang araw, ako ang humihingi ng pasensya sa 'yo.
Ngayon, ikaw naman.
Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ka nang humingi ng tawad sa akin.
Isang araw, tahimik tayong nanonood ng palabas.
Walang ingay na maririnig maliban sa mga nagsasalita sa telebisyon.
Maya-maya lumuhod ka na ikinagulat ko.
'Anong ginagawa mo?' tanong ko sa 'yo.
Pinatayo kita kasi hindi mo sinagot ang tanong ko pero makailang beses kang umiling.
Patuloy ka lang humihingi ng tawad sa harap ko.
Ang sabi ko sa 'yo, nakaraan na 'yon, 'di ba?
Ang sabi ko sa 'yo, huwag mo nang uliting humingi ng tawad sa akin.
Ang sabi ko sa 'yo, tama na.
Pero hindi. Hindi mo ako pinakinggan.
Bawat araw, walang mintis, hahawakan mo ang mga kamay ko at titingin ng diretso sa mga mata ko.
Hihingi ka ng tawad na para bang ang ikaw lang ang may kayang gumawa ng kasalanan mo.
Masaya akong humihingi ka ng tawad sa akin.
Pero tama na.
Pakiusap.
Nasasaktan ako.
At hindi ko alam kung bakit.
Siguro, nasasaktan ako sa katotohanang niloko mo nga ako noon.
Siguro, nasasaktan ako dahil parang inamin mo na ring kasalanan mo ang nangyari.
Siguro, nasasaktan ako dahil nabuo ang salitang 'kayo'.
Pero noon 'yon.
Hindi ngayon.
Dahil ngayon, 'tayo' na ang mayroon.
Tayo.
Pero bakit ako nasasaktan?
Dahil humihingi ka ng tawad sa akin?
Dahil nakaluhod ka sa harap ko at umiiyak?
Dahil niloko mo ako noon?

BINABASA MO ANG
Tagpuan
Короткий рассказTagpuan written by: heyqueenreine Started: July 24, 2020 Ended: July 29, 2020 © All Rights Reserved Highest rank so far #2 - tagpuan as of 10.29.20