Panlima

21 4 0
                                    

Panlima

Ang daming nagdaan sa 'tin, mahal, 'no?

Minsan, masaya. Minsan, malungkot.

'Yung mga problemang minsan ayaw kong ipaalam sa 'yo dahil marami ka nang iniisip.

Ayoko lang na may problemahin ka pang iba.

Pero sabi mo, ang problema ko ay problema mo na rin.

Sabay nating hahanapan 'yon ng solusyon.

Sabay nating haharapin ang problema na 'yon.

Ilang taon na tayong magkasama, mahal.

Ilang taon na ang nagdaan nang sinabi mong mahal mo ako.

Ilang taon na ang nagdaan nang tinugon ko rin ang sinabi mo.

Ilang taon na ang nagdaan pero heto pa rin tayo, pinapatunayang mahal natin ang isa't isa.

Mahal, hanggang ngayon, hindi ko akalaing magiging ganito ang tadhana natin.

Hindi ko akalaing ikaw pa rin talaga hanggang dulo.

Hindi ko akalaing tayo pa rin ang para sa isa't isa.

Muntik na akong sumuko noon.

Muntik na akong mawalan nang pag-asang magiging tayo ulit noon.

Muntik na akong bumitiw sa 'yo.

Pero hindi ko nagawa 'yon.

Dahil sa 'yo.

Ikaw nga ang dahilan kung bakit naging ganoon ako noon.

Pero ikaw din ang naging dahilan kung bakit naging ganito ako ngayon.

Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, mahal pa rin kita.

Ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi ko pa rin binibitiwan ang mga kamay mo.

Pinaniwala mong kapag ginawa ko 'yon, parang pinili ko na ring lumayo sa 'yo.

Nakakainis ka, alam mo ba 'yon?

Alam mo namang hindi ko gagawin 'yon noon.

Alam mo namang kahit na binabalot ng sakit ang puso ko noon, ikaw at ikaw pa rin ang makapagtatanggal no'n.

Ilang beses ko nang nasabi 'to sa 'yo, mahal.

At ngayon, uulit ko na naman.

Baka sakaling nakalimutan mo.

Salamat.

Salamat, mahal ko.

Siguro, kung nagiging pera lang ang bawat salitang 'salamat' na lumalabas sa bibig ko, mayaman na tayo.

Napakayaman.

Dahil hindi ako magsasawang magpasalamat sa 'yo.

Hinding-hindi.

Mula nang makilala kita.

Sa pag-amin mong gusto mo ako noong high school pa lang tayo.

Noong mga araw na halos himatayin ako sa pagpapakilig mo.

Sa panliligaw mo.

Sa sakit na dinulot mo sa akin.

Bakit ko isinama 'yon?

Siguro kung hindi mo ginawa 'yon, hindi ako magiging matatag.

Hindi tayo magiging matatag.

Walang malalim na koneksyong magaganap sa ating dalawa.

TagpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon