Pangatlo
Bakit ako masaya?
Bakit ako nasisiyahang isipin na wala nang matatawag na 'kayo'?
Bakit ako natutuwang nagkaroon ulit ng salitang 'tayo'?
Bakit?
Bakit ka bumalik sa 'kin ulit?
Nagsawa ka na ba sa kanya kaya ka bumalik sa 'kin?
Alam mo, gustong-gusto ko ang ginawa mo.
Gustong-gusto kong bumalik ka ulit sa piling ko.
Pero... Bakit gano'n? Sa tingin ko, parang may kulang.
Hindi ko alam kung anong kulang. Hindi ko mapangalanan.
Siguro, nandito pa rin 'yung sakit na ikaw ang dahilan kung bakit nandito 'yon.
Nandito pa rin ang sugat na ikaw mismo ang gumawa.
Nandito pa rin 'yung pag-aalinlangan na tanggapin kang muli.
Pero alam mo 'yung nakakainis? 'Yung puso ko. Patuloy pa rin nitong sinisigaw ang pangalan mo.
Nakakainis kasi kahit na winasak at dinurog mo na 'to, ikaw pa rin ang nagmamay-ari nito.
Nakakainis. Sobra.
Ano bang mayro'n ka at minahal kita ng sobra-sobra? Ano bang mayro'n ka at minahal kita nang higit pa sa sarili ko?
Ni hindi ko na nga naalagaan nang maayos ang sarili ko eh.
Ilang timba kaya ng luha 'yung nailuha ko noong mga panahong niloko mo ako? Kaya na sigurong talunin no'n ang Manila Dam sa rami ng nailuha ko.
Akala ko nga wala na akong iluluha pa eh. Meron pa pala.
Mabuti nga at hindi dugo ang nailuha ko.
Bakit mo ba naisipang bumalik sa 'kin? Para paglaruan ulit ako? Para iparamdam 'yung sakit ulit?
Tama na.
Ayoko na.
Iparamdam mo naman na minahal mo ako.
Iparamdam mo naman na minamahal mo ako.
Iparamdam mo naman na mamahalin mo ako.
Ang desperada ko.
Nanlilimos ng katiting na pagmamahal mula sa 'yo.
Wala akong magagawa eh. Ganito na ako.
Ganito na ang epekto mo sa 'kin.
Nakakabaliw.
Nakakaadik.
Dalawang taon.
Dalawang taon na ang nakalipas nang maghiwalay kayo.
Dalawang taon na ang nakalipas nang mabuo ulit ang salitang 'tayo'.
Masaya ka ba?
Masaya ka ba sa piling ko?
Ako? Oo. Sobra.
Sana ikaw din.
Masayang-masaya ako kasi nandito na ka na ulit.
Nandito ka na ulit sa tabi ko.
Nandito ka na ulit sa piling ko.
BINABASA MO ANG
Tagpuan
Short StoryTagpuan written by: heyqueenreine Started: July 24, 2020 Ended: July 29, 2020 All Rights Reserved © 2020 Highest rank so far #2 - tagpuan as of 10.29.20