"Choose your life, different decisions leads to different ending."
He said.
---------
Nakakatakot mang pumasok pero gusto kong malaman kung sino yung tumatawag sa akin. At nang inapak ko na ang aking mga paa papasok sa pintuang ito, naramdaman kong hindi ako naglalakad pero lumalayo ako sa pintuan hanggang sa marating ko ang pinagmumulan ng liwanag.
Nang marating ko ito bumungad sa aking mga mata ang malabong imahe ng mga tao, siguro dulot ito ng liwanag, sobrang nakakasilaw sa mata kaya medyo malabo pa ang aking nakikita. Pero kahit ganon naaninag kong dinala ako nito sa isang amusement park.
Nakapagtataka kasi mukhang pamilyar itong lugar. Madaming tao at pami pamilya ang magkakasama, may mga bata hawak hawak ng kanilang mga magulang. Kitang kita mo sa kanilang mga itsura ang tuwa at mga ngiti sa na gumuguhit sa kanilang mga labi. Tila ba nakapunta na akong lugar na ito pero hindi ko maalala kung kelan o kung sino yung kasama ko. Dito ako dinala ng boses na tumawag sa akin kanina.
Amusement park? Sa loob ng isang school? Hindi ba nananaginip lamang ako? Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko kaya sinubukan kong gisingin ang aking sarili.
"Argh!" kinurot ko at sinampal ang aking mukha para masigurado kong panaginip nga lang ito, pero walang nangyari.
Tila iba ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Hindi ako tulad ng ibang tao na narito. Mabigat at malungkot ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Hindi ko alam pero tila naiiyak ako sa tuwing tumitingin ako sa buong lugar.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad, at habang naglalakad ako ay may rumolyong dice sa paanan ko. Napahinto ako dahil dito, at pinulot ko ang dice ng may nakita akong isang bata, tumatakbo patungo sa puwesto ko baka sa kanya itong dice.
Tumakbo lang siya papunta sakin masayang masaya siya habang may hawak na ice cream sa kanyang mga kamay. At ng papalapit na siya sa akin ay tinanong ko siya.
"Bata, sayo ba itong dice?" Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at mukhang hindi niya din nadinig ang aking tanong. Ngunit sa paglagpas niya sa akin ay nahulog ang sorbetes na kanyang hawak at nakita kong nawala ang kanyang mga ngiti dahil dito. Kaya tumayo ako at lumapit sa kanya.
Habang tinititigan ko siya, ay naramdaman kong kumabog ang aking dibdib. Tila pamilyar siya sa akin pero hindi ko siya maalala. At nagkatitigan kaming dalawa. Sinubukan ko siyang tanungin muli.
"Ah, bata ayos ka lang ba? Baka nahulog mo itong dice?" Kinurap niya ang kanyang mga mata at sabay tumakbo siya papalayo sa aking kinatatayuan.
Nagulat ako dahil biglang dumilim ang kapaligiran, nawala ang mga tao na kanina ay nandito. Natakot ako para sa bata dahil tumakbo siya papunta sa dilim na hindi ko alam kung saan nga ba patungo. Unti-unti ng kinakain ng dilim ang aking buong paligid at natakot na akong gumalaw.
Bakit parang nasa isa akong bangungot. Hanggang sa tumulo na lang bigla ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
GIVEN: AGE OF RISING POTENTIALS
RandomRayven Kier Sandoval is an ordinary 12th grader student in Yosan University. Here, a classification system is implemented wherein the students are divided into classes based on their academic excellence. Rayven is in class 4, the lowest and the last...