Act 5: The Secret Institution

16 3 3
                                    

Decidated to @Valdis_Alvah crush na crush niya kasi si Keydon kaya ayan sige ibigay natin para maging masaya siya! Happy reading! 


- - - - - - - - - 


At sa wakas natapos na din yung exam grabe, di na kinaya ng utak ko pagkatapos ko magsagot ng essay part natulog na ako, sobrang kabado ako sa mga sagot ko hindi ko sure kung tama ba yung mga pinagsasasagot ko sa test paper. 


"Bro! Kamusta? Nasagutan mo ba lahat?" 


"Hindi ko nga sure eh, medyo may mga nakalimutan akong part pero siguro okay naman na yun."


"Mabuti yan bro."


"Ay nga pala nasagutan mo yung last part? Yung essay?"


"Huh? Anong essay wala namang ganong item sa test eh."


"Ano? Wait meron yan."


"Bro, baka nanaginip ka na naman, wag ka kasi tulog ng tulog dyan."


"Hindi bro, may nadinig ako sa speaker tapos may sinagutan ako..."


"Bro, gutom lang yan tara na!"


Imposibleng namamalik mata lang ako, nakita ko talaga na may sinagutan akong papel tsaka may nadinig akong nagtanong sa speaker. Alam ko kung panaginip lang yon o hindi at sigurado akong hindi panaginip yung nangyari kanina at kung nanaginip man ako, please ayoko na maulit yung test masakit na sa ulo.


"Bro, sabi daw ngayon din malalaman kung ano yung resulta ng test, tapos bukas daw sa assembly hall mangyayari yung shuffle ng klase."


"Ganon ba? Haha hindi na ako aasa na mapunta sa ibang klase."


"Bakit naman bro? Eh feeling ko nga malilipat ka eh, feeling ko lang baka siguro malipat ka sa ibang school na."


"Ano?! Gusto mo sapakin kita ha!"


"Joke lang! Hahaha eto naman masyadong seryoso."


Siraulo talaga to, kung ganon ngayon na pala namin malalaman yung results ng test, medyo kinakabahan ako hindi ko alam yung mararamdaman ko ngayon o yung mararamdaman ko mamaya kapag nailabas na yung resulta, para akong natatae na ewan yung pakiramdam na may hangin yung tiyan mo pero hindi mo sure kasi kinakabahan ka at the same time.


"Tara na akyat na tayo." pag-aya ko kay Keydon pagkatapos naming kumain.


"Bro wait lang may dadaanan lang ako."


"Sige sige una na ako sa classroom."


Ano kayang dadaanan non? Nauna na akong bumalik sa classroom namin dahil medyo masakit yung ulo ko, isabay mo pa yung kaba tsaka kabag ko. Pagkapasok ko ng classroom, naramdaman ko yung kaba ng iba kong mga kaklase siguro umaasa din sila na malipat sa ibang section.

GIVEN: AGE OF RISING POTENTIALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon