Act 4: Genesis

27 7 4
                                    

"NOAH INSTITUTE?!"


"Woah! Ang cool at ang lawak bro! School ba ito?"


Yan ang nadinig kong sinasabi ni Keydon, at maging ako nagulat at namangha sa mga nakita namin halos wala na nga akong masabi dahil hindi ako makapaniwala na may school sa loob ng isang school. Napakalawak at pakiramdam ko mas malaki siya kesa sa mismong Yosan para akong nasa ibang bansa dahil mala vintage at parang nasa england yung itsura ng mga building.


At dahil nga sa mga halaman at mga puno ay hindi mo talaga aakalaing may nakatagong school dito sa loob, at ang kakaiba eh parang may magic yung mga nadaanan namin kanina.


"Bro...kailangan ko itong picturan, grabe ang laki at grabe wala akong masabi, tingnan mo, tingnan mo! Tumataas yung mga balahibo ko."


"Alam mo kunin mo yung camera mo dalian mo."


Habang kinukuha ni Keydon yung camera niya ay unti-unti kaming naglalakad, kasabay nito ay unti-unti din naming nasisilayan kung gaano kalaki itong lugar. Mayroong 2 parang pool or well sa harap namin yung isa bilog tapos kapag nadaanan mo eh makikita mo dito yung isa din pero hindi siya bilog rectangle at medyo mahaba. Sa harap non nakita namin ang main building para siyang mansion kung titingnan mo, sa dalawang gilid non may nakikita akong parang hallway na nakadikit sa mga katabi nitong mga building, pero mukhang hindi lang ito dahil madami kaming nakikitang daanan at panigurado mas marami pang buildings ang nakapalibot dito.


Ang awesome lang kasi sobrang laki ng school na 'to at mala medieval pa yung mga itsura kaya mas nakaka-angas tingnan. Di ko inexpect na sa loob ng isang school ay may nakatagong mas malaking school, sobrang laki.


"Bilisan mo kumuha ng pictures, baka may makakita magpicture ka agad tas itago mo na."


"Eto na eto saglet."


Pagkalabas ni Keydon ng digicam niya para magpicture, ay tumabi muna kami sa gilid dahil baka sakaling may makakita sa amin, at panigurado baka masuspend kami or worse may expel kami.


"Bilisan mo dyan itago mo na."


"Eto na! Eto na! Bro, ang ganda grabe, parang mas maganda pa dito tingnan mo naman parang kasing lawak nito yung buong vicinity ng university parang nandito yung north, south, west and east wing ng university, tapos grabe may tubig sa gitna! Cool!"


"Shhh! Hinaan mo lang yung boses mo, ang daldal mo kumalma ka lang okay? Oo mas maganda siya para tayong nasa england yung mga parang mansyon tsaka mga bahay ng mga hari at reyna doon."


"Bro, kailangan maikot natin tong buong building."


"Ha?! Sigurado ka? Keydon anong oras na malapit na matapos yung break, ayokong magkarecord ng cutting, late na nga ako eh tsaka tulog sa klase magkakarecord pa ako ng cutting."


"Bro! Hindi pa ba tayo nagcucutting dito? Nag-cut tayo sa secret school."


GIVEN: AGE OF RISING POTENTIALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon