Mabuti na lang at naibalik sa akin yung flute ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko para itapon yung box na pinaglagyan ng flute. Pero bago ko pa man ito matapon eh may napansin akong nakasulat na gold something sa loob sa takip ng box.
Choose your life? Different decisions leads to different ending? From Mr. N? Anong ibig sabihin niya dito? Tsaka paano napunta sa kanya yung flute ko?
"Hmmm...at sino naman yang Mr. N na yan Rayven?" tanong niya sa akin.
"Hindi ko din alam eh..." sagot ko sa kanya.
"Sugar daddy? Yan siguro nagbibigay ng pera mo! HAHAHA" biro niyang sabi.
Siraulo to ah, di ko nga kilala kung sino tong Mr. N na ito. At wala na akong pakialam kung sino man siya, itinapon ko na lang sa basurahan yung box at bumalik na sa kinauupuan ko. Ilang minuto na ding late yung teacher namin, late kaya siya or absent na? Absent sa first day of class ano ba naman yan, sayang pagpasok ko dapat pala di na ako pumasok para nakapagpart-time pa ako.
Dahil sa tagal na dumating ng teacher namin eh, itinago ko na muna yung flute sa bag ko, at naisipan kong matulog muna para makapagpahinga mukang 1 hour kaming mag-aantay para sa next subject.
"Ano bro? Matutulog ka na naman? HAHAHA" pang-asar na sabi niya.
"Wala ka ng pakialam okay tuloy mo na yang pagbabasa mo." ang sagot ko sa kanya.
Pumikit na ako at itinakip yung towel na hawak ko sa ulo ko para hindi ko makita yung mga ilaw at yung liwanag ng araw. Kasabay ng pagpikit ko ay ang paglalim din ng mga iniisip ko lalo na sa mga nangyari sa akin noong nakaraang araw, hindi ko alam kung paanong nangyaring dalawang beses akong nanaginip. Hindi ko maalala kung sino yung tumawag sa akin, tapos dumagdag pa itong si Mr. N.
Pakiramdam ko andaming nangyari agad sakin unang araw pa lang ng klase, hindi mga assignments, projects, or kung ano man yung nagpabigat sa araw ko pero yung mga something mysterious na events.
"Good Morning Class 4! Sorry I'm late nagkaproblema kasi yung sinasakyang kong taxi papunta dito sorry talaga..." ang bungad ni Ma'am pagdating niya sa classroom namin.
Paidlip na sana ako kaso naudlot pa dahil dumating na yung teacher namin naming na late sa first day ng pagtuturo niya, mukhang pagod na pagod si Ma'am, halata sa itsura niya dahil gusot na yung damit niya, panigurado ako tumakbo din to si Maam sa layo ba naman ng school namin eh.
"By the way, enough with this...I am Miss Laura, I will be you're homeroom teacher for your last school year here in Yosan Highschool department, and I hope we'll get along well?!" masayang sabi ni Ma'am samin sabay ngiti kahit pagod na siya.
"I am new here sa school so sana makilala ko kayo, and tulungan tayo okay? Tutulungan ko kayo as you're adviser and tutulungan niyo ko para makilala kayo? Okay ba yon class?" ang sabi niya samin.
"Yes Ma'am sure!" ang sigaw ng karamihan sa mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
GIVEN: AGE OF RISING POTENTIALS
De TodoRayven Kier Sandoval is an ordinary 12th grader student in Yosan University. Here, a classification system is implemented wherein the students are divided into classes based on their academic excellence. Rayven is in class 4, the lowest and the last...