Act 1: Enigma

58 11 10
                                    

And yes this first chapter I would like to dedicate this to my friends! Yieee kasi dream naming na magkapowers ganon so paano kung magkapowers kami and yon kasi nanaginip ako na may mga powers kami and nainspire ako kaya yon. Hahaha thank you sa proof reader ko kasi siya yung taga tingin ng story ko bago ko ipost and grabe yung support niya ayan finlex ko na siya whahaha!

***

On the night of the last day, the world we see will lay into shattered ruins. Darkness descended at the night. Memories of the destined future draped slowly into humans. Are they wandering into a nightmare maze? Are there no other choices for them? And then everyone was thrown into confusion. 


Will this be the end?

----------

Nakakatakot ang paligid, madilim ang kalangitan, bumabagsak ang malalakas na kulog at kidlat. Hindi ko alam kung nasaan ako, ang tanging nakikita ko lang ay yung mga gusaling nawasak, tila nababalot ng dugo dahil sa mapulang itsura ng kapaligiran, sa pagtingin ko'y di ko na namalayang may mga kasama pala ako dito.


Dahil dito ay unti-unti akong lumapit sa kanila. "Nasaan ako? Anong nangyayari?" tanong ko sa kanila.


Ngunit ni isa sa kanila wala man lang nagsalita at sumagot sa mga tanong ko. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari tiningnan ko sila at katulad ko nakatingin din sila sa langit. Ngunit bakit ganon ang labo ng nakikita ko o dahil lang sa mga alikabok na nakapaligid kaya di ko sila ganon maaninag.


Sinubukan ko silang lapitan isa isa upang tanungin.


"Ah...anong nangyayari? Hello?" tanong ko sa kanila ngunit tikom ang kanilang mga bibig.


Habang nilalapitan ko sila di ko nararamdamang umaakyat na pala ako sa tuktok ng inaapakan namin para siyang stage sa gitna, medyo mataas pero di mo mahahalata dahil sa mga nasirang gusali sa paligid.


Tila ba hinihila ako ng aking mga paa at unti-unting humahakbang patungo sa kinatatayuan ng isang lalaki na naaninag ko. Nagliwanag ang buong paligid dahil sa malakas na pagkulog at pagkidlat ng kalangitan. Halos mabingi ako sa ingay na dulot ng malalakas na kulog. Kasabay nito ay ang paglingon sa akin ng misteryosong lalaki. Nais ko mang makita ang kanyang mukha ngunit hindi ko ito maaninag siguro dahil sa mga alikabok na bumabalot sa aming paligid.


Hindi ko inaasahan ng bigla niyang hinawakan ang aking mga kamay. At tila ba ito ay pahigpit ng pahigpit.


Nagulat ako dahil napansin kong duguan ang kanyang mga kamay na nagmamantsa sa aking balat. Nahigit ko ang aking paghinga. Naramdaman ko ang biglaang pagbaba ng temperatura sa buong paligid. Tila ginagapang ako ng takot ngunit naglakas loob ako at sinubukang sinilip at inanig ang kanyang mukha. Hanggang sa sumabay muli ang napakalas na pagkulog at pagkidlat sa kalangitan dahil dito tuluyang di ko naaninag ang kanyang mukha.


Sa paghigpit ng kanyang mga hawak ay natakot ako dahil mas lalong lumakas yung agos ng dugo sa kanyang mga kamay kaya sinubukan kong kumawala sa kanyang pagkakahawak sakin.


"Ano bang ginagawa mo?! Bitawan mo.." hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil natalisod ako sa aking inaapakan hanggang sa.

GIVEN: AGE OF RISING POTENTIALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon