CHAPTER 10 : I'M HAPPY

58 16 0
                                    

♡10: I'm happy

NOVEMBER MONTH is really tiring. Minsan sa sobrang pagod ni Kann ay naiidlip ito sa klase. Buti nalang ay kinakalabit siya minsan ni Marj. Subsob siya sa pag-aaral ngunit hindi naman nagkulang sa kanya ang mga magulang niyang magpapaalala na panatilihing healthy ang kanyang katawan.

May sapat naman itong tulog. Masustansiya naman ang kanyang pagkain. Tama naman ang dami ng kanyang iniinom pero palagi parin siyang hinihika. Tanghali na ng lumabas siya para kumain. Pumunta siya ng Cafeteria. Nakita niya sa sulok ang table nila ng mga kaibigan niya.

Lumapit siya doon at umupo sa tabi ni Aisley na nakakunot ang noo habang nakatitig sa binabasa niyang libro. Si Hanz naman ay hinihilot ang sintido. Si Janna at Tana ay wala sa mesa. Si Cray naman ay nagsusulat ng mga numero.

"Oh my gosh. Ang sakit ng ulo ko. Oh my gosh." Saad ni Aisley

"Kumain na kayo?" Tanong niya nagugutom na kasi ito. 12:30 na at kailangan niyang pumasok ulit kapag ala-una na.

"Hindi pa. My imini-memorize akong mga cases. Hay. . . Pakialam ko naman kasi sa mga kaso na iyon!" Naiirita na si Cray. Siguro ay dahil iyon sa gutom niya. Ganyan naman iyan, eh. Mainit ang ulo kapag hindi nakakain.

"What do yah want? I'll order it. Pay me later." Tumayo si Hanz. She said what she want and so Aisley and Cray.

"Wala talagang pumapasok sa utak ko kapag di ako kumain. I hate memorizing." Cray exclaimed.

"Will you just shut up and do what yah doing! Wag mo naman akong idamay. Gutom rin ako." Aisley. Umiiling nalang si Kann. Hinintay nalang niyang bumalik si Hanz para makakain na ito. Pagkaraan ng tatlong minuto ay bumalik ito hawak ang dalawang tray ng pagkain. One in his left hand and one in his right hand.

Pinapak nila iyon. Mabilis din naman nila iyong naubos.

"I'm full. It's near 1:00 again. So, I gotta go now. See you when I see you." She said and walk.

Habang naglalakad siya ay pinagmamasdan niya ang mga students na nakakalat kung saan saan. Ang iba ay problemado sa nalalapit na exam. Ang iba naman ay natutuwa dahil malapit na silang makatapos ng pag-aaral.

Ang iba ay nakatutok lang sa libro. Ang iba ay may kung ano ang isinusulat sa notebook. Pagod ang katawan at isip ng mga nasa huling taon ng pag-aaral. Ngunit masaya parin naman si Kann para sa kanila. Dahil sa lahat ng pagod nila ay napa-ganda ng maabot nila sa dulo. Nakahit lubak-lubak ang daanan ay patag parin naman ang hahantungan.

Masaya siya dahil pagkatapos ng hirap nila ay ginhawa ang kapalit. Nakapasarap isipin na ang mga pinaghihirapan mong makuha ay sa wakas maabot muna. Konting tiis nalang. Konting hapdi nalang. Konting kembot nalang. Konting konti nalang. Maabot na nila ang tagumpay.

"Masyado yatang malalim ang iniisip mo, Empress." Saad ni Thadd. Bahagya namang napa-igtad ang dalaga.

"Wag mo naman akong gulatin." Tumatawang sabi ni Kann.

"Anong iniisip mo Empress? Nahuli kasi kita nakangiti habang naglalakad."

"Hmm. Wala naman. Natutuwa lang ako sa mga estudyanteng malapit ng makarating sa finish line. Pagod na sila pero ipinagpapatuloy parin nila ang karera. Masaya ako dahil hindi sila sumusuko kahit nahihirapan na sila."

"Kaya hindi ako napapagod sayo. Alam ko kasing sa huli ay tagumpay." Ang masayang ngiti ni Kann ay unti unting nawawala.

"Hindi ka ba napapagod sa aking Thadd?" She curiously asked. Pano kung hindi niya masuklian ang pagtingin ng binata. Ilang buwan narin itong nanliligaw.

Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon