CHAPTER 6 : HER FAVORITE FLOWER

71 21 0
                                    

♡6: Her favorite flower


ISANG BUWAN na simula ng ligawan siya ni Thadd. Lagi siya nitong binibigyan ng bulaklak at gaya ng iba pang bulaklak na ibinibigay nito ay sa vase dumederetso.

Puro rosas iyon at iba-iba ang kulay. Pero ang pinakamaganda at pinakaiingatan niya ay ang Rainbow Rose. Nasa isa iyong mamahaling bote. May gamot ang hangin nito sa loob kaya naman hindi iyon nalalanta. Naka-display iyon sa side table kasama ang mga pictures niya.

Meron pa iyong ibinigay niyang rosas na kulay asul. Nasa field sila noon para sa P.E nila ng ibigay nya ito sa kanya. Marami ang nakakita pati rin ang News Writer kaya ang ending ay issue na naman.

Ang Dada at Mama naman niya ay pina-aalalahanan siya lagi na diploma muna bago lalake. Hindi naman daw masama ang magpaligaw. Ang masama ay kung maaapektohan ang pag-aaral niya. Ang sabi ng Dada niya ay oras na bumaba ang grades niya ay hindi na siya ga-graduate. Ititigil na daw nito ang pag-aaral.

Si Thadd? Ayun at nasa harap na naman niya at may hawak na peach na rosas. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang supply niya ng rosas. Araw araw kasi ay uuwi siyang may bitbit na rosas na ipampapalit sa rosas na nalanta sa vase niya.

Ang mga kaibigan niya? Heto at nasa tabi nyqa. Ang mga babae ay mataray na nakatingin kay Thadd pero halata naman na gusto nila. Sabi nga ni Tana 'Boring ang School life kung wala kang experience sa Love'. Pero hindi sya naniniwala doon.

"Pang ilang rosas na iyan?" Tanong ni Cray na halatang gusto na niya itong sakalin hanggang sa maging malamig na ang katawan ng binata.

"Pang-seventy eigth rose na ito. Pero hindi naman ako nasasayangan. Para naman sa kanya at alam ko naman worth it." Masayang tugon ng binata.

"At kailan ka titigil?" Halos pasinghal naman ang pagkakasabi ni Hanz. Nagpipigil syang suntukin ang binata.

Kay Kann. Wala lang naman ang mga iyon sa kanya, eh. Kaya imbis na mainis kay Thadd ay napapatawa nalang ito. Alam naman ni Kann na ramdam ni Thadd ang mabigat na tensyon pero kalmado parin ito. Nasa kaloob looban pala ay may mga kabayong tumatakbo sa left ventricle niya.

"Kapag sinagot na niya ako. O kapag napagod na ako. O kaya naman ay wala ng supply ng rosas sa Pilipinas."

Napapailing nalang ang mga babaeng katabi Kann. Hayyst.

"Alam mo bang nagtataka ako kung bakit puro rosas ang ibinibigay mo kay Empress, samantala ang iba niyang mga manliligaw ay mamagaling chocolates, bears and expensive stuff." Ani ni Luna o Aisley.

"Mga manliligaw na lagi din namang busted." Segunada ng dalawang lalaki.

"Hindi naman siya nagrereklamo ehh. Tsaka naisip kong bulaklak nalang ang ibigat ko para romantic. Yun ang sabi ni Mama sakin, eh." Napakamot ng batok si Thadd. Sa di kalayuang table naman ay ang kanyang mga kaibigan.

Si Dawin na naka-thumbs up sa kanya. Si Jamill na umiinow ng Soda. Si Ramma na nagsa-sountrip. Si Circee na may hawak ng gitara. Ang dalawang babae naman ay masayang nagku-kuwentuhan. Sa wakas ay nakabalik narin ang mga ito. Late enrolled ang mga ito. Noong bumalik sila ay isang linggo na ang nakakaraan ang pasukan.

"Grabe, no? Hindi kaya butas na ang bulsa mo?" Tanong ng Goddess. Tananie kasi iyon.

"Hehe. Hindi naman, no."

Tinanggap ni Kann ang bulaklak at ngumiti naman siya.

"Salamat." Maikling saad niya. Kahit maikli ang kanyang tugon ay bakas parin ang kagalakan sa binata. Maaliwalas ang bukas ng kanyang mukha.

Love Never FadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon