Sir Walker's POVSobrang gabi na. Ang dami ko pang ginagawa dito sa faculty room. Ang hirap pala pag kaka-graduate mo lang at wala kang koneksyon o kakilala sa university na tuturuan mo. Di mo rin magagamit yung past achievements mo, lalo na't kung gano ka pa katalino dahil puro matatanda na nagtuturo sa college. Magso-sorry nalang ako kina Gan, Kaia at Colette. Di man lang ako nakabisita kanina sa club auditions nila. Alam rin nilang bawal pa sila umuwi hangga't di ako nakikipag-meeting sa kanila. Siguro tulog na yung mga yun sa club room.
Mabilisan kong niligpit ang mga gamit ko sa cubicle at babalikan ko nalang mamaya. Wala nang tao sa loob ng faculty room. Either umuwi na or nagtuturo pa yung ibang professors. Umalis na ako at dadaanan na ang Scrub and Shine Fine Club.
Bakit parang ang konti ng evening students dito sa Hawkridge? Di katulad ng university na pinanggalingan ko. Sobrang dilim rin ng daan... sino yun? Bakit nagwawave sakin yung naka-helmet at nakatayo sa tabi ng motorsiklo?
Nagwave nalang ako pabalik kahit di ko kilala haha.
Tinanggal nito ang helmet niya at si Sir QT pala... mala-bad boy..
"Sir!" Sigaw niya sakin.
"Uuwi na po kayo sir?" Tanong ko.
"Oo. What about you? Sabay ka na sakin?"
Aangkas ako sa motorsiklo ni sir? Yung tipong hahawak ako sa likod niya?! Pwede naman siguro mag sleepover sina Gan sa club room ngayong gabi... pero di pala pwede. Ano ba akong klase ng club adviser.
"May dadaanan pa po ako sir! Ingat po kayo sa daan."
"Sure. Pero sir, remind ko lang po yung request ko kanina. Bye!" At sinuot niya na ulit ang helmet.
Nagpatuloy na ako sa pagpunta sa club room.
———
Narrator's POV
Nakatayo si Tamtam sa labas ng convenience store at gabi na. Maingay na ang kalsada sa tapat nito dahil traffic. Nakasandal siya sa glass wall sa tabi ng pintuan at mukhang inaantok na. Agad siyang nagising nang may humampas sa sinasandalan niya mula sa loob. Pagtingin niya ay isang babaeng nakauniform din ng convenience store at may pinakamatapang na drawing ng kilay na nakita niya sa buong buhay niya. Ang namecard na nakadikit sa dibdib nito ay may nakasulat na "Hi! I'm Kikay!" Sinesenyasan siya nitong umalis sa tapat ng convenience store.
Tamtam's POV
Burahin ko kilay nitong si Kilay Kikay e.
"Ito na nga aalis na!" Sabi ko sa kanya habang paalis kahit di naman kami nagkakarinigan. Binelatan niya lang ako at binelatan ko rin siya pabalik.
Dito na nga muna ako sa tabi ng poste. Kita pa rin naman ako pag dumaan sa tapat ng tindahan. Ang tagal naman ni Gan. Nakakainip na e. Lilibre pa ako nun ng siopao. Yuyuko nga muna ako dito sa tabi.
Hala. Gutom ko lang ba ko o parang naaamoy ko na siopao sa tabi ko? Yes! Andito na ba si Gan?!
"Pssst."
Narrator's POV
Biglang napatungo si Tamtam at nakita niya si Leaf na mukhang pauwi na. Inaabutan siya nito ng siopao.
BINABASA MO ANG
99.9% Into You
Teen Fiction🌈 An LGBTQ+ teenage light-hearted novel that is 99.9% all heart and 0.1% judgement. The Scrub and Shine Fine Club only has three members since the college students of Hawkridge University cannot take the new club seriously. Gan, Kaia, and Colette a...