Episode 5 - The White Lady with Milktea

4 1 0
                                    


Kaia's POV

Ang dami namang lamok dito. Nasa tapat kami ng faculty building at hinihintay si Sir Walker.

"Gan, kala ko ba mauna na daw tayo?" Tanong ko kasi nakakainip na.

"Pilitin nalang natin si sir. Para kasing di pa siya komportable sa school? Ayain nating sumabay." Sagot niya.

"Di ka pa ba mapagsasarhan ng dorm?"

"Last 30 minutes. Dadaanan ko rin si Tamtam sa store, bibilhan ko ng pagkain."

Biglang may tinuro sa malayo si Colette.

"Diba si sir yun?"

Napatingin kami sa palayong motor at nakaangkas si Sir Walker. Di namin kita ang mukha dahil naka helmet pero naka black jacket kasi.

"Sino yung nagdr-drive?" Tanong ko.

"Si Sir QT lang naman laging naka leather jacket dito." Sagot ni Gan.

Hmmmmm.....

Narrator's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Narrator's POV

Naglalakad na papunta sa tapat ng convenience store sina Gan, Kaia at Colette. Nagulat si Gan at Colette nang makita si Leaf na nakaupo katabi si Tamtam.

"Anong ginagawa niyan dito?" Pabulong na tanong ni Gan kay Kaia.

"Nakalimutan mo atang tapat yan ng store?" Sagot ni Kaia.

"Hindi. Meaning ko, bakit katabi niya si Tamtam?"

Napansin na sila nina Leaf at Tamtam. Tumayo si Leaf.

"Kaia, pwede kita makausap?" Tanong ni Leaf.

Nagtaka muna si Kaia pero nginitian siya ni Leaf na mukhang may sinisignal.

"Sure. Why not." Nanlolokong sagot ni Kaia. "Usap tayo habang paalis ako. Gan, sabay na kayo ni Colette. Wag na wag mo yan papadaanin sa tapat ng milktea shop."

Nalungkot si Colette habang tumango nalang si Gan habang nagtataka. Naglakad na paalis sina Leaf at Kaia.

"Ba-bye mga fans ng Worldwide Top Teenage Model Tournament." Asar niya kina Gan at Colette habang paalis dahil kasabay niya si Leaf.

"Waw ah. Namemorize niya yun." Sabi ni Gan kay Colette. "Bibilhan ko lang si Tamtam ng pagkain bago tayo umalis."

"Wag na." Sagot ni Tamtam. "Binilhan na ko ni pogi."

"Ha?"

"Uuwi na ko. Dalawahin mo nalang bukas."

Umalis na rin si Tamtam.

"Mag-ingat ka sa daan ah!" Sigaw ni Gan. "Ikamusta mo ko sa nanay mo."

Di na siya pinansin ni Tamtam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

99.9% Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon