Narrator's POV
!!! TAMTAM !!!
Pagalit na sigaw ni Gan sa isang batang galit rin at may hawak na lollipop sa loob ng convenience store. Madungis ang batang naka-bonnet at napakaruming damit. Sila lang ang nasa loob.
"Bitawan mo yang Chupa Chups." Seryosong utos ni Gan.
"Ah. Yaw." Sabi ng Tamtam.
"Edi kukunin ko nalang."
"Ok." Pabalang na sagot ng bata.
Biglang tumakbo papasok ng aisle 3 si Tamtam kung saan nakalagay ang mga hygiene products ng convenience store. Pagkakita sa kanya ni Gan ay huminga ito ng malalim, tinuck-out ang polo uniform ng store, itinaas ang brown slacks, at inayos ang sumbrerong may logo pa ng convenience store. Tumakbo rin papunta ng aisle 3 si Gan pero wala na si Tamtam. Biglang tumalikod si Gan at nakita niyang nakatayo sa pinanggalingan niya ang bata.
"BLEH!" Pagtapos ay tumakbo ulit si Tamtam. "Sabi mo bibigyan mo ulit ako ng lollipop!"
Naghahabulan na sila sa loob ng store.
"Kakabigay ko lang sayo kanina bago ako magtrabaho ah!" Sigaw pabalik ni Gan.
"Nakalimutan ko na e!"
"Seryoso ako Tamtam! ibibigay mo yan o yan na ang huling lollipop na mahahawakan mo."
Patuloy lang silang nagtatakbuhan nang biglang narinig ni Gan ang pag-bukas ng sliding door. Hindi niya ito masiyado inintindi dahil hindi niya pa rin mahuli si Tamtam. Biglang tumakbo ang bata sa bandang entrance at agad namang nahawakan ni Gan ang likod ng sando nito. Hinila ito ni Gan papalapit sa kanya. Kinarga niya si Tamtam na parang baby at nginitian habang ang bata'y mukhang inis. Habang nakatingin ang dalawa sa isa't isa ay biglang napatingin sa harap si Gan kung saan may matangkad na lalaking nakatayo. Napabukas ng bunganga si Gan sa gulat at biglang binaba ang bata. Agad niya nalang sinubo sa bunganga ng bata ang lollipop at umayos siya ng tayo.
"ARAY! MAY WRAPPER PA E-" Sigaw ni Tamtam sa tabi habang sobrang inis.
Sinubsob pa ni Gan ang lollipop para manahimik ang bata. Tumakbo si Tamtam habang galit sa likod at ilalim ng counter kung saan binuksan niya ng maayos ang lollipop. Namumula ang pisngi ni Gan dahil sa hiya sa customer at natawa ang lalake dahil sa nakita.
"Ang cute niyo." Sabi nito kay Gan habang nakangiti.
Nginitian lang rin siya ni Gan bago tumakbo papunta sa likod ng counter ng cashier.
"Good morning po!" Greet ni Gan sa kanya.
Nagpatuloy na ang lalake at kumuha ng baso para punuin ito ng mainit na kape. Habang nakatayo si Gan sa likod ng counter ay inoobserbahan niya ang lalake.
BINABASA MO ANG
99.9% Into You
Novela Juvenil🌈 An LGBTQ+ teenage light-hearted novel that is 99.9% all heart and 0.1% judgement. The Scrub and Shine Fine Club only has three members since the college students of Hawkridge University cannot take the new club seriously. Gan, Kaia, and Colette a...