Sa wakas nakapunta na ako sa room 704. Medyo mukha pa ring luma ang club room namin kasi bodega o tapunan lang talaga siya tas kakasimula palang naming irenovate 'to last month which is start ng classes. Kakastart palang ng August pero sobrang busy na namin dahil sa club na to.Nakabukas lang ang pinto kaya nakita ko na sa loob si Colette. Naka-upo siya sa isang arm chair sa bandang likod at nakataas ang paa sa baba ng window. Nagbabasa siya ng pocket book at nagpapaaraw habang malapit ko na makita ang buong hita niya. Classic Colette. Laging masiyadong inosente para sa mga bagay-bagay.
"Sorry late ako." Sabi ko sa kanya habang hinihingal.
Tahimik na nagulat si Colette at bigla niyang nasara ang binabasa niyang pocket book. Napatingin siya sa'kin.
"Nagulat ako." Sabi niya sa'kin sa malumanay na paraan.
Dumiretso pasok na ako at sinimulang ayusin ang punong trash bag na dala niya para magkatabi ang trash bag namin sa likod. Habang nakilos ako, pinagsabihan ko siya.
"Uy ayusin mo paa mo, pa'no kung may ibang makapasok."
Agad siyang tumayo at inayos ang upo niya. "Naka-shorts naman ako sa loob... oo nga pala, inayos ko na yung mga upuan, tinabi ko yung iba at nag-iwan lang ako ng tatlo sa gitna para sa auditions. Nakita mo ba si Kaia?" Sabi niya.
Napatingin ako sa tatlong arm chair na nakalagay sa gitna at nagsimulang pumunta sa likod para buksan ang bag ko. Nagpatuloy ako makipagusap kay Colette habang nakilos.
"Hindi e, diba kayo ang magkasama kanina? Baka 'di pa siya tapos sa trash bag?"
"Yun pa? E siya naman lagi unang nakakapuno ng trash bag sa'ting tatlo. Tsaka sa quad siya nakaassign ahh. Andaming nalalaglag na dahon dun. Kaso baka may practice yung varsity sa quad? Hala diba nasa basketball team yung binugbog niya noon?! 'Di kaya pinagtripan nanaman siya? Baka nanapak na yun at pinadiretso siya sa office! Tingin mo okay lang siya?! Kung puntahan ko na kaya siya?!"
"Huh? Walang masamang mangyayari dun. Tsaka kung nakipagbugbugan man yun sa mga varsity, wala nang makakalakad sa mga yun para makapagsumbong pa sa office. Mas malakas pa yun sa coach kaya wag ka na magalala."
Pansin ko pa rin ang lungkot ni Colette.
"Uy! 'Di ka ba excited para sa auditions? Umupo ka muna't baka magka-himala at may pumasok." Sabi ko para mapunta sa iba ang atensyon ni Colette.
Umupo si Colette sa right side at napansin kong nabawasan ang tamlay sa mga mata niya.
"Kaso di ko pa rin alam kung anong pwedeng ipagawa sa auditions e..." Sabi ko para maexcite siya. Umupo na ako sa gitna.
"Ah! May naisip na ako kanina!" Biglang sabi ni Colette ng may ngiti. "Kung tanungin kaya natin sila na kung magiging isang bagay sila na panglinis, ano sila at bakit? May nabasa rin ako kanina sa pocketbook ko na nagpaalalang therapeutic nga rin ang paglilinis. Tingin ko naman gugustuhin nilang sumali sa club dahil imbis na magaral o magluto sa club time, edi maglinis nalang para relaxing-" bago pa matapos magsalita si Colette ay nagsalita na agad ako.
BINABASA MO ANG
99.9% Into You
Teen Fiction🌈 An LGBTQ+ teenage light-hearted novel that is 99.9% all heart and 0.1% judgement. The Scrub and Shine Fine Club only has three members since the college students of Hawkridge University cannot take the new club seriously. Gan, Kaia, and Colette a...