"Talaga div crush mo si rai?!" Halos hindi maipinta ang mukha ni shai muntik pa nga itong mabulunan
"Shh wag ka naman maingay, baka may makirinig sayo" medyo tinakpan ko pa ang bibig nito para hindi na matuloy ang sasabihin.
"Pweee! Saan ba galing yang kamay mo!?"asar na asar na bulyaw sakin ni shai.
"Sorry nangamot kasi ako kanina e, choss!"pagbibiro ko, tumawa pa ako ng malakas kahit walang nakakatawa.
"Ayan div ha, rai pala ha" pang-aasar naman ni cane. Ano bang masama kung crush ko si rai?
Kumakain nga pala kami dito sa lugawan, 5 minutes lang ang binigay na break samin ng leader namin. E nakakagutom kasi atsaka hindi naman lahat yon susunod sa '5minutes'-- nagtataka siguro kayo, nag fifilm kasi kami e, project.
"Crush lang naman"sabi ko. Crush ko bakit, hinahangaan ko lang naman.
Nakikinig lang sila jen at maris pero halata mong nang aasar sila, sa mga tinginan palang nila.
"Ayie! Dalaga na si prainella divine" pag banggit ni shai sa full name ko
"Yayy shut up shairalyn kate!" Nakabusangot kong banggit.
"Nagkabanggitan na nga"tawa pa ng tawa si jen
"Manahimik ka jenifer yna ha" sabi ni shai kay jen.
"Wag kang tumawa diyan cane hannah" sabi ni jen kay cane
"Oh bat nadamay ako, wag kang manahimik diyan maria maris" sabi ni cane kay maris
Napuno ng tawanan yung table namin, nakakahiya kasi kami lang ang maingay pero masaya naman. Hindi naman bastos ang pinag uusapan namin kaya hindi kami sinisita nung may ari ng lugawan nato. Sayang wala si jaira marie edi dapat sobrang ingay namin.
"Pero seryoso ka div? Crush mo talaga?" Tanong ni cane.
"Oo nga crush ko lang" sabi ko. Ang bata ko pa para mahalin siya. Atsaka wala pa sa isip ko yon.
"Balik na daw magsisimula na kasi ulit"pag lingon namin si javen pala, assistant leader/co-director--- barkada ni rai. At shempre kasama niya si rai.
Medyo nahiya ako kasi tumingin sakin si rai, kaysa irapan ko nginitian ko nalang siya nginitian niya din ako. Hala! Bat nakakatunaw? Oa div! Kinakaban ako pero bakit? Wala naman siyang alam e.
"Susunod nadin"sabi ni shai at ang gaga sumulyap pa saakin, halata naman niaasar niya ako.
binilisan lang namin yun kain namin, hindi maiwasan nila shai mag sabi ng 'ayiee' kasi nakita nila kung paano tumingin at ngumiti saakin si rai.
"ang hirap sayo para kang manok na patuka ng patuka!" kita mo yung emosyon kay shai, galing sobra pwede na artista sa abs cbs char
uminom lang ako ng tubig, nasa loob kasi ako ng bahay ng pinagshoshootan. ayoko sa labas, mainit.
nasa gilid ko lang si rai at yung tatlo pa niyang kaibigan. alam kong medyo tumitingin sila sakin kasi para akong tulala. dang!
BINABASA MO ANG
Loving You Crazy
Teen FictionA writer must pour their hearts and pain on paper -unknown writer