CHAPTER FIVE

20 1 0
                                    

"Ma! Bakit hindi mo po ako ginising? Meron po kaming practice" natataranta kong sabi. Oo wala akong role pero kailangan kong pumunta.

Tinitigan lang ako ni mama, bakit naman kaya. Tumingin ako sa orasan eight am na at dalawang oras na akong late.

"Wag kanga diyan, 9 am pa daw ang start. May nag hihintay sayo sa baba" sabi ni ate na kakapasok lang dito sa kwarto, paalis na rin ata.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko. Anong nine am? E sabi nga ni honey 6 am.

"Hatdog" sagot ni ate.

"Hanger, harina, tapos hangin" papatalo ba ako? Shempre hindi. Sabi nga ni mama magaling ako sa kalokohan.

"Hangerin ka talaga ni mama, sino yung nasa baba ha"pabulong na tugon nito. Sino ba? Baka sila cane.


"Baba na ako ma" sabi ko pa.

"Bababa kang ganyan ang suot? Hala sige divine magpalit ka don" sanay naman sila cane na ganto suot ko. Wala pa nga akong dede minsan ay bra pala.

Nagpalit lang ako ng pajama tapos loose shirt, tapos pagbaba ko lalaki yung nakaupo sa sofa.



"Ang tagal mo, ligo kana?" Tanong nito sakin. Bakit nandito si rai sa bahay? Wala naman kaming usapan na pupunta siya dito ha.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Buti nalang nagtanggal na ako ng tuyong laway sa taas palang kung hindi sobrang nakakahiya.

"Sinusundo ka, tara na. 9 am pa ang start." Sabi nito.

Ay sabado pala ngayon. Bakit hindi ko naisip na baka iadjust yung oras ng practice.

"Wait asikaso lang ako, hanggang anong oras tayo?" Tanong ko.

"Hapon ata. Hindi ko alam e, depende sa mood ni honey." Sagot niya.

Dali dali akong nag asikaso, nakakahiya hindi man lang niya ako chinat edi dapat fresh ako pag dating niya. Muka akong basura nung nakita niya ako, ang gulo pa ng buhok ko.

"Doon tayo sa practisan sa malapit sa seaside e." Sabi niya. Nilalabas niya na yung bike niya, at shempre naka bike kami.

"Ma alis na po kami"sabi ko kaya mama.

"Mag iingat kayo, ikaw na ang bahala ha" pag sabi ni mama kay rai. Hindi naman ako pababayaan ng asawa ko, charot!

"Sige po alis na po kami"


Kala ko deretso na kami doon sa seaside na pagpapractisan, lumiko pa kami pero hindi na ako nagtanong. Ang init!

"Saan tayo?" Pagtatanong ko hindi ko na kasi napigilan e.

"Nasa bike nakaupo" kalma divine, ang sarap hampasin ng kaldero sa ulo itong si rai. Angas sumagot.

"Pang top one sagutan mo ha, galingan mo pa" sabi ko. Tumawa lang siya, masaya ba siya pag napipikon niya ako?




"Pang top one? Wag ka kabahan hindi ko pa naman gagalingan"sagot nito.



Nag'nyenye' lang ako wala na kasi akong masabi e. Dumaan lang kami sa isang bakery bumili pa siya ng tinapay, hindi pa siguro nag aalmusal to. Bakit divine nag almusal kanaba?





Loving You CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon