nagkauntugan pa kami ni cane sa sobrang pagmamadali, sila maris naman nag unahan ng tumakbo sa c.r at wow lang ha tatlo silang nadon. kami ni cane nagligpit na ng mga kalat namin simula kagabi.
"ang sakit ng ulo ko te" sabi sakin ni cane habang hinihimas pa yung ulo niya.
wala namang nag inuman kagabi e, sadyang nagkauntugan lang kami ni cane kaya sumakit yung ulo niya. yung ulo ko din medyo masakit ha.
bakit nga ba kami nagmamadali e sabado naman ngayon pwede naming gawin yung mga gusto naming gawin. pero kasi nagpatawag ng seminar yung teacher namin sa oral com kaya eto kami nagmamadali. 11 am na at ang start ng seminar ay 12 biruin mo hindi man lang nagsabi sa gc kagabi. buti nga nagising si shai kasi naiwan niyang nakabukas yung data niya kaya sunod sunod yung tunog kaninang umaga.
kaya kami nagmamadali kasi tatlong subject sakop non, at attendance din yon. pwede din kaming ma exempt sa tatlong exams sa wednesday pag meron kaming attendance don.
hanggang 12 lang pala yung hintayan sa school tapos aalis na. ewan ko kung saan yung pupuntahan, pero sabi kasi sa gc nakabus daw. sagot yon ng school.
"hoy shai, sabon sabon din pag may time" rinig kong kantyawan nila sa loob ng c.r
"sana all nagsasabon na" napasabi nalang ako sa hangin.
"beb kailangan paba talaga?" napalingon naman ako kay cane sa tanong niya.
"ha? oo naman. ang hirap nung tatlong exam, kaya kailangan natin magkaroon ng attendance ngayon" sagot ko. hindi naman kasi ako mahilig mag review, kung ano lang yung mga naalala ko yun lang. tapos minsan wala pang maalala.
"hindi naman yung attendance e" nakakunot yung noo ko na parang sinasabing ituloy niya yung sinasabi niya "yung pagsasabon beb, kailangan talaga?" pagtuloy niya.
tumawa muna ako bago ko siya sagutin, sira din ang ulo niya minsan no?
"bobo, malamang!" sagot ko habang tumatawa pa din. hindi naman yan siya maooffend dahil sinabihan ko siya ng 'bobo' alam nilang expression ko yon.
"gaga ka" sagot niya.
ang tatagal maligo nung tatlo, ano bang tinanggal nila? hay nako!
hindi ko na inabalang tignan yung orasan, kasi for sure magpapanic nanaman ako. wala naman kasing sinabi sa gc kasi kagabi. edi sana prepare kami nila cane diba? ang galing kasi e.
BINABASA MO ANG
Loving You Crazy
Teen FictionA writer must pour their hearts and pain on paper -unknown writer