CHAPTER ELEVEN

11 0 0
                                    

"bakit kasi ganyan?!" naiiyak na sabi ni cane. tawa lang ako ng tawa sa reaksyon ni cane.

"meant na maghiwalay sila, epal si tadhana kaya ganon" sagot ko habang ngumangata ng chichirya.

ang sakit sa puso nung palabas, alam mo yun kung sino pa yung bumuo sayo ayon payong sisirain mo. ang bobo diba, binuo ka tapos sisirain mo. yung ganong tao dapat kinakarma e.


kung hindi mo kayang panindigan yung pagmamahal mo sakanya dapat una palang hindi kana nagpakita ng motibo para hindi siya umasa ng sobra. mga tao ngayon magagaling sa una e, tapos mga duwag naman. ang akin lang, kung hindi ka sigurado sa tao wag ka magpakita ng sobra sobrang motibo.

"pero te pwede naman sigurong wag na bumalik si guy doon sa nanakit sakanya ha" pagkukwento ni cane. nanonood parin kami at halos patapos na yung palabas.

"hindi naman natin mapipigilan ang isang tao. kung gusto niyang makawala sayo o kung may gusto siyang balikan wala kang magagawa, hawak nila yung choices nila." sagot ko.

tuloy parin yung iyak ni cane, ang sakit kasi talaga sa puso. lalo na yung unang spoken word na pag nagmahal ka hindi mo mapipigilang lumuha, unan ang iyong magiging sandigan. kawawang unan laging nababasa sa tuwing tayo'y nasasaktan.


gustong gusto ko makarinig ng mga ganito, kasi mahilig ako magsulat sulat. gustong gusto ko matuto pa ng marami about sa mga tula.


gusto ko bago ako magcollege or bago ako grumaduate ng college meron na akong collections ng mga tula. parang ang ganda kasi e, iipunin ko lang siya tapos gusto ko after ng madaming years babasahin ko ulit siya tapos mapapaisip ako ng 'hala naisulat ko to?' ganon.




sa ngayon wala pa akong balak na gumawa ng tula kasi tinatamad pa ako at wala pa akong ganon ka idea kung paano lumikha ng magandang tula. ngayon naka focus ako sa pagbabasa ng mga tula.


"ang sakit pala te, kung kelan mo na siya gustong kalimutan doon mo pa nalimutang kalimutan siya." sabi ni cane. ang lalim naman.



nagkibit balikat nalang ako, wala naman akong comment doon. kasi the more na pinipilit mo yung sarili mong kalimutan yung isang tao, doon makikipaglaro sayo si tadhana na maalala mo yung magagandang merories na pinagsaluhan niyo then boom makakalimutan mo nang kalimutan siya.



minsan ang gara din ng laro ng tadhana kung kelan masaya ka saka ka nito papalungkutin. kung kelan naeenjoy mo yung ginagawa mo saka naman niya ito papahintuin. alam mo yon pang asar.



kumuha si cane ng baso para sa inumin namin, dalawa yung inumin namin isang softdrinks isang tubig. mahirap na baka biglang kumaway si u.t.i.


Loving You CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon