CHAPTER 3 (Small World)

26 1 0
                                    

Akalain mo yun? Chapter 3 na. Huehue :)) sana wag nyo agad ako husghan. Simpleng tao lang ako na nag-aral, natuto magbilang, mag sulat, magbasa. Hahahaha! Comment ka ha? Oo ikaw! :*

--

MICAELLA POV

Bukas tapos na ang suspension ko. Namimiss ko na yung upuan ko. Pati mga subjects ko. Uhhgg! Sana hindi ako bumagsak. Hindi pwedeng mawala scholarship ko. Ang mahal pa naman ng tuition sa NEU. Kulang pa ata isang taong sahod ni nanay sa paglalabada sa sobrang laki ng binabayad dun e. Buti nalang talaga matalino ko. Nagpaulan si lord ng katalinuhan nasapo ko lahat. O god why Im so blessed?

Nasa labas ako ng bahay namin. Tipikal na hapon, mausok. Nagsisimula na kasing mag ayos ng paninda yung mga nagtitinda ng isaw at kung ano anong street food dito sa kanto namin. Sa apartment lang kami nakatira, maliit na bahay para sa iba. Haayy, namimiss ko si tatay. OMG! Nagda-drama ko? Holy cow. Hindi ako to!

"Miss sungit!"

May narinig akong sigaw. Hindi ko nalang pinansin at busy ako kaka-selfie. Yes you heard it right. May cellphone akong kukurap kurap. Niregalo sakin ni nanay nung 16th biryhday ko. "Uy! Miss mataray!" Tumaas naman ang kilay ko. Sino ba yung talipandas na yun?! At paglingon ko nakita ko na naman si Abnormal na lalaking hoy ng hoy sakin nung nakaraan. Ughh! Sya na naman? "Oh? Ano?!" Sigaw ko din sakanya. Aba lumapit pa lalo sakin si mokong! Nakakahiya. Todo make up pa naman ako. Hihi. Sabagay lagi naman. HAHA. "Sungit mo talaga no? Ganda mo naman ngayon." At nag smirk pa. Feeling kp namumula ko kaya yumuko ako tumayo. "Tse! Alam kong maganda ko. Bakit ba huh?! Pwede wag kang feeling close? Di ako nakikipag usap sa mga dugyot." Sabay flip ng buhok ko. "Wooaah. Gusto ko lang makipag kaibigan sayo. Unang kita ko palang sayo, alam kong ikaw na mamahalin ko, Micaella." At ngumiti sya ng pagkatamis-tamis. "Wait.. teka nga, pano mo nalaman ang pangalan ko abnormal ka?!" Loko to ah. Stalker ko ba to? Sabagay normal lang yun sa ganda ko ba naman na to. "Hahahaha! Ang cute mo talaga Mica. Lalo tuloy akong na tu-turn on sayo." Tska nya ginulo ang buhok ko tska sya umalis. Naiwan naman ako ditong tulala dahil sa mga sinabi nya. Sabog ba yung lalaking yun? Psh

.

Pumasok na ko s loob ng bahay dahil unti unti na kong nilalamok. Naka-shorts lang kase ko. Alam mo na, para ma expose ang ka-sexyhan ko.

"Nak, tara na't kumain. Nagbigay ng ulam yung bagong lipat jan sa tabi natin. Mukang masarap oh." Panimula ni nanay. "Sino pong bagong lipat?" Tanong ko naman. "Pamilya Santiago daw. Mayayaman e. Buti nga't mababait. Lahat ng nandito sa apartment binigyan. Yung anak ang nagbigay sakin ng ulam kanina. Naku anak, ang gwapo gwapo. At ang bait bait pa! Tinanong nga ko kung anong pangalan mo e." Pagkwento ni nanay na parang manghang mangha habang nilalagyan ng pagkain yung plato ko. "Po? Ano yun nay?" Tanong ko kay nanay. Hindi ko kasi masyadong naintindihan yung huling sabi ni nanay e. "Wala. Sabi ko kumain ka na at magpahinga. Bukas papasok ka na, sinasabi ko sayo Micaella! Umayos ka na at wag ng mang aaway!" Panenermon na ni nanay. Hayy, sila naman talaga nagsisimula no! Nagsimula na kong kumain. Ay nagmadali akong hugasan ang pinagkainan. Gusto ko ng mag bukas. Excited na kong pumasok ulit no!

--
Sorry guys kung eto muna update. Medyo busy lang. Mehehe, parang nawawalan ako ng gana i-tuloy pa to. Hahaha! Ano ba masasabi nyo? Please do post your comments below. Para alam ko kung may mali. Pleasee? :))

Thankyou! :* back to school na bukas. :))

Four letters, one word (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon