Hi sa idol kong si Mark Jester Natividad Ventura! :*
Puro POV lang po muna ni Micaella. :))
Oy ikaw! Oo ikaw, comment ka naman dito. Please? Thankie! :*---
MICAELLA POVAno ba sinasabi nung abnormal na yun? Destiny? Like duuh. Hayy bahala nga sya. Last subject na ko at mag u-uwian na. Yahoo!
"Okay class, I have an exciting news for you." Sabi ng prof naming panot. Real talk, mas madami pa atang buhok nya kesa sa buhok ng kili-kili ni Cassandra.
"Magkakaron lahat ng BS Math 1st year department ng retreat for 3 days and one night sa tagaytay. Mandatory to kung hindi kayo makakasama, babagsak kayo sa subject ko lalo na yung mga scholars. It will cost 5,000 pesos only. So kailangan bago matapos ang week na to dapat bayad na kayo. Understand?"
Srsly? Limang libo?! Jusko tong panot na to! E dalawang bwan na naming pang gastos yun ah! Kahit ibenta ko lahat ng bra at panty na paninda ko hindi sapat yun. My jaw dropped and I was stunned on what he said.
"Yes sir!" Sagot ng mga kaklase kong baluga. Malamang kaya nilang bayaran yun! Barya lang sakanila yun e.
"Okay class, you may go." Lumabas na si sir at nag alisan na din ang iba kong classmates.
"Muka kang nalugi ah? For sure wala kang pambayad. Hahaha!" Pang aasar ni Sarah. Psh. Tinaasan ko nalang sya ng kilay. Wala kong panahon makipag tarayan sakanya.
"Uy my loves sama ka ha? Makakasama kita ng 3 days sa tagaytay. Excited na ko my loves!" Kumikinang kinang pa ang mata ni Anthony habang sinasabi nya sakin.
"Anthony alam mo naiirita ko sa boses mo. Psh, hindi.ako.sasama." inemphasizes ko pa sa kanya every word. Muka namang nalugi ang muka ni Anthony sa sinabi ko. Lumabas na ko ng room.
Gusto ko ng umuwi. Sang kamay ng dyos ko naman kaya hahanapin ang limang libo? Grrrr! Pa-stress ka Galvez Panot!
Nasa powder room ako para mag retouch. Ayokong magmukang stress no!
Paglabas ko nakita ko naman ang lugain kong bestfriend.
"HOY BABAE!" Sigaw ko sakanya. Hindi kase kami mag classmate. Yes Jasmine and I had the same course. Pareho kaming matalino, BUT MAS MATALINO AKO. Hindi sa nagyayabang ah. Im just telling the truth. And nothing but the truth! Lumapit naman sya agad sakin.
"Ako ba tinatawag mo best?" Pa-bobong tanong nya.
"Ay hindi! Yung basurahan ang tinatawag ko. Bobohan na naman Jas?" Pataray kong sabi. "
Ang hard mo talaga sakin huhuhuhu!" *pout* Pag iinarte naman nya.
"Wag ka kang nagpa-pout. May binabagayan yan! Hahaha!" Muka namang nalukot ang muka nya. Well sanay naman na sya sa kamalditahan ko. We're best of friends since kinder.
"Best naman e! Bibili ako ng mga binebenta mo jan. Pwede discount?" Nagkuripot na naman sya!
"O sige na! Ng mabili lang. Kailangan ko din kase ng pera." Totoo naman e. Bwisit na school to, libre nga tuition ko ang dami namang gastos. Psh
"Pera bakit? Papa-sex change ka?! OMO! Sabi n-- aray naman best! Bat mo naman ako sinampal!" Pagrereklamo nya.
"Etong ganda kong 'to?! May retreat kami for 3 days sa tagaytay. At kailangan daw bayaran this week. Ang hindi daw sumama babagsak kay Mr. Galvez! Leche sya! Major ko pa naman yun!" Pagrereklamo ko.
"O mag hunos dili ka! Magkano ba ang babayaran nyo?" Mukang papahiramin ako ni baluga ah.
"5 thousand sana best." Sabi ko ng naka-ngiti.
"5 thousand lang pal-- ANO?! LIMANG LIBO?!"
See? Pag mahirap ka ganyan ka talaga mag re-react. Tss, hopeless na ko. Babagsak na talaga ko. No, it can't be!
"Ang OA mo! Ang panget mo talaga magulat! Tss. Tara na nga, may papakilala ka kamo sakin. Tara!" Pag aaya ko. Gusto ko ng umuwi para mag isip e.
"Himala naging interesado ko sa ipapakilala ko sayo?" Tss. Minsan lang to ayaw pa nya. Hindi ko na sya pinansin at hinila ko na sya palabas ng school. Pero hindi kami dumiretso sa bahay. Nagpunta kami sa isang fast food chain.
"Ano ginagawa natin dito?" Painosenteng tanong ko.
"Try mo mag apply dito! Malamang kakain tayo!" Wow ha. Ginagaya na nya style ko.
"Gago! Nang aasar ka ba? Wala nga kong pera e!" Baliw din tong bestfriend ko e. Pasalamat sy mabait ako. *evil laugh*
"Yung pinsan ko manlilibre. Antayin lang natin sya. Sya din yung ipapakilala kp sayo. Gwapo yun best! Sa NEU din sya nag aaral. At ka-course mo din. Kaso ibang section e." Ka schoolmate? Gwapo? Srsly? Wala naman akong gwapong napapansin dun.
"Ahh. K" tipid kong sagot. Naiinip ako e pake mo ba?
Mag intay kami ng halos 15 mins. Aalis na sana ko ng may dumating na matangkad, maputi, mejo malaki din ang katawan, gwapo impernes! Kaya napilitan akong maupo ulit at ayusin ang upo ko. Gutom na din ako 'no!
"Hi couz" sabi ni macho kay Jasmine at nag beso sila. Mag pinsan ba talga sila? Bat mukang mayaman tong lalaking to.
"Hi Carlo! Kamusta na? Na abala ba kita?" Sige usap lang kayo. Wala ako dito.
"I'm good Jasmine. Ofcourse not! Kahit kailan hindi ka nakaabala sakin." Nag dramahan pa. Tss
"Ehem" pagpapansin ko. OP na ko e!
"Oh Carlo, meet my bestfriend, Micaella. Micaella, meet my cousin Carlo." Pagpapakilala samin.
"Oh Hi Carlo! Nice to meet you." Pormal kong sabi. Hindi ako ngumiti. Duhh! Baka isipin nya type ko pa sya. Nag shake hands naman kami. Hindi naman ako ganun ka-bastos no. Ang magaganda dapat magalang.
"Hi Micaella! Ang ganda mo pala talaga personal." Srsly? Gago ba 'to? Feeling nya ang tagal na naming magkakilala ah. Ngumiti lang ako ng tipid sakanya.
Masarap naman sya kausap. Nagpalitan na din kami ng cellphone number. Duhh asa naman syang replayan ko sya. Psh, hindi ko din maiwasang mapatitig sakanya habang kumakain. Halatang galing sa mayamang pamilya. Maganda pumorma. Naka fitted V-neck shirt sya at naka faded pants. Nagkakwentuhan kami, okay sya kasama.
Friendly pero maypagka-bad boy. Matapos kaming kumain hinatid na ko nila Carlo at Jasmine. May pupuntahan pa daw kase sila.
Nasa tapat na kami ng bahay namin at nagpaalam na ko sakanila. "Nice to meet you Micaella. I had fun with you, see you when I see you." Ang nag smirk pa sya at ngumiti ng pagka-lapad lapad. Bakit parang kinilig ako? OMO!
--
Yiee. Ang gwapo ni Carlo! Hahaha. May big role jan si Carlo. :)) pa-comment
Please readers! :*
BINABASA MO ANG
Four letters, one word (ON-GOING)
Narrativa generaleMeet Micaella Sumaway Sebastian. Ang babaeng sobrang taray, umaapaw ang kamalditahan sa katawan. Bad girl in short! Pero kahit ganyan ang katangian nya. Masasabi mong may maipagmamalaki sya. Hindi man sila mayaman, hindi perpekto ang buhay. Sya lang...