Are you mine?

15 5 0
                                    


𝐀𝐑𝐄 𝐘𝐎𝐔 𝐌𝐈𝐍𝐄?

Papunta na akong cafeteria nang makita ko iyng crush ko na abala sa paghahanap ng kung ano sa kaniyang bag habang tumatakbo. Pinagmasdan ko lang siya na tumatakbo hanggang sa may nakita akong nahulog na kung ano sa gamit niya. Nang makalagpas siya sa kinatatayuan ko ay kaagad ko itong pinulot nang tuluyan na siyang makapasok sa cafeteria. Agad ko itong isinilid sa bag ko at pumasok na rin sa loob para bumili ng makakain.

"Sis iyong crush mo oh!"

"Oo nga sis, ang pogi pala niya sa malapitan."

"Hoy Owyn, baka agawin mo pa iyan sa reyna natin ha!"

"Naku hindi ah!*

Dinig kong kwentuhan pa noong mga babaeng kasama noong crush ko rin.

𝘚𝘪𝘯𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨-𝘶𝘶𝘴𝘢𝘱𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘯𝘪 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩? 𝘈𝘯𝘨 𝘴𝘸𝘦𝘳𝘵𝘦 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢.

"Magsitigil nga kayo! Alam ko namang wala siyang gusto sa akin. Ako ang pinakasimple sa lahat ng naghahabol sa kaniya," suway sa kanila ni crush.

"Sir ito na ho yong order niyo," sabi sa 'kin noong tindera. "Keep the change na lang po Ate," sabi ko at umupo doon sa bakanteng upuan na malapit lang din sa kanila.

"Trust me sis. Simplicity is Beauty. Kabog mo sila!"

"Truelala. Don't lose your hope, malay mo bukas, umamin siya sa 'yo." Kinikilig pa nilang pang-aasar kay crush.

"Tigil-tigilan niyo iyang si Fionaliza. Kapag 'yan umasa," sabi noong bagong dating. Kilala ko siya, siya si Diane, jowa noong isang sikat na manunulat dito sa school namin.

Lumipas ang mahabang oras at uwian na.

"Ano kayang laman noong notebook niya?" pagkausap ko pa sa sarili ko.

Muli kong kinuha iyong isang maliit na notebook na kulay green na may outline na black, it's her favorite color, I think.

I open the first page.

'𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗼𝗽𝗲𝗿𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗚𝗼𝗿𝗴𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗤𝘂𝗲𝗲𝗻'

Ang hangin rin pala niya.

Binuklat ko ulit iyong isang pahina.

𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵?

Binuklat ko ulit nang binuklat hanggang makarating na ako sa gitna.

05-12-19
𝘿𝙚𝙖𝙧 𝘿𝙞𝙖𝙧𝙮,
                   𝘈𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘢-𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰, 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘬𝘰 𝘴𝘪 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩? 𝘈𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘨𝘣𝘢𝘴𝘬𝘦𝘵𝘣𝘢𝘭𝘭 𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘪 𝘬𝘰. 𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘦𝘢𝘳 𝘥𝘪𝘢𝘳𝘺, 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢.

05-13-19
𝘿𝙚𝙖𝙧 𝘿𝙞𝙖𝙧𝙮,
                   𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘯𝘨𝘨𝘪𝘵 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘪𝘯𝘢𝘬𝘢𝘶𝘴𝘢𝘱 𝘯𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭𝘴 𝘯𝘪 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩. 𝘚𝘢𝘯𝘢 𝘯𝘦𝘹𝘵 𝘵𝘪𝘮𝘦 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰.

05-14-19
𝘿𝙚𝙖𝙧 𝘿𝙞𝙖𝙧𝙮,
                   𝘔𝘢𝘨𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯 𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘪 𝘤𝘳𝘶𝘴𝘩 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘷𝘢𝘤𝘢𝘯𝘵 𝘦𝘩. 𝘔𝘪𝘴𝘴 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now