Certified Marupok

18 4 0
                                    

𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐌𝐀𝐑𝐔𝐏𝐎𝐊

They're all busy preparing for the Independence Day.

"Ayan na naman iyang pagkakabit ng watawat na iyan," inis na sabi ko at tinapak naman ni Caisley iyong noo ko.

"Aray ko naman, Cai! Inaano ba kita?" Hinimas ko iyong noo ko sa sobrang sakit.

"Elle, pati araw ng kalayaan idadamay mo? Palayain mo na kasi 'yang ex mo sa puso mo. Oh c'mon! Ang rami pa diyang naghahabol sa 'yo oh," singit ni Ociane. Basta usapang lovelife ay napakaactive, akala mo naman ay may jowa.

"Eh tingnan mo naman, sobrang init dito! Kanina pa tayo naglalagay ng flag dito sa SHS Building," reklamo ko pa habang hinahanap 'yong towel ko.

Amporkchopadobomenud­o! Nawala pa!

"Mga mare!" tawag ko sa dalawang akala ko ay seryoso sa pagkakabit pero ayon na naman pala at nagpapapansin sa mga transferees.

"HOY MGA KUPAL KONG MARE!" Pinuntahan ko sila at hinila ang kanilang buhok.

"Kaaga-aga ang haharot niyo," dugtong ko at agad naman nila akong sinagot ng, "Kaysa naman sa'yo, kaaga-aga BITTER!"

At talagang nilakasan pa ang word na 'BITTER'. Eh paki ko ba? Hindi pa ako nakakamove-on sa ex ko eh. Hindi pa siya malaya sa puso ko at alam kong mahal niya pa rin ako.

"Ay poyanginang 'di ka crush ng crush mo." Nagulat ako nang may biglang kumiliti ng beywang ko at saktong paglingon ay nanlaki 'yong mga mata ko.

𝘉-𝘣𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘪 𝘊-𝘊𝘳𝘢𝘯𝘦?

Napalingon naman ako sa mga kaibigan kong mukha ng siraulo ngayon sa pagpipigil ng tawa o kilig?

"C-crane?" Nabuka na lang ng bibig ko. Shit! Ang pogi talaga ng jow—este ng ex ko sa malapitan. I missed him so much kaya laking pasalamat ko na lang at nakita ko siya ulit after our break-up.

"Elle?"

"Crane?"

"Elle?"

"Crane?"

"Elle?"

Poyangina! Isang ulit pa sasapakin ko na itong ex ko na 'to.

"Elle, may sasabihin sana ako sa iyo eh."

𝘌𝘮𝘦𝘨𝘦𝘥𝘥𝘥. 𝘕𝘦𝘩𝘦𝘩𝘦𝘺𝘦 𝘦𝘬𝘦 𝘋𝘦𝘢𝘳 𝘜𝘨𝘦.

"Ene yen? Este ano iyon babe? Ay Crane pala?" utal-utal na wika ko.

"Eh kasi..."

Ano ba kasi 'yon?

"Kasi?"

"Kasi ano, baliktad 'yong flag mo. Dapat blue iyong nasa taas," ani niya.

Poyangina!

Paglingon ko doon sa lahat ng kinabit kong flag. 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘱𝘶𝘳𝘰 𝘳𝘦𝘥 𝘯𝘨𝘢 𝘪𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘢𝘴? 𝘓𝘦𝘪𝘬 𝘸𝘵𝘧?! 𝘕𝘦𝘬𝘦𝘬𝘦 𝘱𝘸𝘦! 𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘩𝘪𝘺𝘢𝘢𝘢𝘢..

"Sige. Una na ako ha! Next time huwag kang mag-inisip ng kung ano. "

"Ekew leng nemen eneesep ke eh."

Taena! Nakapabebe pa ako eh nakakahiya na.

"Ano kamo?" tanong niya.

"Sabi ko, floorwax ka ba?"

"Floorwax? Hindi, bakit?"

"Comeback. Luh nadulas," sabi ko at agad na nagdelegeng pelepene.

"Ayyiiee!" Kanchawan ng buong estudyante na nasa SHS Building.

Lupa bumuka ka at kainin mo ako.

"'Di ba dapat ako ang magtatanong niyan?" sabi niya.

"Ahh.. ehhh."

"Floorwax ka ba?" panggagaya niya pa.

"Bakit?" agad na sagot ko.

"I love you. Hala nadulas rin."

"I love you too."
I replied immediately. Baka kasi magbago pa utak niya eh.

"Ehemm. Paparty na!"
"Comeback na silaaa"
"Buo na ulit ang Ellenneee"
"Craeeelleee for the win!"

"Tayo na ulit?" tanong niyang muli.

"Yes. Marupok ako eh."

At niyakap niya ako dahilan para malagyan siya ng glue.

"Luh nadikitan," kunwaring pagpapasensya ko.

"Okay lang iyan, para himdi ka na mahiwalay sa akin."

At napuno ng kanchawan ang Building na pinangunahan ng mga mare kong kilig ma kilig na sina Ociane at Caisley


END.
𝑾𝒓𝒊𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒃𝒚: 𝑶𝒄𝒊𝒂𝒏𝒆 𝑳𝒆𝒄𝒓𝒊𝒕𝒖𝒓𝒆

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now