Chapter 14

32.9K 762 126
                                    

"Pag-iisipan ko muna."

Hindi ko na hinintay ang sagot nito at pinatay na ang tawag.

I can't imagine myself being married to Lorence. Yes, we've been friends since college but I never saw him more than that.

Ang totoo pa nga niyan ay bahagya akong nadismaya sa naging kondisyon nito. Noon pa man, alam kong may gusto nga sa akin ang lalaki. Kaya ganoon na lang ang pagpupumilit nitong maging ama kay Thalia. Pero hindi ko naisip na kailangan pang umabot sa kasalan ang lahat. Hindi kailangang umabot sa ganito ang lahat.

Hindi ako makakapayag. Hahanap ako ng ibang solusyon.

Pagkauwi, nadatnan kong mag-isang nagbabantay sa lamay ang matanda. Ganoon pa rin ang pwesto nito mula ng iniwan ko kanina.

"Ilalabas mo sa kulungan ang kriminal na 'yon?"

Humarap ako sa kan'ya. Hindi ko lubos maisip kung paano naatim ng lalaking 'to na gawin 'yon sa sarili niyang anak. Oo, hindi nga siya si Arjo pero sa nakalipas na mga taon, si Enzo ang naging karamay nila.

"Pa, naririnig n'yo po ba ang sinasabi n'yo? Hindi po kriminal si Enzo. Hindi niya pinatay si Arjo!"

"Pinatay niya ang anak ko! Hindi mo ba naiintindihan? Ngayon, pati ang asawa ko, wala na rin sa akin! Huwag mo ng subukan pang baguhin ang isip ko, Kristal. Umakyat ka na sa taas at kanina ka pa hinahanap ng anak mo."

Umiling ako. Handa kong gawin ang lahat, magbago lang ang isip nito. Kahit ngayon lang, para kay Enzo, gagawin ko.

"Kung ganoon, paano si Thalia? Hinahanap siya ng apo n'yo. Sasabihin ko bang kriminal at kasalukuyang nasa kulungan ang ama niya?"

Hindi siya nagsalita. Kumuyom ang mga kamay nito ngunit may bakas ng pag-aalinlangan sa kan'yang mga mata, tanda na naapektuhan ito sa mga sinabi ko.

"Sa pitong taon, ngayon lang nakasama ni Thalia si Enzo. Ngayon lang niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ama..." Nakita kong nagulat ang matanda sa sinabi ko. Nagtatanong ang mga nitong tumingin sa akin. "Pitong taon kaming nagkahiwalay ni Enzo dahil sa responsibilidad na pilit niyang inaako bilang si Arjo. For those years, I know, he had been in so much pain. Kaya sana, Pa, kahit ngayon lang, hayaan n'yo naman siyang maging masaya."

Hindi na nagsalita ang matanda hanggang sa maisipan kong umalis na. Mukhang nabigla ito sa mga sinabi ko. Umakyat na ako sa itaas at dumiretso sa kwarto ni Thalia.

"Hey, baby!" bati ko ng maabutan pa itong gising.

Umahon siya mula sa pagkakahiga at sinalubong ako ng halik sa pisngi.

"Mama, uuwi po ba si Dada ngayon? Miss ko na po siya."

Hinaplos ko ang buhok nito at pilit na ngumiti.

"Hindi pa muna, baby, e. Marami pa siyang ginagawa."

Nalungkot ang ekspresyon ng mukha nito. I pinched her nose to cheer her up.

"How about, you call him tomorrow? Gusto mo ba 'yon, baby?"

Napangiti ako ng sumigla ang awra nito. "Yes, mama! Let's call him tomorrow!"

"Hmm, may pupuntahan si Mama bukas, e. Kayo na lang dalawa ni Ate Tessa ang kumausap sa kan'ya. Basta behave ka lang, ah?"

Tumango ito sa akin. "Opo, mama!"

"Sige, sleep ka na para kaagad mong matawagan si Dada."

Ilang minuto akong nanatili roon bago nagpasyang lumabas na. Napabuntong-hininga na lang ako. Kanina lang ay ibinigay sa akin ang telepono ni Enzo. Fully charged pa ito dahil ilang araw ng hindi nagagamit ng lalaki. Balak kong dalhin ito bukas sa kan'ya para makausap ang anak. Itatago ko na sana ito nang makaramdam ako ng kuryosidad.

"Ano kayang nilalaman nito?"

Sinubukan kong buksan ang telepono. Kaya lang ay nangangailangan pa ng pin password. Itinipa ko roon ang numero ng birthday ni Enzo pero mali. Sunod naman ang kay Thalia pero mali pa rin. Nagbakasakali ako na baka iyong akin pero mali pa rin.

Napailing ako sa ginagawa. Ano naman ngayon sa akin kung anong nilalaman ng telepono ni Enzo? Kung may babae man, wala naman siguro. Ngayon pa talaga ako magdududa gayong nasa kulungan na nga ang lalaki.

Ibinaba ko ang telepono. Kaya lang ay napukaw ng isang litrato ang atensyon ko. Nakasuksok iyon sa case ng telepono at bahagyang nakalitaw kapag nakababa. Kinuha ko iyon. Nabigla ako nang makitang lumang litrato ko 'yon noong unang araw ko sa kolehiyo. May maliliit na numero sa ibaba nito, 080904, it was dated, August 09, 2004.

Itinipa ko ang mga numerong 'yon sa telepono ni Enzo at bumukas iyon. Gayon na lang ang pagtulo ng luha ko nang tumambad sa akin ang wallpaper nito na mukha ko habang natutulog. Mukhang kinunan niya iyon noong nakatabi ko siyang matulog sa kwarto. Mayroon ding mga litrato ang lalaki habang nagtatrabaho, kasama si Thalia at ang iba'y mga lumang litrato noong magkasama pa kami sa bahay ilang taon na ang nakakaraan.

Pilit kong isinuksok sa katawan ang mga litratong nasa telepono na animo'y yakap yakap ko ang lalaki. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila habang tinitignan ang mga litratong 'yon.

Bahagyang namamaga ang mga mata ko nang magising, kinabukasan. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak kagabi habang pinapakinggan ang mga record messages sa akin ni Enzo sa mga nakalipas na taon. He really loves me. Naramdaman ko 'yon.

Dali-dali akong bumangon nang makitang alas-otso na. Siguradong maya-maya lang ay magigising na rin si Thalia at tatawagan na ang ama. Baka maabutan pa ako nito at makitang nasa akin ang telepono ng lalaki.

Maaga pa lang ay marami na akong kasabay na bumibisita rin. Mabuti na lang pala at may dala rin akong pagkain para kay Enzo dahil halos lahat ay kumakain.

"Ang aga mo yata?"

Iniabot ko sa kan'ya ang telepono. Napaiwas ako ng tingin sa atensyong ibinibigay niya sa akin. Halata kasi ang pamamaga ng mga mata ko dahil nilagyan ko lang ng kaunting concealer kanina.

"Para saan 'to?"

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ito magtanong. Tumikhim ako.

"Miss ka na raw ng anak mo. Tatawagan ka niya mamaya."

Ilang sandali lang, tumunog ang telepono nito. Si Thalia ang tumatawag. Tinanguhan ko siya upang sagutin niya ang tawag.

Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan si Enzo. Nakikita ko sa mukha nito ang saya habang kausap ang anak at ang paghihirap na magsinungaling. Kumpara sa dati nitong pangangatawan, bahagya na itong nangayayat. Bakas din ang pangingitim ng ilalim ng mata nito at mga kagat ng lamok sa mga braso.

Inabot ko ang kamay nito saka hinawakan ng mahigpit. Napatingin siya sa akin.

"I love you," I murmured. Nabigla ang lalaki. Nangilid ang mga luha nito saka bigla akong hinila para sa isang mahigpit na yakap habang patuloy ring binibigkas ang mga katagang 'yon.

"I love you more, love." He murmured back.

Napangiti ako ng mapait. I'm sorry, Enzo. You don't deserve this. You don't deserve me.

Paulit-ulit na nangyari ang mga ganoong eksena sa mga nagdaang araw. Pumupunta ako sa presinto upang bisitahin si Enzo at makausap ng anak. Minsan ay nahihirapan na dahil ang gusto ni Thalia ay makita mismo sa personal ang ama. Kung hindi ko pa pagsasabihan ay hindi na ito titigil.

Si Enzo naman ay mas lalo pang nangayayat, palagi nang namumutla at laging mukhang pagod.  Madalas din itong magkasakit sa loob ng kulungan ngunit walang magawa dahil ang utos ay hindi siya pwedeng lumabas kaya hindi madala at mapatignan sa hospital.

Napabuntong-hinga na lang ako paglabas ng presinto. Naninikip lalo ang dibdib ko sa tuwing nakakalabas ako roon. Hindi maatim ng konsensiya kong ganito na lang palagi ang nangyayari. Gamit ang nanlalabong mga mata, kinapa ko ang telepono sa bulsa. Tinawagan ko ang pamilyar na numero. Ilang segundo lang, sumagot ito.

"Kristal, napatawag ka?"

Tumikhim ako upang mawala ang anumang bumabara sa lalamunan ko.

"Pumapayag na ako, Lorence."

His Hidden IdentityWhere stories live. Discover now