Chapter 1

63.8K 1.7K 843
                                    

That night, I still let him used my body. I know, he'll leave me. I'm certain of that.

Paggising ko kaninang umaga, wala na siya sa tabi ko. Hindi nga ako nagkamali. Wala na ang mga damit niya sa closet pati na rin mga gamit niya sa buong bahay. I was all alone in our room, in our home.

Napatawa ako ng mapakla. Siguro'y dumiretso na ito sa civil registry para masimulan na ang annulment naming dalawa. Or maybe, he's with Maricar? I don't know anymore. Hindi ko na dapat pang iniintindi 'yon.

Sooner or later, I will no longer his wife. His surname wasn't mine anymore like the way I didn't own him in the first place.

Tatlong araw matapos ang gabing 'yon, naisipan kong puntahan siya sa opisina niya. Hindi kasi ito sumasagot sa mga text ko o maging sa mga tawag. Gusto ko lang malaman kung umuusad na ba ang annulment naming dalawa.

"Nabalitaan mo bang nabuntis pala ng ibang lalaki 'yang si Maricar at hindi ng boyfriend niya?"

"May boyfriend pala siya?"

"Oo! Nasabi pa nga niya sa akin na matagal na raw sila. Simula pa noong nag-aaral sila sa kolehiyo."

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng mga waitress. Nandito kasi ako ngayon sa kainang pagmamay-ari nina Arjo. Ang orihinal na plano ko ay itatanong lang sa kan'ya ang tungkol sa annulment namin pero mukhang nagbago na ang isip ko.

Nabuntis ng ibang lalaki si Maricar. Iyon lang ang nasa isip ko ngayon. Sigurado akong hindi nagustuhan ni Arjo 'yon kaya kailangan niya ako, kailangan niya ng karamay.

Paano pa kaya kapag sinabi ko na sa kan'yang buntis ako? Baka hindi na niya ituloy pa ang annulment namin.

Nagmamadali akong dumiretso sa opisina nito pero dalawang araw na raw itong hindi pumapasok. Sinubukan kong tawagan siya pero hindi siya sumasagot.

Kaagad kong pinagsisihan ang pagpirma sa annulment papers. Kung nalaman ko lang kaagad, nasabi ko sana ang pagbubuntis ko, baka nasa akin pa siya, kasama ko pa siya.

But, I won't give up. Lalo na ngayong wala na itong panghahawakan kay Maricar, it would be easier for me to get him back.

Hinaplos ko ang umbok ng aking tiyan. Maghintay ka lang, baby. Hindi ko hahayaang lumaki ka na hindi tayo buo. Sisiguraduhin kong mamahalin tayong dalawa ng Daddy mo. Pangako 'yan.

Napangiti ako sa naisip.

Bago umalis, nagbilin ako sa sekretarya nito na tawagan ako kaagad kapag nagparamdam na ang lalaki.

"Dra. Cruz? Yes, speaking." Saglit kong pinakinggan ang sinasabi nito. "Papunta na ako."

Mabilisan akong nag-ayos bago bumaba. Nakalimutan kong may appointment nga pala ako ngayon sa OB ko.

Sa pagmamadali habang pababa, hindi ko namalayan ang medyo basang parte sa hagdanan na naging sanhi ng pagkakadulas ang isang paa ko. Sinubukan kong humawak sa railings nito pero hindi na naabot ng mga kamay. Napaupo ako. Mabuti na lang at isang baitang na lang ang pagitan mula sa sahig. Pinilit kong tumayo pero napaupo rin nang makaramdam ng pananakit ng tiyan at panghihina. Nataranta ako nang makitang may pulang likido na umaagos pababa sa paa ko.

"No! Hindi puwede!"

Mabilis kong inilabas ang telepono mula sa bulsa. I immediately pressed my no. 1 speed dial, revealing my husband's name on the screen.

1 missed call.

2 missed calls.

3 missed calls.

Hanggang umabot ng walong beses nang sinadya na niya akong patayan ng tawag. Muli kong sinubukan pero cannot be reach na ito. Mukhang pinatay nito ang telepono.

I have to be brave, I have to, for my baby. Tumayo ako kahit pa nanghihina at isinugod ang sarili sa hospital. Luckily, the baby survived. Mabuti na lang at kumapit siya sa akin. Hindi ko rin naman hahayaang mawala siya sa akin lalo na't siya na lang ang mayroon ako ngayon.

"Yes! Magiging daddy na ako! Thank you so much, wife!"

Napangiti ako nang madaanan ang mag-asawang kakagaling lang sa hospital. Bakas sa mga mata nito ang tuwa habang tinitingnan ang ultrasound ng baby nila bago marahang pinaghahalikan ng lalaki ang asawa sa sobrang tuwa. Gan'yan din kaya si Arjo kapag nalaman niyang ipinagbubuntis ko ang anak namin? Sana. 'Yon lang din naman ang hinihiling ko ngayon.

Magmula nang mangyari ang aksidenteng iyon, kinailangan kong regular na magpunta sa OB ko. Mag-isa akong naglalakad sa pasilyo ng hospital nang makita ang bulto ng isang pamilyar na lalaki.

Arjo?

Hindi kaya nalaman na nitong buntis ako kaya inabangan niya ako rito?

Lumapit ako sa kinaroroonan niya pero bago ko pa siya matawag, lumabas na mula sa isang silid ang isang babae.

It was Maricar.

Halata na ang pagbubuntis nito dahil mas malaki na ang kan'yang tiyan kumpara sa akin. She was smiling beautifully at my husband who's caressing her baby bump.

"Arjo?"

Napalingon ang dalawa sa akin. Hinarap ako ni Arjo habang itinago niya sa kan'yang likod ang babae.

"Anong ginagawa mo rito?," tanong niya sa akin. I smiled at him. Sigurado na sa gagawin.

"Love, I'm pregnant. Magkakaanak na tayo."

Kumunot ang noo nito. "Magkakaanak na tayo? Imposible! Sigurado akong hindi kita mabubuntis noong ginamit kita sa kama."

Kumirot ang puso nang marinig iyon mula sa kan'ya.

"Wala ka ba talagang pakialam sa akin at sa anak mo, ha? Saan ba ako makakabili ng alak dito? Sandali lang at hinta-"

He cut me off. "Stop it, Kristal! Magkakaanak na kami ni Maricar!"

Hinawakan na nito si Maricar, handa na sa kanilang pag-alis.

"Pero.... Hindi mo anak ang batang iyan! Magkakaanak na tayo, Arjo."

Hinarap niya ako, galit na galit. "Ako ang ama ng batang dinadala niya!"

Umiyak ako sa kan'yang harapan, handa nang magmakaawa.

"Arjo, please... Nabuntis ng ibang lalaki ang malanding iyan..."

Umiling ito, walang pakialam sa sinabi ko.

"Ako man o hindi ang ama ng batang dinadala niya, pananagutan ko siya, Kristal. Tumigil ka na. Hiwalay na tayo."

Tinalikuran na niya ako pero bago siya tuluyang makalayo, pinatay niya ako sa pangalawang pagkakataon.

"Ipalaglag mo na lang ang batang iyan, Kristal. Gagawin mo 'yon para sa akin, kung talagang mahal mo ako."

His Hidden IdentityWhere stories live. Discover now