Sorry guys, something just came up na kailangang ayusin. Salamat sa paghihintay. Enjoy reading!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Gerald’s POV
Nung nakita ko siyang ganun yung ginagawa ng lalaki sa kanya, hindi ko alam pero parang gusto kong protektahan siya. Kung hindi ko pa napigilan yung sarili, ko baka napatay ko na yung lalaking yun. Kasi naman parang ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan. Parang all I want is to protect her. Yeah, I enjoyed being with her, her company. Ang saya niya lang kasama. Nakakatuwa siya. Parang walang dull moments pag siya yung kasama ko. Sana magtuloy - tuloy na ‘to.
Sa School Canteen...
Niko - Good morning guys! (Masiglang bati nito) Oh bat naka-eye glasses ka te. (Puna nito kay Yeng)
Yeng - Malaki eyebags ee.
Shin - Hay naku, maniwala ka jan. Umiyak yan kagabi. (Sabat naman niya)
Iya - Umiyak? Bakit? Dahil nanaman ba kay Rj yan?
Yeng - Tse. Hindi ako umiyak noh. Malaki lang eyebags ko.
Niko - Kasi nga umiyak ka kaya malaki yang eyebags mo. (Singit naman nito)
Shin - Tama na yan. Baka maiyak ulit yan. Sige kayo, wala tayong candy noh. Teka nga, bat wala pa si Sarah?
Yeng - At si Gerald? (Dugtong naman nito)
Niko - Baka nagdate.
Iya - Oh ayan na si Gerald oh. Hi Ge. (Bati niya sa binata)
Gerald - Hi girls. (Habang palinga-linga na parang may hinahanap)
Niko - Uy girl din ako. Hehe. Good morning Ge. Hindi mo ba kasama si Sarah?
Yeng - Bakla ka talaga. Tignan mo nga oh, may kasama ba siya?
Niko - Ay oo nga pala. Sorry naman daw te, tao lang.
Shin - Hindi mo siya nakita Ge?
Yeng - Oh my, baka sinumpong nanaman.
Gerald - Hindi ee. Akala ko kasama niyo na. Sinumpong? (Nagtatakang tanong nito)
Shin - Ah ee wala. Huwag mong pansinin yung sinabi niya. (Sabay siko si Yeng)
Iya - Ano kayang nangyari dun. Uy si Kuya Luis oh, tara tanungin natin.
Yeng - Hi Kuya.
Luis - Oh, hello guys. Ge may practice mamaya para sa friendly game next week. (Paalala niya kay Gerald)
Shin - Kuya nakita mo ba si Sarah? Wala pa kasi siya ee.
Luis - Nope. Akala ko nga andito na yun. Tinext niyo na ba?
Niko - Yes Kuya. Kanina ko pa tinetext. Walang reply ee.
Luis - I’ll ask na lang si Tita. Hello Tita. (Bati niya sa kausap niya sa phone)
Mommy Divine - Oh, hello. Napatawag ka?
Luis - Si Sarah po?
Mommy Divine - Hindi ba nagtext sayo? Sinusumpong nanaman ee. Kaya hindi ko na pinapasok.
Luis - Ah ganun po ba. Sige po dadaan po ako jan mamaya. Tell her to rest Tita. Thanks.
Gerald - Is she okay? (May bahid ng concern sa boses nito)