Chapter 5

1.9K 25 8
                                    

Sorry guys may nagkamali ako ng inupload last time para yun sa isang story ko dapat. Pero bilang pambawi ...here’s another chapter. Enjoy reading!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gerald’s POV

Ohh that was too close. Buti na lang Niko help me out. Thanks to him. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa mga kaibigan ko lalo na kay Ali. No way, hindi ‘to dahil kay Sarah. Ano naman ngayon sakin kung gusto nilang makipagkilala sa kanya. At yung babae namang yun mukhang nag-eenjoy sa attention na binibigay nila sa kanya. Argghh, that girl. Nakakainis talaga siya.

Sa Lib..

Sarah - Anong oras na. Ang tagal naman niya. (Reklamo niya)

Niko - Ikaw ‘tong nagsabing hihintayin natin siya dito tapos magrereklamo ka.

Sarah - Ee di ko naman alam na ganito pala katagal aabutin yung practice nila. Gutom na ako.

Niko - Relax lang te. Malay mo naman baka naligo pa tapos nagpabango para fresh pagdating niya.

Sarah - Ayan, jan ka magaling sa mga ganyan. Wala akong pakialam noh.

Niko - Sus parang hindi naman daw niya pinagpapantasyahan si papa Gerald. (Pang-aasar niya)

Sarah - Hindi talaga noh.

Niko - Kahit konti wala? (Pagpapatuloy niya)

Sarah - Walang wala. (Naasar niyang sagot)

Niko - Sinungaling. Imposible namang wala. Kahit konti?

Sarah - Hay naku ewan ko sayo. Sinabi na ngang wala ee.

Niko - Kasi naman te lahat ata ng estudyante dito nagkakagusto sa kanya. Tapos ikaw hindi?

Sarah - Ee anung magagawa ko kung hindi nga diba.

Niko - Okay. Sabi mo yan ha. Tatandaan ko yan girl. Haha

Sarah - Tse. Gutom na talaga ako. Tara na, text mo na lang siya.

Niko - Oh anjan na pala siya ee. Hi Ge, medyo matagal ata tayo ngayon ah.

Sarah - Anong medyo, super tagal kamo. (Reklamo niya)

Gerald - Hi guys. Sorry I never thought it would take that long. (Malamig niyang bati at hindi pinansin ang sinabi ni Sarah)

Niko - It’s okay Ge.

Sarah - Anong okay ka jan. Malilipasan na nga ako ng gutom dito oh.

Niko - Sshhh. (Bulong niya kay Sarah na mukhang nahalata na wala sa mood si Gerald)

Gerald - Don’t have enough energy to argue with you lady. (Inis niyang sagot kay Sarah)

Sarah - Aba mokong na ‘to ah.

Niko - Uhm, ano guys sa tingin ko kumain muna tayo kasi medyo ano ee. (Nauutal niyang pahayag)

Gerald - Okay. (Pagsang-ayon niya)

They went to a restaurant near by their school. Ramdam ni Niko ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Walang kibuan ang lahat habang sila’y kumakain. Nagpapasalamat naman siya kay Sarah dahil mukhang nakaramdam ang dalaga at tumigil sa pagsusungit kay Gerald. Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang pakikitungo ni Sarah sa lalaki at kung pano biglang nag-iba ang mood ni Gerald samantalang okay naman ito kanina bago sila pumunta sa gym. Pati na rin yung biglaang meeting kahit wala naman talaga. Napansin din niya ang pagkainis ni Gerald kaninang pinapakilala si Sarah ni Luis sa mga kasamahan nila. Hindi pa niya masyadong mawari ang lahat pero nararamdaman niyang may attraction ang dalawa.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon