Habang sinusundan si Sarah....
Yeng - Hindi kaya atakihin ulit yan dahil sa nakita. (Natatawa nitong komento sa nakitang reaksyon ni Saran nang makitang sabay na kumakain sina Bea at Gerald)
Iya - Grabe ka naman te. Oa lang? (Komento naman nito)
Niko - Gaga. (Sabay sabunot kay Yeng) Pano aatakihin yan, ee wala naman sakit yan sa puso.
Shin - Magtigil na nga kayo. (Suway nito sa mga kaibigan) Kita niyo na ngang wala sa mood yung isa. Asaran pa rin kayo ng asaran jan. (Sermon nito)
Yeng - Opo titigil na. (Nakangisi naman niyang sagot)
Wala pa ring imik si Sarah habang naglalakad ito. Samantalang patuloy lang sa pagkukulitan ang kanyang mga kaibigan. Nang nakapili na ng Resto na pagkakainan ang magkakaibigan ay agad umorder ang tatlo at sila namang dalawa ni Shin ang tumungin ng mauupuan.
Shin - Okay ka lang ba? (Tanong niya kay Sarah na kanina pa tahimik)
Sarah - Oo naman. Wala naman akong dapat na hindi ika-okay diba. (Habang pilit na pinapasigla ang boses)
Shin - Ati, kilala kita. (Pagpupumilit nito)
Sarah - Akala ko kasi mali ako ng judgement sa kanya. Na okay din siguro siya. (Makahulugan nitong sagot) Pero hindi pala.
Yeng -Te, hindi naman natin alam ang buong story diba. (Pagpapalubag loob nito sa kaibigan)
Iya - Tama. Tsaka malay mo naman nakiupo lang pala si Gerald sa table niya. (Dagdag naman nito)
Niko - Nakikiupo, ee kumakain nga silang dalawa diba. Tsaka may nakikiupo bang masayang nagkwekwentuhan.
Shin - Ee malay mo nagiging nice lang si Ge. Out of respect ba ganun, kaya ene-entertain niya si Bea. Diba girls. (Paghingi nito ng sang-ayon mula kina Yeng habang kinurot naman sa tagiliran si Niko)
Niko - Aray naman. Kanina pa kayo ha. Kung hindi batok, kurot naman. Nakakainis na kayo ha. (Reklamo nito sa mga kaibigan) Tsaka, hello Ati (Baling niya kay Sarah) anong ineemote emote mo jan ee nagluch lang naman sila together. Wala naman tayong nakikitang mali dun diba. Lalo na’t single naman si Koya tsaka wala pa naman akong nababalitaang inahas ni witch , so meaning single rin siya. Tsaka in the first place, hindi kayo te. Walang kayo. (Prangka nitong pahayag sa kaibigan. Nang marealise ang sinabi ay agad itong natigilan) Oh my God. Sampalin mo nga ako te. (Utos nito kay Yeng. Sabay sampal naman ng kaibigan sa kanya) Aray naman.
Yeng - Sabi mo diba sampalin kita. Oh ginawa ko lang naman ang utos mo ee. (Depensa niya)
Iya - Oh dali, ituloy mo na. (Singit naman nito)
Niko - Oh ito na (Sabay hinga ng malalim) Oh my God! (Sigaw ulit nito) Inlove ka Ati? (Baling nito kay Sarah)
Sarah - Pinagsasabi mo jan. (Naiirita nitong sagot)
Yeng - Inlove ka? (Tanong niya kay Sarah)
Sarah - Inlove, inlove ka jan. Batukan ko kayo ee. Hindi nga ako inlove sabi ee. At hinding-hindi ako maiinlove sa ganung klase ng lalaki.
Niko - Bakit ano ba siya? (Usisa nito)
Sarah - Yung ganun. Yung babaero, yung isang kindat lang ng babae sungab na agad. (Sagot nito)
Iya - Aysus. Umandar nanaman ang pagka-denial queen mo te. Tsaka hello, sinabi mo na yan dati noh. Pero nung mahawakan ka lang sa kamay ni Koya waley na yang statement mo. Limot na agad. (Pang-aasar nito)