Chapter 6

16 5 28
                                    

B-day update(3)

----

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng  araw na direktang tumatama sa mukha ko, napatingin ako sa bintana hindi ko pala ito nasara kagabi.

Bumangon nako at inayos ang nagulo kong kama, lumabas nako ng kwarto ko ng matapos.

'mukhang mahaba habang araw ito ah' sabi ko sa sarili ko. Nag handa nako ng breakfast at kumain, matapos ay naglinis nadin ako ng apartment ko, madali lang nman itong linisin dahil maliit lang ito, katulad ito ng mga typical apartment na may iisang kwarto,banyo, kusina at sala, maganda ang pag kakapintura nito na kulay asul, tiles din ang sahig nito. maswerte nako dahil nakuha koto sa murang halaga at bonus nadin na  malapit ito sa university na pinapasukan ko.

Bored na bored nako sa bahay dahil wala naman akong ibang pagkakaabalahan dito, wala akong TV ganun din ang cellphone ang meron lang ako ay ang diary ko na ilang taon kona ding  sinusulatan.

Nang magtanghali ay naghanda nako para pumunta kina kairo, ngayon ang usapan naming magkakagrupo na gumawa ng human anatomy. Kumain lang ako saglit at naligo nang matapos ay nag bihis nako,naka jogging pants na green atsaka hoody na white ako, kahit maiinit ay tiis tiis nalang, agad konang sinukbit ang bag ko tsaka dirediretsong lumabas ng apartment.

Nag hintay nalang ako ng tric sa kanto Nang may dumaan ay agad ko itong pinara, inilapag ko sa bubong ng tric ang bayad ko at kinausap si manong.

"Kuya sa campo avejar po" sabi ko sabay abot ng bente, dun kasi ang sabi samin ni kairo kahapon nagtaka panga ako kung san doon eh, pero pinaliwanag din naman nito ang saktong lugar kung saan siya nakatira.

Akmang susuklian ako nito kaya agad akong nagsalita.  "manong pang two seats yan" ngiti ko dito, taka man ay hinayaan nadin ito ni manong, sumakay nako at pinaandar na nito ang tric.

Nang makarating ay agad akong nag pasalamat kay manong, napatingin ako sa gate ng bahay nito 'eto yung madalas kong nadadaanang mansyon ah' sabi ko sa sarili ko.

Lumapit nako sa sa gate at nag doorbell, maya maya pa lumabas ang isang lola na sa tingin ko ay nasa edad 60+ na.

Agad sumilay ang magandang ngiti nito ng makita ako, hindi ko alam pero napangiti din ako dito.

"Hi po" bati ko dito "kaklase po ako ni kairo, may gagawin po kaming group activity at sabi po niya dito po daw kami gagawa" imporma ko kay lola.

"Naku iha pasok ka bili, si kairo ay andun sa kwarto nya hanggang ngayon nakahilata pa" ani nito.

"Hehehe ganun po ba" akward na tawa ko, dapat pala nagpalate ako ng konti huhu nahihiya ako.

Nang makapasok ay agad bumungad sakin ang napakagandang mga halaman, may basket ball court din ito. ang naka agaw ng pansin sakin ay ang fountain na kulay puti, may tatlong estatwa doon na bata na mukhang isang kerubin, napakaganda tignan lalo na ang pakpak ng mga ito na may lumalabas na tubig.

Hindi ko mapigilang mapanganga dahil sa ganda nito, napatingin din ako sa mismong bahay ni kairo oh sabihin nanating mansyon, talaga namang hindi papatalo ang disesnyo nito, kulay puti ito na nahahaluan ng gold hindi ko alam kung pano ipapaliwanag dahil wala naman akong alam pagdating sa mga desenyo ng bahay pero masasabi kong para itong mansyon sa mga sikat na palabas sa tv at pelikula.

Pumasok na kami sa loob, kung maganda ang labas ay siya namang doble nito sa loob, kaliwat kanan ang mga expensive furniture na kahit siguro mag trabaho ako ng ilang taon ay hindu ko maaafford.

"Kakatakot naman kumilos dito baka bigla akong makabasag" kinakabahang bulong ko sa sarili ko.

Pinaupo ako ni lola sa couch nila, at sinabing hintayin nalang si kairo dahil bababa nayon mamaya.

Your touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon