lheliz thankyou for the beautiful book cover :)***
Jihyo's pov.
"So that's it for our meeting, you can take your lunch" ani sir villaluna ang ssg adviser ng school namin.
Napapahimas ako sa tiyan ko habang palabas ng pinagmeetingan naming room.
'gutom nako' rekalamo ko sa isip ko.
Bakit ba kasi lunch pa naisipang magpameeting ni sir pwede namang hapon nalang or during class para exempted sa klase diba hehe.
Nasa hallway nako ng makita ko sina angelo at jianna na naglalakad at mukang papuntang canteen ang dalawa.
"Gelo! Jianna!" Tawag ko habang kumakaway, nang lumingon ang dalawa'y minustrahan ko sila ng 'wait', agad naman silang tumigil kaya dali dali nakong naglakad papunta sa pwesto nila upang makasabay.
"Akala ko kasama mo si serena?" Bungad na tanong sakin ni gelo.
Tumango ako dito "kanina, kaso nagpatawag ng meeting si sir villaluna kaya pinauna konang kumain"
Napatango naman ang dalawa "so san ka ngayon teh?"
"Kakain" nakangiting saad ko "at sasamahan nyoko"
"Wow! teh as if may magagawa kame"
Napapairap na sabi nito."Wala nga hahahhaha bili na parang hindi kaibigan eh" biro ko dito.
"Tse" ungot nito
Pumagitna ako sakanilang dalawa sabay sabit ng magkabilakong kamay sa kanila, agad ko na silang hinila papuntang canteen. Panay naman ang reklamo nina jianna dahil nakakaladkad nadaw sila ahahhaha.
Napatigil kami ng makitang parang may gulong nangyayari sa canteen, nakita din namin si kairo na lakad takbo sa hallway.
"Si kairo yun diba?" Tanong ko na sinangayunan naman ng dalawa.
"Akala ko hindi siya pumasok"
"Ewan te" sabi ni gelo sabay tingin kay kairo "KAIROO!" tawag nito pero hindi kami narinig nito.
"Tara sundan natin" sabi ko, tumango naman ang dalawa.
Dali dali naming sinundan si kairo, nakita namin itong pumasok sa cr ng mga girls.
"Bakit sa cr ng girls siya pumasok?" Tanong samin ni jianna.
"Ewan teh baka, gusto niyang umihi ng nakaupo" natatawang biro ni gelo.
Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pinto ng cr at niluwa non si kairo habang may buhat buhat na babae, natatakpan ang mukha nito kaya hindi ko makilala kung sino.
Diko na hinintay sina gelo, agad nakong sumalubong kay kairo.
"Anong nangyari?" Tanong ko, pero hindi ako nito pinansin at madilim ang mukhang naglakad palabas ng school.
Nakasunod lang kaming tatlo dito "kairo!" tawag ko gamit ang madiing bosses.
Napatigil naman ito at dahan dahang humarap samin, napahawak ako sa bibig ko ng makilala kung sino yung babaeng buhat nito.
"S-serena?" Nauutal na tanong ko "oh my god! anong nangyari?" Histerical na sabi ko.
"Anong nangyari kay bakla" nagaalalang sabi ni gelo samantalang si jianna naman ay gulat na gulat sa nangyari kay serena.

BINABASA MO ANG
Your touch
Teen FictionWhen she was eight, her parents died. She became orphan. Lives in orphanage And discovered her allergy. As she grow up, she decided to live on her own, but the anxiety and nightmare of the past keeps bugging her, so she decided to end all of her pa...