Birthday UD(5)
****
Nagising ako sa malambot na kamA, hindi ko alam kung anong nangyari, tatayo na sana ako ng makaramdam ako nang kirot sa ulo.
"uughhhh! ang sakit ng ulo koo" mahinang sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.
Kahit hirap pinilit kong makabangon, bumungad sakin ang kwartong dark blue ang kulay, malinis ito at well organized ang mga gamit. Meron din akong nakitang table na may nakapatong na computer at libro na sa tingin ko'y study table ng kung kanino mang kwarto ito.
Nagikot ikot pako ng bumungad sakin ang ilang picture frame na nakasabit sa ding ding, isa itong family picture isang batang lalaki na napaggigitnaan ng sa tingin ko ay magasawa, familiar sakin yung batang nasa gitna pero diko lang matandaan kung saan ko ito nakita.
Abala ako sa pagtingintingin ng biglang bumukas ang pinto, gulat ako ng makita ko si lola puring.
"Gising kana pala iha" sabi nito sakin.
Tumango ako dito at akward na ngumiti "opo eh ano po ba nangyari?"
Natatawang nagkwento si lola " iha sa susunod kung hindi mo kaya ang alak wag kang iinum ah" sabi nito.
Napahampas ako sa noo ko ng maalala ang nangyari "hala! Sorry po hindi konaman po alam na ganun ang side effect nun eh" nahihiyang sabi ko dito.
"Hahaha okay lang iha, napasaya monga ako eh" sabi nito, 'pero diko kayo nakita kanina lola?' tanong ko sa isip ko siguro minamanmanan niya kami.
Napatingin ito sa frame na tinitignan ko kanina at pansin kong lumamlam ang mata nito "alam moba iha si kairo sobrang bait niyang bata dati" malungkot na sabi nito "pero dahil sa nangyari sa mommy niya naging basagulero nayan simula highschool tapos lagi pang na kikickout" sabi nito.
Napatitig ako sa picture 'si kairo yung bata? Pero bakit parang familiar ito sakin?" Tanong ko sa isip ko
"Ano pong nangyari sa mommy niya?" Hindi ko mapigilang tanong.
"Nagkaroon kasi ng car accident noon, isa ang mommy ni kairo sa mga hindi pinalad"
Kaya siguro naging basagulero ito dahil sa nangyari sa pamilya niya pero hindi naman ganon ang pagkakakilala ko dito dahil mabait ito yun ngalang sadyang maloko at malakas ang trip.
"Sorry po lola for asking " guilting sabi ko.
"Okay lang yon iha, natutuwa nga akot mukhang nag titino na ang batang yan natakot ata sa daddy nito" natatawang sabi nito "tara na sa baba, hinahatid lang ni kairo yung tatlo nyo pang kaibigan kaya wala pa ang batang yon" sabi nito.
"Ah sige po" at akmang aayusin ang nagulong kama dahil sakin.
"Wag muna ayusin yang kama ni kairo iha ipapaayos konalang yan mamaya sa maid" sabi nito.
may dinner na nakahanda sa dinning area ng mga ito. "Kumain kana muna iha"
"Nako hindi napo" sabi ko.
Pipilitin pa sana ako nito ng dumating si kairo na naka puting sando at shorts n hindi lalagpas sa hita, nag bless muna ito sa lola niya bago lumapit sakin.
"Ano okay kana?" Tanong nito.
"Umn"
"Ang kulit mo palang malasing" natatawang sabi nito.
Inirapan ko siya pero saktong pag irap ko ay siyang kirot ng ulo ko kaya napasapo ako dito.
"Ang sakit pala sa ulo pag nagiinom" lukot ang mukhang sabi ko

BINABASA MO ANG
Your touch
Teen FictionWhen she was eight, her parents died. She became orphan. Lives in orphanage And discovered her allergy. As she grow up, she decided to live on her own, but the anxiety and nightmare of the past keeps bugging her, so she decided to end all of her pa...