Chapter 7

15 5 14
                                    

Birthday UD(4)

This chapter is brought to you by Knock knock by twice HAHAHAHA CHAR.

ENJOY READING.

***

CRIINGGGG!!
CRIINGGGG!!
CRIINGGGG!!

Agad akong napamulat nang tumunog ang alarm clock ko, pinatay kona ito at nagumpisa nang mag linis ng kama,  ng matapos nag luto at nag bihis nako para sa trabaho ko sa gabi.

Umalis nako ng apartment pagkatapos ko kumain, mabuti nalamang at kahit sa gantong oras ay may dumadaan pading tric katulad kanina ay bente ang binayad ko.

Nasa tapat nako ng company building ng makasalubong ko si ate nally, as usual suot nanaman nito ang mataray na mukha nito pero kahit ganun naging mabait ito sa akin, si ate nally din kasi ang unang nag assist sakin dito siya din ang trainor ko pag dating sa pag cacall center.

"Ate nally" tawag ko dito.

Napatingin naman ito sakin sabay ngumiti ng tipid, sumabay ako dito papasok.

"Serena" tawag nito sakin.

"Yes ate?" Takang tanong ko

"Totoo bayung balita ni mina?" Curious na tanong nito.

"Ha? alin ate?" Kahit alam kona ang tinutukoy niya ay nag patay malisya padin ako.

Agad nagbago ang timpla ng mukha nito yung masungit kanina ay biglang napaltan ng nakakalokong ngisi.

"Kung may problema kayo ha sabihin molang sakin" nangingiting sabi nito "alam mo naman expert ako sa field nayan" sabi nito, napakamot nalang ako sa ulo ko. 'pwede bayun? Maging expert kahit walang jowa?'

Sumakay na kami sa elevator ng makarating sa 4th floor ay agad na kaming pumasok sa kwarto namin kung saan kami nag tratrabaho.

"Here come's the muse, the one and only rapunzel!" Malakas na sabi ni kua paulo.

Nahihiya naman akong napatakip ng mukha gamit ang bag ko at dire diretsong pumunta sa PC ko.

Nag umpisa nako sa pag tratrabaho diko namalayan na alas dos na pala ng madaling araw, sa mga ganitong oras kasi pahinga or should i say recess.

Knock knock!

Nakarinig ako ng katok sa gilid ko, pag tingin ko si kua paolo ito.

"Bakit kua?" Tanong ko.

"Tayo kanadiyan" sabi nito

"Ha bakit?"

"Magprapraktis tayo ng lakad mo" masayang sabi nito.

Napanguso naman ako "pwede bang sa susunod nalang?" Sabi kopa habang nag pupuppy eyes.

Pero mukhang hindi effective dahil hinila nito ang akin damit upang makatayo.

"No sweetie, ayaw kitang mapahiya kaya dapat mag practice ka" sabi nito sakin.

"Sige na nga kua" sabi ko dito.

Sa buong recess time namin ay tinuruan ako ni kua pau ng mga basic pag dating sa pag lalakad may pinahiram panga sakin itong heels na hindi naman kataasan, nagulat panga ako dahil kasya ito sakin. May ipinatong na libro saking ulo si kua, dapat daw hindi ko iyo malaglag habang nag lalakad.

May hawak itong stick na siyang nag kocorrect kung tama ba ang pustura ng katawan ko, nang matapos ay bumalik na kami sa trabaho.

"Salamat kua sa pag tuturo sakin" sabi nito.

Your touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon