Chapter 1

58 12 22
                                    

"Ayoko na"

"Ayoko na"

"Ayoko na" paulit-ulit kong bulong saking sarili habang naka nakatungtong ang paa sa gilid ng tulay sa pagitan ng lian at nasugbu.

Gusto konang matapos lahat ng problema ko, gusto ko ng wakasan ang paghihirap ko. Pero ang utak at puso ko'y nagtatalo.

'should I jump or not?' tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa dagat nang bituin sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Habang patuloy na nagtatalo ang isip ko bigla nalang humampas ang malakas na hangin sakin at naging dahilan nang pagkawalan ko ng balanse.

namalayan ko nalang na unti unti na akong nalalaglag. Wala akong nagawa kundi pumikit nalang at hintayin ang tubig na unti-unting kikitil sakin ngunit ilang segundo pa ang lumipas wala padin akong nararamdaman. Unti unti kong minulat ang aking mata at dumapo ang paningin ko sa isang pares nang kamay na nakahawak sa aking pulsuhan.

Sa pagtitig ako sa kamay nito unti-unting Nanlabo ang paningin ko at nag umpisang magbagsakan ang mga luha ko.

"P-lease T-ulungan moko" nanginginig na sabi ko

Ayun agad ang unang lumabas sa bibig ko, ilang segundo Lang  naramdaman ko nalang na unti-unting umaangat ang katawan ko at bumagsak sa malamig na semento.

Pinilit Kong aninagin Kung sino yung tumulong sakin ngunit naramdaman ko nalang ang unti-unting pagdilim nang paningin ko.

Napabaligkwas ako nang bangon dahil sa panaginip ko at napatingin sa paligid Teka!? Bat puro puti ang nakikita ko? Nasa langit naba ako? Ibigsabihin totoo yung panaginip ko? Pero kung totoo yun bat nasa langit ako? Dapat nasa impyerno ako dahil kasalanan ang pag kitil ng sariling buhay.

Takang nilibot nang paningin ko ang kwartong ito ng biglang magbukas ang pinto, lumabas dito ang isang lalaking naka puting uniforme

'doctor?' tanong ko sa sarili ko.

So Hindi pa ko patay-

"Miss"

Ibigsabihin totoo yung panaginip ko? Na magpapakamatay ako-

Your touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon