Title: Beneath The Sky
By: JocuuuRatings: 8/10
Title
Your title is quiet common, but it really gave me that heart whelming feeling bung binasa ko. Napaka-touching niya, kasi maganda naman yung mga words na ginamit. 'Yun nga lang walang unique factor, pero wag ka mag-alala sa ratio ng mga sinearch ko yung sayo yung pinakamaraming reads. Okay na 'yan wag mo na baguhin kasi nakita na ng iba, but you should do better next time sa pag-gawa ng title.
Book Cover
Napaka-aesthetic ng book cover, okay lang din yung font. Parang ang kalmado ng story mo pag tinignan mula, but on the second thought nagbago nung nagresearch ako for you, may isa kang halos kaparehas ng style ibang picture lang ginamit. Pero kung hindi titignan yung unique factor. Masarap sa mata tignan sobra yung cover mo.
Sypnosis
Omg, your blurp down to the story itself is excellent. Napaka-well written ng pagkakagawa sa blurp. Kuhang kuha mo yung correct Filipino grammar common mistakes, and technicalities sa blurp which is good. (Sa loob ng story nga lang may nakita ako, to be discuss later.) Maganda yung pagkakadiscuss mo sa blurp, na explain mo talaga ng maayos yung buhay ni Valery and the question sa dulo kung tama ba nga desisyon niya kung saan yun yung naging mismong focus ng story yung journey niya sa pagiging malaya. Hindi masyado maraming nilagay hindi rin onti. Good job!
Characterization
Maganda pagkaka-characterize kay Valery, mataas ang pangarap kasing taas ng fighting spirit niya. Napaka inspirational tuloy niya and ng story.
Gandaa ng character development ng pamilya ni Val, hinahaplos puso ko. And napakarealistic niya na di agad agad patawad, kasi may oras para roon. Good job.
Wala akong nakitang flaws dito sa totoo lang, kasi common flaws dito at nag-iiba yung personality ng character sa pagpapakilala sa kanya. Eh halos same naman sila ng personalities maliban sa ibang hilig talaga.
Dialogue and Deliberation
Ang ganda ng pagkaka-detailed mo lalo na 'yung mga nangyayari, pati sa mga nararamdaman niya. Importante 'yun para hindi kami mawala and makasunod kami sa nangyayari sa kanya.
May mga unnecessary scenes nga lang na pwede naman na hindi isama. 'Yung tipong pag-alam mong hindi ganun ka-importante ilagay at pampahaba lang, okay ng wag.
Buhay na buhay at ang ganda ng paggamit mo sa action words para mag-narrate.
Okay rin ang pacing and shifting ng scenes mo, dun ka ata pinaka-magaling. Kasi gumagamit ka ng something para mashift gustong gusto ko yung sa part na napatitig siya sa orasan ata and lumipas na yung time. You're on your way to your victory sa writing journey mo. More concept na lang siguro kasi ang galing mo na sa technicalities.
Over all format (Errors and Typos)
I love how you used Filipino as the first language sa story though hindi lang sa english madalas ang grammatical and spelling error kung hindi sa tagalog din, but nevertheless mas gamay mo 'to at kitang kita ko kasi ang ganda ng pagkaka-pull off.
Sobrang naging alisto talaga ako sa pagchecheck kasi sa ayos ng pagkakasulat mo hindi na mapapansin yung mistakes eh, ito yung iba sa mga yun.
'Pag hindi nagdedescribe ng dialogue yung next sentence and nag-iindicate na siya ng ibang action, start your sentence with a capital letter. (Chapter 1, puno ng pawis and other dialogues.)
Always proofread before you post your updates.
Common Filipino Mistakes
Iyan, iyon, iyang, kung walang I, lagyan ng (') sa unahan. 'yan, 'yon, 'yang, 'yung.Pag hindi naman masyado matagal you can use comma na lang instead of period.
"Val, kain na! Bumaba ka na rito!"
Mas okay tignan sa:
"Val. Kain na! Bumaba ka na rito!"
Mind your Filipino spellings "Bituin and not bitwin" (Yung iba naman tama na so baka typo lang 'to wiee)
Merienda, meryenda, but not miryinda.
Additional comments, thoughts and recommendation
I love how perfect 'yung length ng chapters mo. Kasi 'yung iba super lengthy na nakakatamad basahin. Sayo sakto lang.
Maganda yung flow, and napakarealistic ng nangyayari kaya lang dahil doon nagiging typical romance story na lang siya. I suggest na maglagay ka ng something big or plot twist sa dulo. (Please take note of this.)
Napansin kong medyo focus siya sa volleyball which is good lalo na sa mga makaka-relate. Hindi lang ako masyado makarelate pero okay lang 'yun. Hindi naman lahat same ng taste. Pero nagpadagdag naman siya sa ganda ng story. (Though baka yung iba hindi makarelate so please make sure to explain the jargons and mga nangyayari sa volleyball and consider those people na wala talagang alam dun)
Other than that I must say na you are a good writer. You deserve all the compliments that I can give.
Thoughts about the story:
Thank you for the experience! Napaka-inspirational ng story. And sinasalamin nito yung mga Pilipina na nakatali sa responsibilidad para sa pamilya habang ni-ne-neglect ng tatay yung responsibility niya.
Ramdam ko yung pain niya sa unang character. And inadmire ko yung tapang at kabaitan ng puso niya. Good luck sa journey mo Valery, ganun din kila Gwen and Xien. Padayon! Para sa pangarap.
Sa love life naman niya, kinikilig ako omg everytime may text si ignore it. Effective ka sa simpleng moves pero nakakakilig.
Pero bigla siyang nawala ang sumulpot naman si Zev. Sino kaya 'yun? Baka siya rin 'yun char hahaha pero sana.
Natatawa ako ang kinikilig all through out, sobrang nagenjoy ako magbasa. Sana matapos mo yung story, gaya ng bio mo: you fail only if you stop.
Keep writing!
There's always room for improvement. So keep expressing your heart out through writing. Thanks for sharing your story!
YOU ARE READING
Critique Corner
RandomAin't the best writer out there but a reader since birth. Submit your stories and I'll give honest criticism. Status: Batch 1 submission [Close] Batch 2 [Soon] I am so bored, so I'll willingly give criticism with free votes in all parts of your st...