Dinala kami ni Kayle sa isang Wine Bar! I am so amazed of their Well-Appointed Interiors contribute to its elegant atmosphere.
Ayan! Dahil sa sosyaling bar na to napapa english ako. Mamaya dugo ilong ko neto. Hindi na bago samin ang mga gantong lugar sadyang mamangha ka talaga sa ganda ng ganitong bar. Iba talaga ang rich kid!
"I like it here." Sabi ni Vienna habang may hawak na baso ng wine.
"I know you will like it here." Proud na sabi ni Kayle.
"Shet guys! Ang daming pogi!." Patiling sabi ni Yvonne habang patuloy ang paghahanap ng lalaking mabibiktima nya ngayong gabi. Tsk!
Napansin ko ang biglang pagtahimik nitong si Venice habang nakatitig sa kung saan. Nang tignan ko ,a man with a well-built body ang aking nakita. Ay yun lang pala. Ay teka! Sinabi ko bang well built body. Shems! Likod palang ang gwapo na. Kaya pala titig itong aking bestfriend.
"Venice! Bat ang tahimik mo dyan?." Kunwaring pagtatanong ko kahit alam ko na ang dahilan.
"Nakita ko yung ex ko." Agad nyang sabi. Shemay! Ex nya pala iyon, bat hindi ko alam!.
"Bat di ko alam na may ex ka palang kasing pogi non?, likod palang pamatay na!." Pinaningkitan ko sya ng mata yung tipong magiging chinese na ko.
"Pano mo nalamang pogi?." Tanong nya sakin.
"Duh! Kanina ka pa kaya titig na titig don." Maarte kong sabi, nahawa na ata ako kela Kayle at Yvonne amp.
"Ha? ako? titig na titig don? Hindi ah." Pagmaang maangan nya. Hmm i smell something fishy.
"May feelings ka pa don no?." Pagkumpirma ko. Kaagad syang natigilan.
"Wala na." Biglang pagseryoso nya.
"Masyado kang bitter." Sagot ko na may tonong pang aasar.
"Ako? Bitter? Hindi no! Letseng lalaking yan nang iiwan ng di ko alam ang dahilan. Bwisit na bwisit ako sa lalaking yan! Kaya kahit kelan di na ko magkakafeelings dyan! eww." Mahaba nyang paliwanag. May sakit na ata tong kasama ko, kanina seryoso tapos ngayon parang may gustong patayin ng tingin.
"Okay sabi mo e." Napangisi ako.
"Talaga!." Pagkasabi nya non bigla na lang akong iniwan. Walk out lang ang peg.
"May nahanap na ko girls! Sobrang gwapo!." Parang di ko na kelangang sabihin kung sino yon mukhang alam nyo na. Biglang turo nya sa lalaking kanina lang ay pinag uusapan namin ni Venice. Di ko masisisi si Yvonne kahit ako naattract sa likod ng lalaking yon. Likod palang shems! pano pag humarap na.
"Tara girls! Sayaw tayo!." Aya ko sakanila di ko na lang pinansin si Yvonne dahil ganyan naman yan lagi. Kaagad namang sumunod saakin yun dalawa.
Kanina pa ko nagsasayaw dito nang biglang may lalaking humapit sa bewang ko. Nakita ko na ang kanina lang topic namin at ang biktima ni Yvonne.
Totoo pala yung kantang 'Maganda sya pag nakatalikod pag humarap mukang koreano' Naiba na di kayo nainform.
Literal na napanganga ako sa ganda ng singkit nyang mga mata. Iba ang kakisigan ng lalaking nasa harap ko ngayon. May katangkaran din sya. Naka boots na nga ko mas matangkad pa din sya saakin. Ganon na ba ko kaliit.
"Hi miss! Can i dance with you?."

YOU ARE READING
Started with a kick. (Not a kiss, but a kick)
Teen FictionThis is a work of fiction.