5

6 0 0
                                    

Di ko pa rin makalimutan ang sinabi saakin ng lalaking yon. Ha? Ako pa Magbabayad? Siya nga tong muntik na kong halikan.

"Woi girl!." Tawag sakin ng kung sino. Paglingon ko si Yvonne lang pala.

"Ha?." Tanong ko.

"Kanina ka pa namin tinatawag, okay ka lang?." Sabi naman ni Venice. Andito kami sa Dining ngayon at kumakain ng almusal dahil sabado ngayon at walang pasok. Bigla kong napansin ang pagtawa nila.

"Tinatanong mo pa, Sino ba namang magiging okay sa lagay na yan." Nakatawang sabat ni Kayle na pinagtakhan ko. Nang tingnan ko ang plate ko, nakabaliktad pero may kanin at itlog na nakalagay. Ay potek!

"Shit! Shit! Di nyo man lang sinabi sakin?." Inayos ko ang plate ko at kumain. Dahil sa letseng lalaking yon nagkakaganito ako.

"Kanina ka pa nga namin tinatawag." Napapangisi pang sabi ni Vienna. Inirapan ko na lang sya.

Pagtapos naming kumain, tumambay kami sa sala dahil wala kaming magawa. May sari-sarili silang ginagawa nang mag ring ang phone ko.

"Hello." Sagot ko.

"Hi." Pamilyar tong boses na to ah, Nang tinignan ko hindi nakaregister ang number but why is it sounds so familiar?.

"Sino to?." I asked.

"You forgot me already?." Rinig ko ang pagngisi nya. Nakilala ko, ang letseng koreanong hilaw. Pero pano nya nakuha ang number ko.

--------Flashback---------

"Di ko pa rin nakakalimutan ang pag sipa mo sakin sa bar, You'll pay for what you've done. Pero sinisiguro kong hindi ka aayaw sa paraan ng pagbayad na hihingiin ko." He wink at me.

"At para masiguro kong magbabayad ka talaga, give me your number." Sabi nya na may pangisi-ngisi pa habang inaabot sakin ang cellphone nya. Infairness Iphone 11, yayamanin.Hilig ngumiti, pag sinapak ko to dito. Tulog to.

Binigay ko naman sakanya ang number ko at umalis. Teka! Sinabi ko bang binigay ko, shet antanga tanga ko.

-----------End of Flashback ----------


Akala ko umalis na sya. Nang maalala ko napa facepalm na lang ako. Masyado akong tulala nang mga panahong yon. Letse sya! Bwisit! Bwisit!

"Hello, Are you there?."

"Mama mo hello, wag ka nang tatawag sakin." Kaagad kong inend ang tawag, at shinut down ang cellphone ko. Nanggigil ako sakanya. Letseng mukhang koreanong hilaw. Arhggg!











You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Started with a kick. (Not a kiss, but a kick)Where stories live. Discover now