"Brent Calvin Brewer."
Tama ba pagkakarinig ko. Pangalan pa lang pang imported na. Dahil sa dakilang tsismosa ako kaagad ko sinearch ang pangalan nya sa instagram. Shet! Di ako nagkamali. Imported talaga. Sa South, Korea pa kinuhanan yung Profile Photo nya na nakatagilid pa sya habang nakasuot ng tuxedo. Iisa lang naman ang post nya pero bakit ang dami nyang followers. Nadala ng kapogian. Tsk! Di ko sya finallow, may kaunting hiya pa naman ako.
Pagtapos mag-almusal nagkayayaan kaming mag mall malapit sa amin. Libre ang lahat samin dito dahil Parents ni Vienna ang may ari nito. Pagpasok namin, kuyang guard smiled at us dahil kilala na din kami dito. Naisipan naming pumunta sa Isang book store dahil may bibilhin daw si Vienna. While waiting for her, i also looked for some pocket books.
Sa hindi inaasahan, i bumped into someone. Bigla akong nawalan ng balanse buti na lang sinalo ako kung hindi plakda ako dun!. Natigilan ako ng makilala kung sino ang sumalo saakin. Ang lalaking dahilan ng pagiging bangag ko
Ang letseng mukang koreano na to!
"What did you say?." Taas kilay na tanong nya. Ha? teka lang, nababasa nya ba isip ko.
"Ano yon? Letseng mukang koreano?." Panggagaya nya pa saakin. May super powers kaya yung lalaking to.
"Wala akong super powers." Blanko nyang sabi. Hala! pano nya nalaman yon.
"Sinasabi mo yung nasa isip mo!." Nagulat naman ako sa pagsigaw nya. Ay takte nasabi ko ba lahat. Antanga tanga talaga.
"Why are you shouting at me?." Inartehan ko pa ang pagsabi. Kala mo ikaw lang magaling mag english ah.
"Gusto ko lang." He smirk at me, Ano to? dejavu? pero ako yung nagsabi sakanya non e. Pinapakulo ng letseng to ang dugo ko ah.
"Di ko pa rin nakakalimutan ang pag sipa mo sakin sa bar, You'll pay for what you've done. Pero sinisiguro kong hindi ka aayaw sa paraan ng pagbayad na hihingiin ko." Sabi nya at umalis.
Di ko namalayan na nasa isang Coffee Shop na palang kami masyado akong lutang kakaisip sa sinabi nya parng sirang plakang nag pa ulit ulit sa tainga ko.
"Di ko pa rin nakakalimutan ang pag sipa mo sakin sa bar, You'll pay for what you've done. Pero sinisiguro kong hindi ka aayaw sa paraan ng pagbayad na hihingiin ko."
"Di ko pa rin nakakalimutan ang pag sipa mo sakin sa bar, You'll pay for what you've done. Pero sinisiguro kong hindi ka aayaw sa paraan ng pagbayad na hihingiin ko."
"Di ko pa rin nakakalimutan ang pag sipa mo sakin sa bar, You'll pay for what you've done. Pero sinisiguro kong hindi ka aayaw sa paraan ng pagbayad na hihingiin ko."
Masisiraan na ata ako ng ulo dahil sa sinabing ng letseng yon. Di ko na namalayan na naka order na pala sila at pati ako kumakain na rin. Ang lakas ng epekto sakin ng koreanong hilaw na yon. Habang tumatagal dumadami na ang palayaw nya dahil sa kabwisitan nya.

YOU ARE READING
Started with a kick. (Not a kiss, but a kick)
Teen FictionThis is a work of fiction.