3

8 0 0
                                    


"Hi miss! Can i dance with you?." Parang biglang nag slow motion ang paligid ko ng makita ko ang ngiti ng lalaking ito. Shet! Ano ba tong mararamdaman ko. Yung heart ko ang bilis ng tibok. Kialangan ko oxygen.

"Ha?." Sabi ko. Ay antanga, umurong ata ang dila ko ngayon. Napansin kong biglang paglapit ng mukha namin. Ay teka lang iba na to ah.

Sinipa ko sya ng malakas. High kick e! Bagsak sya. Tsansing e. Di ko pa nga kilala. Aba ayoko ngang mapunta sa isang stranger ang first kiss ko hmp. Mukhang napalakas nga ang pag sipa ko, hindi agad nakatayo.

"Dude! Are you okay?." Tanong ng kasama ata nya. Pogi rin e. Nakita kong parang may binulong sya sa kasama nya. Kita ko ang pagngiti ng mukang koreano na to. Di ko napansin ang mga tao, mukang nagulat sa nangyari. Kami na lang pala ang nasa dance floor at pinagtitinginan na rin kami. Di ko rin napansin ang paglapit ng apat na babaeng ito saakin.

"Bat mo naman sinipa? Sayang naman." Bulong sakin ni Yvonne. Aba matsatsansingan na ko kelangan ng self-defense no.

"Dapat lang sakanya yan." Agad namang sabi ng bitter kong friend. Nakita ko ang pagtayo ng mukang koreano na to.

"Why did you kick me?." Kalmado nyang tanong.

"Gusto ko lang." I smirk at him. Mahirap na sabihin pa nito assuming ako pag sinabi ko ang totoo. Mautak to girl.

"Whatever." Pagkasabi nya non bigla na lang umalis. Aba nilayasan ako.

"Umuwi na tayo, nakakahiya pinagtitinginan na tayo." Agad akong nakaramdam ng hiya sa sinabing iyon ni Vienna. Kaagad kaming umalis sa bar na yon at umuwi na. Sabi ko kailangan ko magrelax, parang lalo akong nastress sa mukang koreano na yon. Pagkauwi namin ,agad akong tinitigan ng masama nitong si Yvonne.

"Bat mo sinipa ha? Ampogi pa naman sana non." Nakanguso nyang sabi.

"Woi matsatsansingan na ko't lahat lahat yung mukang koreano pa yung iniisip mo." Pairap kong sagot.

"Hala weh? Ano ba yan, sana ako na lang. Sinabi ba sayo yung pangalan? Nagpakilala ba sayo?. Sunod-sunod na tanong nya.

"Hindi nya sinabi. Pero si Venice mukhang 'kilalang kilala' nya yon." Pag didiin ko sa salitang yon.

"Ay venice!, Ano pangalan nung lalaki?." Tanong nya habang nag papuppy eyes pa sa bitter kong friend.


"Wala, di ko alam." Kaagad na sagot nya. Sabi sainyo e bitter!

"Sige na Venice!, I a add ko pa sya sa fb tapos ifafollow ko sya sa lahat ng social media accounts ko!." Pangungulit nitong babae na to sakanya. Mukang tinamaan nga talaga.

"Wala, matulog ka na!" Sabi naman ni Venice. Habang umaakyat na at pumapasok sa sari-sariling naming kwarto. Naiwan naman si Yvonne na nakanguso. Pagkapasok ng kwarto kaagad akong nagpunta sa banyo para mag shower. Hindi naman kalakihan itong kwarto ko. Ang kulay ng wall ay black and white because i want it to be simple. I have my own bed, king size din kaya masyadong malaki para sakin. I have my own study table also kahit di naman talaga ko nag aaral. May sarili din akong bookshelf malapit sa bintana dahil mahilig din akong magbasa ng mga pocket book. And syempre I have my own walk in closet. Bago pumasok sa banyo yun agad ang unang makikita.

Pagkatapos kong gawin maligo ay natulog na din ako. Pero hindi pa rin ako makatulog, laging pumapasok sa isip ko ang mukang koreano na yon. Yung mga ngiti nya, yung katawan nya. Bwisit dahil sakanya di ako makatulog.

Kinabukasan, bangag na kung bangag dahil sa kaiisip sa mukang koreano na yon pero pinilit ko pa ring bumangon dahil may pasok at may kailangang ipasa ngayong araw. Ay shet! nakalimutan kong tapusin. Biglang nagising ang diwa ko. Kaagad akong naligo at nag-ayos ng sarili para pumasok. Pagkababa ko

"O bat nakauniform ka?." Takang tanong ni Vienna.

"Ha? may pasok diba?." I asked.

"Di ka ba talaga madalas mag bukas ng phone?." Tanong naman ni Kayle na agad ko ring pinagtakhan.

"Ha? Bakit? Ano ba kasing meron?." I have a bad habit na hindi madalas humahawak ng cellphone. Ewan ko ba nakasanayan na siguro.

"Tignan mo sa Cellphone mo." Sabi nya. Kaagad ko namang sinunod iyon, kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag at binuksan iyon, pagbukas ko may nakita akong message galing sa messenger. Nang mabasa ko iyon agad akong napangiti.

Ligtas ako sa homewerk! WAHAHAH

Wala daw pasok dahil may meeting ang lahat ng Prof. Agad akong umakyat sa taas at nagpalit ng damit. Nakasuot na ko ngayon ng dolphin shorts at oversized t-shirt. Naka messy bun rin ang aking buhok.

"Ano nga kasing pangalan? Venice naman e!." Sigaw ni Yvonne. Di pa rin pala sila tapos dyan. Di sila makamove on, sabagay ako rin kaya bangagers kakaisip sa letseng mukang koreano na yon.

"Sabihin mo na lang kasi ng matapos na." Sabat ko, syempre interested here!

"Brent Calvin Brewer."












Started with a kick. (Not a kiss, but a kick)Where stories live. Discover now