"Tara inom!"
Aya samin ni Venice habang nakaupo sa kaharap kong sofa at nilalantakan yung banana chips na binili ko kanina sa grocery store. Teka akin yun e!.
Nandito kami sa sala ngayon habang ginagawa ko ang homework 'daw' na sinasabi ng Prof ko. I am a Fourth year College Student but still may homework pa. Kailangan ko ng matapos ito dahil ipapasa na ito bukas.
Pero dahil sa letseng bestfriend ko na kaharap ko ngayon mukhang malabong mapasa ko ito bukas.
"Kung kelan may ginagawa ako tsaka ka mag aaya." Inirapan ko sya habang patuloy na tinatapos ang ginagawa ko.
"Mamaya mo na tapusin yan, basta G ako! libre naman ni Venice!." Nagpapalakpak pang sabi ni Yvonne habang nanonood ng paboritong K-drama. Adik talaga to di na ata natutulog kakanood!.
"Woi anong libre ko! Kanya kanya bayad to no! Baka gusto mong malibre ng kaltok!." Sabi niya habang inaambahan ng kaltok si Yvonne.
"Aba matinde! Sya tong malakas mag aya di naman pala libre!." Pairap na sabi ni Vienna habang nagbabasa ng Libro. Lakas makatalino kaya ito kopyahan ko e. Tapos na kasi sya sa letseng homework kaya pa easy easy na lang.
"Duh! Mag aaway pa kayo, treat ko na manahimik lang kayo." Maarteng sabi ni Kayle habang namimili ng mga damit sa online. Rich kid to e!
" Ano sasama ka?!." Sigaw nilang lahat. Anak ng! Ansakit nila sa ears.
"Takte! Bat ba kayo sumisigaw?! Nakakabingi kayo!." Balik na sigaw ko habang tinatakpan pa ang tenga ko.
"Ang OA mo naman, ano nga?!" Sigaw ulit ni Yvonne. Ay aba! mas nilakasan pa.
"Sasama na takte!" Pasigaw kong sabi. Patapos naman na den ako kahit hindi pa talaga. Pinipilit ko lang ang sarili ko na isipin na patapos na ko para kahit papano makapagrelax naman ako.
"Sasama den pala! Pabebe pa!." Sabay sabay ulit nilang sigaw. Ay aba aba mga walang hiyang hampaslupa sinisigawan na ko.
"Kelangan chorus ha! Mag choir na lang kaya kayo!." Pairap kong sabi. Lahat sila inirapan ko di ako papatalo no!
Pagkatapos ng pang aapi sakin ng letseng mga babae na yon, nag sipag ayos na kami ng mga sarili namin. I chose to wear my Black Love Graphic Camo Print Crop top and i paired it with high waisted jeans and a boots. I put some light make up on and i curled my hair to make it wavy. Tapos na silang lahat mag ayos paglabas ko ng kwarto.
"Ambagal talaga kumilos". Sabi pa ng letseng babae na nakasuot ng Black Lace Scallop Trim Crop Top dahilan non ang pagsilip ng kanyang not so big na dibdib na sinamahan ng high waisted shorts at may simpleng make up walang iba kundi si Venice.
"Naghanap pa ko ng isusuot ko e!." Iritang sabi ko.
"Syempre maghahanap talaga yan ng magandang damit, knowing Kayle malamang dadalhin nya nanaman tayo sa mamahaling bar." Pagsang-ayon sakin ng pinakamatalino kong best friend na may suot na Black Lettering Strap Detail Crop top and she paired it with Plus Size High Waisted Jeans and she straightened her hair, none other than Vienna!. Buti pa to kinakampihan ako hmp!.
Bumaba na kami dahil nauna na daw sila Yvonne at Kayle sa may Parking. Magkakasama kami sa iisang Bahay, sakto na para magkasya kaming lima. There are five rooms for all of us, each room has a bathroom. Kaya hindi na din namin kailangan mag share sa iisang kwarto. Gusto din kasi ng parents namin na maging independent na kami, college na din naman kami so our parents allowed us. Pabor din samin ito dahil kami na ang nag dedecide sa mga buhay namin. Nang makababa kaagad kaming sumakay sa kotse.
"Antagal nyo naman." Kalmadong sabi ng Pinakamaganda naming driver na may suot na Neon Lime Tube Crop top at pinaresan nya ito ng Black Plaid High-Rise Mini Skirt at ang may pinaka makapal na make up samin ay si Kayle!. Palakpakan!.
"Eto o!, ambagal kumilos." Turo pa sakin ni Venice. Inirapan ko naman sya.
"Wag na kayong magtalo. Hurry up guys! Excited na ko makakita ng mga gwapong papa!." Nagtitili pang sabi ng babaeng walang ibang ginawa kundi makipagflirt na may suot na Black Cut out Mesh Insert Cropped Hoodie dahilan ng paglabas ng kanyang bra and she paired it with high waisted mini short walang iba kundi si Yvonne. Short na nga mini pa! Yung sinasabi nyang papa hindi yung tatay kundi alam nyo na yon.
"Araw araw ata iba ibang lalaki dinedate mo e." Sabi ko na may halong pang aasar.
"Syempre flirt flirt lang yon ayoko pang macommit sa isang relationship, masyadong hussle." Maarteng sabi nya.
"Pano mo naman nalamang hussle, e hindi ka pa naman nagkakaboyfriend." Pang iinis ko sakanya. Tama No boyfriend sice birth yang si Yvonne kaya puro flirt ang alam.
"Shut up Noah!" Inis na sabi nya, dahilan ng pagtawa naming lahat.

YOU ARE READING
Started with a kick. (Not a kiss, but a kick)
Novela JuvenilThis is a work of fiction.