The Wrath Of Ace

1.4K 123 7
                                    

Sa mundo kung saan naninirahan ang iba't ibang nilalang. Gaya na lamang ng mga tao na may iba't ibang abilidad, mga taong lobo na nakaasa sa kanilang natural na kakayahan, ang mga Beastman na kilala sa kanilang malalakas na pangangatawan, ang mga merfolk at iba't ibang uri ng nilalang na matatagpuan sa karagatan.

Bukod sa nagkalat na Emperyo at kaharian ng iba't ibang nilalang, tatlong Emperyo ng mga tao ang umiiral noon ang Emperyo ng Lekresha, Emperyo ng Blutan, at ang Emperyo ng Rintoria. Ngunit dahil sa pagtutulungan ng Emperyo ng Lekresha at Emperyo ng Blutan napabagsak nila ang Emperyo ng Rintoria. Ang mga lupain at ari-arian ng Emperyo ng Rintoria ay pinaghatian ng dalawang Emperyo.

Ang rason kung bakit nila ito ginawa ay simple lang. Ang kasalukuyang Emperador ng Rintoria ay hindi sumang-ayon sa plano ng Emperador ng Lekresha at Blutan. Nais ng dalawang Emperyo ng mga tao na sakupin ang iba pang kaharian na umiiral sa kanilang mundo. Naniniwala silang ang mga tao ang siyang dapat mamuno sa lahat, at ang ibang mga lahi ay pawang mga alipin lamang.

Malawakang digmaan ang nangyari sa Emperyo ng mga tao noong mga panahong iyon. Maraming namatay at ang matataas na opisyal ng Emperyo ng Rintoria ay pinaslang maging ang kanilang malalayong kamag-anak. Ang pamilya ng Emperador ng Rintoria ay walang itinirang buhay. 'Yun ang akala nila ngunit ang hindi nila alam ang kaniyang limang taong gulang na anak ay nagawang tumakas at magpakalayo-layo sa Emperyo ng mga tao.

Siya ang batang panginoon ng Emperyo ng Rintoria at paniguradong sa hinaharap tutugisin niya ang lahat ng sangkot sa pagbagsak ng kanilang Emperyo.

_

ENJOY READING!

The Wrath of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon