CHAPTER II

1.1K 176 28
                                    

KABANATA 2

Ang ilang araw ng nakabibinging mga pagsabog ay sa wakas tumigil na. Ang Emperyo ng Rintoria ay tuluyan ng bumagsak. Isang daang porsyento na ng lupain nito ang nasakop sa pinagsamang pwersa ng Emperyo ng Lekresha at Blutan.

Ang mga ordinaryong mamamayan nito ay napuno ng takot dahil ang kanilang tinitirhang Emperyo ay hindi na gaya ng dati. Hindi nila alam kung ano na ang susunod na mangyayari o kung saan na mapupunta ang lupang kanilang minulatan.

Dalawang Emperyo ang nagtulungan upang masakop sila at paniguradong hahatiin ang malawak na lupain ng Emperyo ng Rintoria. Ang mga dating Noble Family sa Emperyo ng Rintoria ay paniguradong magiging ordinaryo at mahirap na mamamayan na lamang.

Maaaring taasan din ang buwis na kanilang binabayaran o 'di kaya naman ay tuluyan na silang palalayasin ng mga nanakop sa kanila. Wala na silang magagawa dahil ang mga kawal, opisyales, at ang kanilang Emperador ay patay na. Anumang plano sa lupaing kinatatayuan nila ngayon ay wala na silang control.

Ngunit kahit ganito nagpapasalamat pa rin ang iba dahil hindi sila pinatay ng mga mananakop. Matinding muhi ang nararamdaman nila sa mga mananakop dahil naging mabuti sa kanila ang pinuno ng Emperyong ito. Kung lumaban sila ay paniguradong pati sila ay idinamay. Mayroon din silang mga kaibigan at mga kakilala na naipit sa labanan at doon na binawian ng buhay.

Samantala sa Emperial Kapital ng Rintoria kung nasaan naroroon ang napakalaking kastilyo ng buong Emperyo, mayroong dalawang lalaki ang nakaupo sa magarang upuan. Nasa loob sila ng kastilyo at ang kanilang upuan ay hindi ang dating upuan ng mga namumuno sa Emperyong ito bagkus dinala pa ito ng kanilang mga kawal upang kanilang maupuan.

Mararamdaman ang napakalakas na aura sa dalawang lalaki na mga nasa mid-forties ang edad. Nakasuot din sila ng ginintuang roba na makikitaan ng karangyaan. Bukod pa roon isang napakalaking itim na Lion na mayroong apat na pakpak ang nasa tabi ng isa sa kanila.

Ito ang tinatawag nilang "Four Winged Black Lion." Ang ganitong uri ng Vicious Beast ay napakapambihira sa buong mundo. Kilala rin ang lahi ng mga Vicious Beast na ito na mahirap paamuhin ngunit ngayon ito ay katuwang ng isa sa dalawang lalaking mayroong marangyang kasuotan.

"Tuluyan ng bumagsak ang Emperyong ito. Kailangan na nating pag-usapan kung paano natin hahatiin ang mga kayamanan at mga lupain."

May otoridad na wika ng lalaking mayroong katabing Four Winged Black Lion. Siya ang kasalukuyang Emperador ng Emperyo ng Blutan.

"Dapat na nga nating masimulan ang bagay na iyan at ang iba pang gawain ay ipapaubaya nalang natin sa ating mga ministro at mga tauhan."

Wika naman ng katabi niyang lalaki na makikitaan ng karangyaan. Isang itim na ahas ang kasalukuyang natutulog sa lapag katabi ng kanyang mga paa. Ngunit ng marinig ng ahas ang boses ng kanyang amo saglitan nitong ibinukas ang kanyang pulang mga mata.

Malusog at malaki ang itim na ahas at ito ay isa sa pinaka pambihirang Vicious Beast na umiiral sa buong kontinente. Tinatawag itong "Dark Venom of Death" at kapag nakagat ka nito paniguradong katapusan mo na dahil sa makamandag nitong lason. Tanging pag-inom ng mga mahimalang pills o potions na gawa ng mga Alchemist lamang ang makapag liligtas sa'yo kung nakagat ka nito.

Ang mga Alchemist ay silang gumagawa ng mga medicina, gumagawa sila ng potions at pills upang gumawa ng mga mahihimalang gamot. Kung inaakala mong ang mga alchemist ay nanggagamot lang nagkakamali ka dahil sila ay bihasa rin pagdating sa paggawa ng mga lason at iba pang uri ng gamot na mas katakot-takot pa sa mga sandata.

Isang respetadong propesyon ang Alchemist sa buong mundo. Iginagalang sila ng lahat ng mga lahi at pwersang umiiral sa mundo dahil sila ang dahilan kung bakit nakakaligtas sa kamatayan ang karamihan. Hindi man sa pakikipaglaban ang kanilang espesyalisasyon ngunit hindi dapat sila minamaliit dahil karamihan ng mga alchemist ay silang pinakamaimpluwensyang tao sa buong kontinente.

The Wrath of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon