CHAPTER III

1K 164 25
                                    

KABANATA 3

Ang mga lupain at kayamanan ng Emperyo ng Rintoria ay pinaghatian na ng Emperyo ng Lekresha at Emperyo ng Blutan. Sila ang nagwagi sa digmaan dahil na rin sa kanilang bilang at ang kanilang pagsugod ay hindi inaasahan ng Emperyo ng Rintoria.

Paniguradong kung nakapaghanda ang Emperyo ng Rintoria maaaring umabot ng ilang taon o baka dekada bago nila ito magapi. At maaari ring humingi ito ng tulong sa iba pang Emperyo at Kaharian na pinamumunuan ng ibang lahi. Iyon ang iniiwasan ng Emperyo ng Blutan at Lekresha. Hindi pumayag ang Emperador ng Rintoria sa balak nilang pananakop kaya inunahan na nila itong pabagsakin upang sa hinaharap wala nang balakid sa kanila.

Sa ngayon ang Emperyo ng Rintoria ay wala na. Ang mga lupain nito ay kasalukuyang pinamumunuan na ng iba. Ang mga hari na namamahala sa mga kaharian sa ilalim noon ng Emperyo ng Rintoria ay alinman sa pinatay o naghihirap na ngayon. Ang mga City Lords na namumuno sa mga lungsod at bayan ay alinman sa patay na dahil sa pakikilahok sa digmaan o tumakas na at naghihirap na sa kasalukuyan. Maging ang mga mamamayan ng dating Emperyo ay wala nang magagawa kung hindi ang sumunod sa panibagong batas gustuhin man nila o hindi.

Pwersahan din silang pinagbabayad ng buwis kahit napakamahal ng singil. Ang kanilang mga nasirang tahanan ay sila na mismo ang muling nagpatayo at wala man lamang ibinigay na suporta ang bagong namumuno sa kanila. Hindi gaya ng dati na napakabait at maunawain ang kanilang Emperador.

Samantala sa isang palasyong nababalutan ng iba't ibang Defensive Array at ilang libong kawal ang naglilibot, mayroong apat na indibiduwal ang sapilitang pinaluhod. Nakagapos ang mga paa at kamay ng mga ito.

Nanlilisik ang kanilang mga matang nakatingin sa dalawang taong nasa kanilang harapan. At kung hindi lamang naka kadena ang kanilang mga paa at nakagapos ang kanilang mga kamay, matagal na sana silang gumawa ng hakbang upang sugurin ang dalawang taong nasa kanilang harapan.

"Kamahalan! ito na ang mga pinuno ng malalaking pwersa sa bumagsak na Emperyo ng Rintoria!"

Malakas ngunit magalang na wika ng kawal. Kasalukuyan sila ngayong nasa Emperyo ng Blutan ang isa sa Emperyong sumakop sa Emperyo ng Rintoria. Ang Emperador ng Lekresha ay naroon din.

"Ito na ba ang mga namumuno sa Alchemist Guild, Blacksmith Guild, Plague Auction, Adventures Guild at ang Guild of Array."

Kumunot ang noo ng dalawang Emperador dahil aapat lamang ang nasa kanilang harapan samantalang lima ang malalakas na pwersa ang umiiral noon sa Emperyo ng Rintoria bukod sa mismong pamahalaan nito.

"Kamahalan! ang Guild Master ng Alchemist Guild ay bigla na lamang naglaho na parang bula. Napuruhan siya sa naganap na digmaan ngunit hindi na siya nahagilap pa dahil sa kanyang mga pambihirang itinatagong mga alas. Nakatakas na siya kamahalan!"

Nanginig ang tuhod ng kawal ng sambitin niya ang mga katagang ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng dalawang Emperador na nasa kaniyang harapan.

"Kung gano'n ang Guild Master ng Alchemist Guild ang nakatakas. Talagang madulas ang isang iyon."

Wika ng Emperador ng Lekresha at tila nanghihinayang ang kanyang tono ng pananalita.

"Hindi na iyon mahalaga, wala na ding magagawa ang isang iyon kung hindi ang magtago at tumakbo. Nakakapanghinayang lang dahil isa siyang Grandmaster Alchemist. Bibigyan ko sana siya ng mataas na posisyon kung nanaisin niyang makipagtulungan saatin."

Sambit naman ng Emperador ng Blutan ngunit umiling na lamang siya. Ibinaling na lamang niya ang kanyang tingin sa apat na indibiduwal na nasa kanyang harapan.

"Hindi ba't ikaw ang Guild Master ng Guild of Array, ikaw naman ang sa Blacksmith Guild, ikaw sa Plague Auction, at ikaw ang sa Adventurers Guild."

The Wrath of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon