Kabanata 17

164 11 0
                                    


Kayanin mo lahat


Kumuha ako ng kubyertos sa lalagyan at nilagay sa lamesa. Sinilip ko ang sala para tignan kung nandon ba si Mama.

Nangunot ang noo ko nang mapansin na wala siya doon.

"Saan kaya 'yon?" Tanong ko sa sarili.

Naglakad ako palapit sa hagdan at sinilip ang taas.

"Ma!"

"Bakit Anak?" Sigaw niya pabalik.

"Kakain na tayo."

Bumalik na ako sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa. Sinandukan ko na rin ng kanin ang plato ni Mama.

"Wow mukha masarap ang niluto ng anak ko ah!"

Napalingon ako sakaniya. Nginitian ko siya at kinindatan. "Upo ka na, Ma!"

Umupo naman siya sa katapat ko. Pangapatan lang naman itong pabilog naming lamesa.

Nagdasal muna kami at pagkatapos ay kumain na. Masaya kong pinagmamasdan si Mama habang ngumunguya.

Hanggang ngayon ay naka benda pa rin ang ulo niya. Nagaalala na ako pero lagi niyang sinasabi na maayos lang siya.

Kumunsulta rin kami sa doktor nang minsan sumakit ang ulo niya. Hindi ko alam ang sinabi ng doktor sakaniya dahil siya lang ang kumausap.

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang umalis ka sa lugar na 'yon. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin nangyari.

Hindi ko naisip na mangyayari sa amin 'to. Tahimik lang kaming namumuhay at sa isang iglap ay nagkaroon ng sunog.

Ilang beses ko rin itinanong si Mama kung saan nagsimula ang sunog. Sa aming bahay lang kasi ang nasunog hindi ko alam kung paano nangyari 'yon.

Sabi ni Mama ay sasabihin niya rin raw pero huwag muna sangayon dahil gusto niyang masaya muna kami. Na wala kaming dinadalang problema.

Nung una ay nagtataka talaga ako kung bakit ayaw niya pang sabihin. Hindi kaya may nakaaway si Mama? Impossible naman 'yon dahil napakabait ni Mama. Halos lahat yata ng tao sa baranggay namin ay kaibigan niya.

Kating kati na ang dila kong tanungin siya pero dahil lagi akong abala sa pagtatrabaho ay nakakalimutan ko.

Nang makarating kami dito ay mayroon kaagad kaming natirhan. Nakuhanan na pala kami ni Talia ng bahay dito.

Ilang beses ako nagthankyou sakaniya sa pinadala kong sulat. Dahil wala pa akong cellphone non ay nagpapadala na lang ako ng sulat.

Hindi ko naman kailangan ng cellphone sa lagay ng buhay namin ngayon dahil sino naman ang ite-text ko? Busy naman si Talia at wala namang panahon makipag text si Owen. Lalo na si Robert o kaya si Hudson dahil abala rin 'yon sakanilang trabaho.

Samuel.

Biglang humarentado ang puso ko nang pumasok sa isip ko si Samuel.

Sa ilang araw naming pamamalagi dito ay ngayon na lang ulit siya pumasok sa isip ko.

Masakit pa rin ang nakita ko sa balita nang araw na 'yon. Pakiramdam ko ay ginawa akong libangan.

Siya ang pinakaunang nagustuhan kong lalaki. Siya ang pinakaunang hinayaan kong pumasok sa buhay ko bilang manliligaw.

Siya ang una sa lahat. Siya rin ang unang nanakit sa'kin. Hindi ko alam kung napaka oa ko ba. Ang sakit lang talaga. Kung walang pruweba ay hindi ako masasaktan pero kitang kita ng dalawang mata ko. Naghahalikan sila. Tumutugon siya.

Midnight Confession (Paradise Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon