Pregnant"Wake up..."
Hinawi ko ang kamay na niyuyugyog ang balikat ko.
"I'm sleeping..."
"My parents is waiting us."
Bigla akong napabalikwas sa narinig. Nanlaki ang mata ko at tinignan siya.
"Your parents oh my gosh!"
Tumalon ako sa kama at bigla akong nagkamali ng apak kaya napahiga ako.
"Aray!" and Samuel just laughed!
"Huwag ka magdali. My parents will not run Baby," binuhat niya ako at inupo sa kama. Akmang hahalikan niya ako sa labi nang iniwas ko ang mukha ko kaya nahalikan niya ako sa pisngi.
"Huwag mo 'ko simulan, Samuel. Kailangan na natin maligo."
Last night napagusapan namin ang tungkol sa parents namin. At nagulat ako nang bigla niyang sinabi na gusto akong makita ng parents niya.
Kinausap niya na rin ang boss ko na kung pwede ay um-absent muna ako ngayon. Nakakagulat pa ay pumayag siya. I didn't know that they're friends.
Sinabi niya ba sa magulang niya na mag-girlfriend/boyfriend na kami?
Nakakagulat rin na wala ng galit ang nararamdaman ko para sakanila.
Naging malaking tulong ang letter na sinulat ni Mama sa akin. Sa tuwing naiisip ko si Mama. Tanging ngiti at kagalakan na lang ang nararamdaman ko. Hindi na ako nalulungkot. Iniisip ko, masaya na si Mama kasama si Papa. Dapat maging masaya na rin ako kahit masakit na wala na sila sa akin. May pumalit naman. May taong hindi ako kayang iwanan.
Tumayo ako. Nakabusangot ang mukha niya. Tumingin siya sa wall clock.
"It's already 8 o'clock..." he said.
"Ikaw muna ang maliligo dahil magluluto pa ako ng pagkain."
Akmang maglalakad ako palabas nang bigla akong buhatin ni Samuel na parang sako.
"Samuel!"
"Sinong may sabing ako ang unang maliligo? Sabay tayo!"
Napatili ako nang bigla niya akong ilagay sa bathtub. I don't think ligo lang ang gagawin namin.
Ilang beses ako napabuntong hininga habang nasa sasakyan.
"You keep on sighing. What's made you so bothered?"
Napatingin ako kay Samuel na seryosong nagmamaneho.
Napakagat ako sa labi. "I'm deadly nervous!"
Natawa siya. "Bakit naman? As if they will eat you. I'm the only one can eat you," he said, playfully.
Hinampas ko siya. "Wala akong oras sa mga kabastusan mo, Samuel."
Lumakas ang tawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nilingon ako saglit. Ngumiti siya sa akin.
"Baby, don't be so nervous. Surely They will like you-no they will love you because you are so gently and pretty. If they can't accept you then don't. Hindi ko naman kailangan na tanggapin ka nila. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw sa'yo ng buong mundo."
Sa punto na 'yon. Nawala lahat ng kaba na kung anong meron sa katawan ko.
Nakarating na kami sakanila. Ganito pala ang itsura ng bahay nila sa Manila. Mas malaki pa sa bahay nila sa probinsya.
Abala ako sa pagpupuri ng bahay. Kulang puti ito at tila nagmukhang palasyo sa sobrang laki. Marami ring puno ang nakapalibot. Ito lang ang bahay na nasa loob ng village na ito. May mga bakante pang malalaking lupa.
BINABASA MO ANG
Midnight Confession (Paradise Series#1)
Romance(Paradise Series#1) When I let him enter my life. I lost someone important to me. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: July 20, 2020 Date Finished: November 22, 2020