Dedicated to RanMouriWp
Enjoy reading!💛°°°
Sunshine's POV
"A-anong sabi mo?!" Gulat na tanong ng ina niya.
Pormal kaming nakaupo sa sofa ni Faron kaharap ng mga magulang lang ko na malalaking mata na nakatingin sa kanila.
"Ikakasal na ako,Mama,Papa,sa kababata ko." Anunsyo ko habang mahigpit na hinahawakan ni Faron ang kamay ko.
"H-hindi ka ba nagbibiro, 'nak?"
tanong ni Papa.Umiling ako.
"Kung gano'n,masaya kami ng Mama mo sa naging desisyon mo na siya ang lalaking napili mo.Wala namang problema sa'kin dahil may tiwala ako sa'yo.Malaki kana alam mo na ang tama at mali."
"Maraming salamat,Papa."
"Thank you so much,Sir."
Sabay na pagpapasalamat nila sa ama niya.
"Teka,hijo,seryoso ka ba talaga sa anak namin? Balita ko artista ka? Ang akin lang,ayaw kong masali sa magulo at maisyung bagay itong si Sunshine.Alam mo naman na maraming nagkakalat ng balita na maaaring ikakasira ng career at buhay niyo?" Pag-aalala ng Mama niya.
"Don't worry,Ma'am.Hindi ko naman aayain ng kasal si Sunshine kung hindi ko siya mahal.Mahal na mahal ko po ang anak niyo since birth." Seryosong sagot nito bago siya binalingan at binigyan ng matamis na ngiti.
"Mabuti naman kung gano'n.Masaya
ako at nagkita ulit kayo sa tagal ng panahon na lumipas." sabi ng Mama niya."Hanga ako sa'yo,hijo.Nakaya mong hintayin itong anak namin." Natatawang sabi ng Papa niya at tinapik nito sa balikat si Faron.
"Sa totoo lang po,mahirap talaga mawalay sa kaniya pero hindi naman ako nawalan ng pag-asa." Nakangiting wika ni Faron.
Pareho kaming napalingon sa pintuan ng bumukas iyon at nakitang si Kuya lang pala.Kakauwi lang nito sa trabaho.
Naglakad ito sa gawi nila at nagmano kina Mama at Papa.
"Hi,Kuya!" Masaya niyang bati.
Hindi siya nito pinansin sa halip ay inirapan lang siya nito.Umupo ito sa kaharap na sofa kung saan nakaupo ang mga magulang nila.
"Anong ginagawa ng artistang 'yan dito?" Malamig na tanong nito sabay turo kay Faron.
"Ano ka ba,Burnok! Ikakasal na ang kapatid mo at siya na ang magiging future brother-in-law mo!" Nakangiting aso na sagot ng ina nila at tinampal nito ang Kuya niya sa kamay.
"Ma,huwag niyo nga ako tawagin sa palayaw na 'yan! Nakakainis!" Inis na wika ng Kuya Chard.
"Eh,ikaw naman kasi! Maging masaya ka na lang sa kapatid mo.Naunahan ka pa na magpakasal.
Ang hina mo naman,Burnok!" Biro ng Mama niya sa Kuya niya na ngayon ay mas lalong nainis.Lahat sila natawa maliban sa Kuya niya na matiim na nakatingin sa katabi ko.Nilingon niya si Faron at nakitang napakakalmado ng mukha nito.
"Masaya ako para kapatid ko,Mama,pero sa lalaking 'to..." Turo nito kay Faron. "Nakikita mo ba 'tong baril ko,kapag sinaktan at pinaiyak mo si Sunshine,papuputukin ko 'yang bungo mo hanggang sa malagutan ka ng hininga." Pagbabanta ng Kuya niya na ikinatakot niya.
"I love your beloved sister and I promise that I'll love and protect her at all costs." Sagot naman ni Faron na ikinangiti niya.
Acckk my heart!
![](https://img.wattpad.com/cover/208905647-288-k897009.jpg)
YOU ARE READING
Faron Nattapol (F Boys Series # 1)✓
RomanceHe was the chubby boy whom she used to play with when they're still young but what happen when that boy becomes the masculine and handsome famous actor in Asia now? Would she still recognize him? His childhood friend? 💛 FARON NATTAPOL x SUNSHINE...