Chapter 1

13 1 0
                                    

Hailey's POV
I used to love him, gaya nga ng sabi nila first love ko "daw" siya. Nagtataka ba kayo kung bakit may "daw", paano ko naman masasabi na siya ang una kong minahal? Kung hindi naman ako naniniwala sa ganon. Nasa elementarya palang kami alam kong crush ko na siya. Tanda ko pa noon nung unang beses ako umiyak dahil inaasar niya ako at 'di niya ako tinitigilan. Bago palang ako sa eskwela, transferee kumbaga, kaya sa tuwing inaasar niya ako bukod tanging takbuhan ko lang 'e ang titser namin sa guidance office. Oo masasabi kong aso't pusa kami, hindi magkasundo, asar talo kami parehas. Tawag pa nga niya noon sa akin ay baboy. Pero 'di ko alam na sa pang aasar niya 'e magiging crush ko pala siya.

Ilan taon na din ang nakalipas mula ng maghiwalay kami, wala na ako naging balita sakanya. Nung una napagpasiyahan namin na maging magkaibigan, pero gaya nga nang kasabihan na hindi p'wede maging magkaibigan ang mag ex bukod sa selosa ang naging ex girl friend na din niya ngayon, 'e wala na talaga 'di na namin nasalba yung pagkakaibigan namin. Pero may mga panahon din noon na nagkakausap kami, gaya nung binati ko siya uli sa birthday niya.

Flashback sa nakaraan naming dalawa

Lumipas ang dalawang taon, umalis ako sa school namin. 'Di ko din siya naging classmate, wala ako naging balita sakanya mula pa noon, pero magfriend kami sa facebook. Grade 6, bumalik ako sa school namin dati. Nagkaroon uli kami ng koneksyon isa't isa, pero hindi na kami ganon kaclose katulad nung mga bata pa kami. May mga panahon na inaasar pa din niya ako pero 'di na ganon, bukod kasi sa nawala ako sa paningin niya 'e, hindi din kami classmate. Hindi ko naman alam na pagtungtong ko pala ng highschool doon na magsisimula ang love story namin. Tandang tanda ko pa noon ang lahat, first year high school kami noon.

"Pre gusto mo ba sumama mamayang uwian? Dayo naman tayo." Aniya ng kaibigan ng kapatid ko. Oo may kapatid ako at magtropa sila ng first love ko.

"Sige pre sama ako, doon pa din ba tayo sa dati?" sagot naman ng kuya ko. "Hatid ko muna si hailey sa bahay at bihis na din ako ta's chat niyo nalang ako pre" dugtong ng kuya ko at umuwi na kami.

"P'wede mo naman isama si hailey baboy pre hahahahaha!" Sabay nagtawanan mga tropa ng kuya ko at rinding rindi ako sa tawa niya.

"Hoy Louie! Mahiya ka naman anong baboy?? Excuse me" pasigaw na sabi ko sabay irap.

"Sige hailey baboy daan kana hahahahaha" tugon niya sabay halakhak uli. Aba sinusura ako nitong lalaking 'to ah. Tignan lang natin!

Bago pa ang lahat, ako si Hailey Jane Marquez at kasalukuyang first year high school sa St. Gabriel School at may kuya ako si Andre Marquez tropa niya ang bukod tanging first love ko "daw" At ang tinutukoy ko na first love ko "daw" ay walang iba kundi si Louie Jon Cruz.

*1 chat message*
Louie: hi hailey :) sorry kanina di ko naman sinasadya xD
Ano kayang pakulo nitong lalaki na 'to sa akin ay may gana pang ichat ako pagkatapos ng nangyari kanina, gigil mo ko ha!
*3 chat messages*
Louie: hoyyyyyyyyyyy plsssssssss
haileey :DD
hellooooooooo haileeeyyyyyyyy xDDDD
Hailey: may pa hi ka pa diyan! ayoko ng sorry mo che.....
Pabebe muna ako bahala ka diyan sa buhay mo Louie, 'di ikaw ang type ko. Hindi na kita crush 'no!
*1 chat message*
Louie: di ko naman sinasadya yon, plsssssssss sorryy na plsssss :(((( di na kita aasarin pa ule pramis...
Hailey: siguraduhin mo lang mister louie kundi susumbong kita sa kuya ko!
Nakakainis kala mo kasi mga bata pa kami, atsaka fyi sakanya 'no 'di na ako baboy tulad nung elem kami kaya wala siya karapatan na asarin ako grr!
*1 chat messages*
Louie: pakisabe nga pala sa kuya mo magpapatok kami bukas at dadayo kasama sila Dan :D
Bahala ka diyan 'di na kita rereplyan!

*1 chat message*
Dan: hailey sabihen mo bukas sa kuya mo dayo kami xD
Hailey: okay sge dan pwede ba ako sumama bukas sainyo??? hehehehehehe
*1 chat message*
Dan: sge sge sabihan mo din si kuya mo, tulog na ako salamat ule hailey! :D hahahahahah

*2 chat messages*
Louie: hoy haileyyyyyyy sabihen mo sa kiya mo haaaaaaa
sorryy na haileey ha wag kana magalet sa aken hehheehe xD

"Kuya! Kuya! Nagmessage si louie at dan sa akin. Bukas daw ng uwian magpatok daw kayo at dumayo" dali dali na sabi ko sa kuya ko pagpasok ko ng kwarto niya.

"Ge sabihin mo sakanila" aniya naman agad niya. Paano ko ba sasabihin kay kuya na gusto ko sumama, nako alam kong hindi papayag 'to.

"Ah 'e kuya hihi p'wede ba ako sumama sainyo bukas? Wala naman ako gagawin at isa pa sabi ni mama sabay daw tayo umuwi diba?" Paglalambing ko sa kuya ko pero 'di pa din ako pinapansin.

"Sige na kuya please hehe ako maghuhugas ng pinggan bukas at tutulungan kita gumawa ng projects mo" pagdugtong ko pa wala na siyang magawa kundi pumayag na. Makatulog na nga baka makita ko pa bukas ang crushie ko.

Louie's POV
Aaminin ko mas'yado akong mapang asar na tao, hindi ko naman alam na sa isang asar na baboy magagalit si hailey sa akin. Wala naman akong intensyon na paglaruan siya, gusto ko lang talaga sa tuwing napipikon siya sa akin. Hindi naman maganda si hailey pero ang bagal niya magreply sa akin. Ganito siguro mga babae talaga 'di ako marunong manuyo bahala na nga.

*1 chat message*
Hailey: may pa hi ka pa diyan! ayoko ng sorry mo che.....
Sawakas nagreply din ang babaeng 'to napaka bagal. Aba ayaw pa nga sa sorry ko, ako na nga nagsosorry parang baboy lang pikon agad hahaha hailey nga naman napaka iyakin simula pa noong bata pa kami.
Louie: pakisabe nga pala sa kuya mo magpapatok kami bukas at dadayo kasama sila Dan :D
*seen 3 mins ago*
Ayaw talaga ako replyan nitong babaeng 'to aba napaka pabebe na nilalang. Hindi ko na nga aasarin 'tong babaeng 'to napaka pikunin.
Louie: hoy haileyyyyyyy sabihen mo sa kiya mo haaaaaaa
sorryy na haileey ha wag kana magalet sa aken hehheehe xD
*Hailey Jane Marquez is now offline*
Nagoffline pa nga nakaw, makatulog na nga lang malate nanaman ako bukas panibagong warning nanaman. Bukas ko nalang uli kausapin 'tong si hailey.

Sa buhay minsan lang dumating yung taong nakalaan sa atin, maaring siya na nga ang una at huli. Kaya nasa atin nalang kung paano natin aalagaan at pagiingatan ito. Habang maaga pa wag kang matakot na sumubok. Lahat ng bagay p'wedeng mawala kaya dapat wala kang pagsisisihan bandang huli. Kung alam mong para sayo talaga 'yan nilaan, wag ka ng magdalawang isip na bitawan pa.

The Taste of First Love Where stories live. Discover now