Chapter 6

3 1 0
                                    

Carl James' POV
Kailangan ko na kumilos ng maaga lalo na't maaga ang uwian nila Hailey ngayon. Eto na din yung oras para makausap ko si Louie ng masinsinan kung ano ba talaga ang plano niya kay Hailey, ayokong masaktan si Hailey dahil eto ang una niyang pagibig.

"Uy tol! Ano ginagawa mo dito?" Nagulat ako kung sino ang biglang lumapit sa akin si Andre lang pala.

"Hinihintay ko si Hailey tol, kakain pala kami sa labas sama ka?" masayang pagaaya ko sakanya.

"Pass muna tol, bawi ako sainyo ni Hailey, pakisabi din sakanya sabihin kay Manang Cecilia na baka gabihin ako ng uwi, salamat tol una na ako!" Pagpapaalam ni Andre sa akin at nakita ko na din si Hailey sa malayo.

"Tara na ba? Saan mo gusto kumain? Asan na pala si Louie?" Pagtatanong ko sakanya at kinuha ko na ang bag niya. Mukhang mabigat bigat ah.

"Ahm.. Pababa na siguro 'yon, oh ayon oh naglalakad na papunta dito." Nahihiyang tugon niya sa akin sabay turo kay Louie na paparating.

Napagkasunduan naming tatlo na kumain sa McDo dahil eto ang paborito namin ni Hailey lalo na ang ala king chicken fillet naalala ko pa na pagmay sobra sa baon ko binibili ko kay hailey yung may fries na tig ₽89.00.

"Hailey gusto mo ba ng ala king chicken fillet?" Pagtatanong ko sakanya at biglang sumagot si Louie na

"Ako nalang oorder tol, para makapagkwentuhan din kayo ni Hailey." Seryosong sabi ni Louie sa akin.

"Sige tol bali 2 ala king chicken fillet yung isa may fries yung isa wala, regular coke sa akin at kay Hailey pineapple juice." Mabilis na sagot ko sakanya.

"Ah 'e wala na akong fries cj.... okay na ako sa ala king chicken fillet lang hehe" nahihiyang pagtangi niya sa akin.

"Ngayon ka pa talaga nahiya sa akin Hailey palibha—" bigla niyang tinakpan yung bunganga ko at pinapila na si Louie.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA BAKIT KA NAHIHIYA HA AYAW MO BA MATURN OFF FIRST LOVE MO SA KATAKAWAN MO??" Pangaasar ko sakanya habang kinukurot kurot ako.

"ANO BA CARL JAMES! TIGILAN MO KO GRRR MAMAYA ANG AWKWARD NA NATIN" pagsusungit na sabi ni Hailey sa akin .

"Oo na sige na po titigil na mamaya mapikon ka pa 'e HAHAHAHAHA" pangaasar ko sakanya sabay irap niya sa akin.

Umabot din ng ilang minuto bago bumalik si Louie sa amin. So technically 3 ala king chicken fillet ang order namin as usual pineapple juice naman ang sa akin dahil hindi ako pinagsosoft drinks ni Kuya Andre at CJ.

"Kamusta kana tol?" Biglang pagbasag ni CJ sa katahimikan. At mas nagulantang ako sa bigla niyang pagtanong ng "May balak ka bang ligawan si Hailey? Kasi kung wala wag mo siyang bibigyan ng maling motibo." Halos mabilaukan ako sa tanong niya kay louie.

"Ano ka ba Carl James! Para ka namang tanga Hahahahah" pilit kong pagtawa at napainom ako agad sa pineapple juice ko. Pero tuluyan na akong nabilaukan sa diretsong sagot ni Louie.

"Oo tol may balak ako kaso 'di ko alam kung paano." Seryosong sagot niya at nagkatinginan kaming dalawa ni CJ halos malaglag ang panga ko sa mga narinig ko sakanya.

"AYON NAMAN PALA 'E HAHAHAHAHAHA OH AYAN HAILEY MAY ASSURANCE KANA HA!" Sabay hampas ni CJ sa akin at tuwang tuwa. Nakaramdam nanaman ako ng init sa mga pisngi ako tila may kung ano nanaman sa loob ng tiyan ko. Sa sobrang hiya ko bigla ako napasigaw ng

"PAHINGI PO NG EXTRA RICE" Halo napatingin lahat ng tao sa loob ng McDo sa amin pati ang ibang crew, shet bakit ko ba sinabi 'yon wala nga pala kami sa Mang Inasal.

"HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA TIGNAN MO HAILEY KUNG GAANO KA KATAKAW!!!" Pangaasar ni CJ sa akin. At pinagtatawanan nila ako ni Louie. Sa sobrang hiya ko tinatakpan ko yung mukha ko habang kumakain at binilhan din ako ni CJ ng extra rice. Kung alam niyo lang matipid akong tao sa ulam, sa ala king inuuna ko muna ang sauce bago ang chicken fillet mismo.

Sobrang busog ako doon at nagbabato bato pick ang dalawa kung sino ang maghahatid sa amin. Since malapit lang naman ang bahay ko sabi ko silang dalawa na ang maghatid sa akin, bago pa kami makalabas ng McDo sabi sa akin ng ibang crew na

"Thank you ma'am please come again baka po may extra rice na po kami non" tapos ngumiti at tumawa sila. Hays nakakahiya talaga yung ginawa ko.

"Thank you sainyong dalawa nagenjoy ako.. Ingat kayo!" Pagpapaalam ko sakanila pero halata pa din sa mukha ni CJ na gusto niya akong asarin pa rin.

"Sa wakas masosolo ko na din si Louie my loves" pangaasar pa din ni CJ sa akin at kiniss niya sa pisngi si Louie sinuntok naman siya nito.

"Osiya umalis na nga kayo dito! Hahahahaha nakakahiya kayo." Pagtataboy ko sakanila ang dugyot nilang dalawa. HAHAHAHAHA!

Louie's POV
"Seryoso ka ba talaga tol sa sinabi mo kanina sa McDo?" diretsuhan at seryosong tanong ni CJ sa amin.

"Oo tol, mukha bang nagbibiro ako? Hahahaha" sabay nagkatinginan kami, may kung ano akong nararamdaman kay CJ.

"Anong nagustuhan mo kay Hailey? Hindi ba lagi kayong magkaaway simula nung nasa grade 3 tayo?" pagtatakang tanong niya sa akin.

"Sayo ko lang aaminin 'to pre, aaminin ko cheesy man pakinggan pero nung lumipat sila Andre at Hailey ng school nung grade 5 tayo madalas ko na hinahanap non si Hailey sa paningin ko. Kala ko typical lang na mga crush crush sa ating mga lalaki, pero hindi tol iba 'to 'e." Pagkukuwento ko sakanya na may halong ngiti sa mga labi ko.

"First love mo din ba si Hailey tol? Kasi si Hailey first love ka niya. Lagi ka niyang kinukwento sa akin, kaya nababahala ako kasi baka saktan mo lang siya." Nagiba ang ihip ng hangin sa aming dalawa, halatang nagaalala talaga siya para kay hailey.

"Hayaan mo Carl hindi ko sasaktan si hailey. Kahit bata pa kami iingatan ko kung ano mang meron sa aming dalawa. Kung hindi pa siya p'wede handa akong maghintay. At isa pa tol si Hailey lang ang naglakas ng loob na lapitan ako at nagbigay ng tiwala sa akin kahit madaming tao ang walang naniniwala sa kakayahan ko." Pagsagot ko kay CJ para mawala na ang pagdududa at pagaalala niya sa amin.

"Sige tol aasahan ko 'yang sinabi mo. Osiya dito na ako tol salamat! Ikaw na muna magbantay kay Hailey habang wala ako." Sabay naghiwalay na kami ng daan ni CJ.

Wala naman akong balak saktan si Hailey alam kong simula bata palang kami nakatadhana na kami sa isa't isa. Ganito nga siguro ang pakiramdam na magkaroon ng first love. Sobrang saya tipong gaganahan ka gawin lahat ng bagay para sa ikakabuti niyong dalawa. At handa kang magbago para sa taong pinakamamahal mo.

The Taste of First Love Where stories live. Discover now