Chapter 4

4 1 0
                                    

Carl James' POV
Sabi ni tita nasa Valley Covered Court si Hailey, excited na akong makita siya. Maganda sigurong isurprise siya for sure madami na akong namiss sa pangyayari sa buhay niya. Nasaan na kaya si hailey bakit kaya 'di ko siya makita.

"Ah e hello po, nandito ba si hailey?" Siguro best friend 'to ni hailey hindi ako nagkakamali si gelie 'to. "Best friend ako ni hailey hehe" pagdagdag ko dahil mukhang nagtataka siya sino ako.

"Ahm okay.. Bumili lang siya ng tubig pabalik na din 'yon." Sagot niya ng tila nagtataka kung sino ako.

"Salamat Gelie, diba? Madalas ka niya ikwento. Sige salubungin ko nalang siya." Puntahan ko nalang si hailey. Gusto ko na makita si hailey, miss ko na siya sobra.

Ayon  na si hailey nakita ko na, gugulatin ko siya magpapanggap ako na kung sino hahaha mukhang parang batang naliligaw pa din siya pagmagisa hahaha

"HOY HAILEY! Long time no see! 'Di ko inakala dito lang pala uli tayo magkikita." Masayang masaya na sabi ko sakanya at sabay akbay.

"HELLOOOO CJ!!!!! NAMISS KITAAAAA!!" Tama ba 'to?? Niyayakap ako ni hailey??? Namiss ko ang yakap mo hailey kung alam mo lang....

"Tara cj pakilala kita sa mga kaibigan ko hehe" pagaaya niya sa akin na pumunta kami sa bench.

Tapos na kami kumain at ihatid si gelie sa bahay nila. Dumiretso ako sa bahay nila Hailey para magstay muna saglit at makipagkwentuhan sakanya.

"CJ! Nakakatampo ka naman bakit 'di ka nagmessage sa akin na uuwi ka pala dito edi sana hindi ako nageksena kanina sa court nakakahiya" pagpapabebe sa akin ni hailey.

"Kung sinabi ko sayo edi hindi na surprise 'yon tangeks ka ba? Atsaka dumiretso ako dito sainyo kaso umalis daw kayo sabi ni tita" pagsusungit na sabi ko sakanya.

*3 chat messages*
Louie: hello baboy nakauwe kna ba?
              sno yung lalake kanina?
              papahinga muna ako baboy ha nakakapagod 'e

Sino kaya 'tong Louie na 'to bakit tinatawag niyang baboy si hailey. Hindi ba eto yung kasama namin kanina na naka #12 sa jersey...

"HAILEEEYYYYYYY may nagmessage sayo baboyy dawww HAHAHAHAHAHAHA" pangaasar ko sakanya at sabay takbo naman siya at kuya ng phone niya.

"ANO BA WAG KA NGA EPAL CJJJJJ NAKAKAINIS KA" pagmamaktol niya sa akin.

"Ano ba 'yan sino ba 'yan sino ba 'yang Louie na 'yan?" Pagtatakang pagtanong ko sakanya.

"Ah e si Louie yung classmate natin nung grade 3 yung laging nagpapaiyak sa akin!" Makikita mo yu yung pagkasaya sa mga mata ni hailey.....

"Ganon ba, natatandaan ko na siya kunwari hahahahahah! Sige na hailey uwi na ako sunduin nalang kita bukas sa school mo okay? Kain tayo sa labas isama mo din 'yang Louie mo ha bye bye" pagpapaalam ko sakanya.

Hinatid ako ni hailey hanggang sa labas ng gate nila. Maghahanda ako bukas para sunduin siya gusto ko makilala pa 'yang louie na 'yan at baka saktan nanaman si hailey.

Hailey's POV
"HAILEEEYYYYYYY may nagmessage sayo baboyy dawww HAHAHAHAHAHAHA" pangaasar ni cj sa akin. Nakooo naman nalaman pa ni cj hindi na ako tatantanan nito!

"ANO BA WAG KA NGA EPAL CJJJJJ NAKAKAINIS KA" pagmamaktol ko sakanya.

"Ano ba 'yan sino ba 'yan sino ba 'yang Louie na 'yan?" Pagtatakang pagtanong niya sa akin.

"Ah e si Louie yung classmate natin nung grade 3 yung laging nagpapaiyak sa akin!" Pagsagot ko ng may halong kilig, kasi nakakakilig naman talaga.

"Ganon ba, natatandaan ko na siya kunwari hahahahahah! Sige na hailey uwi na ako sunduin nalang kita bukas sa school mo okay? Kain tayo sa labas isama mo din 'yang Louie mo ha bye bye" pagpapaalam ko niya sa akin. Nalintikan na gusto pang isama si louie.

*3 chat messages*
Louie: hello baboy nakauwe kna ba?
              sno yung lalake kanina?
              papahinga muna ako baboy ha nakakapagod 'e
Hailey: hiii nakauwi na ako kani kanina pa nagslice lang ako ng fruits kasi nandito si cjjjjj slr. Sige po pahinga ka muna :))
*seen*
Hailey: ah ehhh umuwi na si cj, inaaya niya ako lumabas bukas isama daw kita gusto mo ba?
*1 chat message*
Louie: sge sge ok lng ba sau????
Hailey: okay lang naman sa aken.
*Louie Jon Cruz is calling you*

"Hellooo.. pagod ka ba? Tulog ka na kaya hehe" pagaalalang sabi ko sakanya pagsagot ko.

"Okay lang po ako gusto ko marinig boses mo, thank you pala sa tubig kanina hehe" nahihiyang sabi niya. Wait tama ba ako ng narinig?? GUSTO NIYA MARINIG BOSES KO?? Bigla kong naramdaman yung paginit ng pisngi ko at may tila kung ano nanaman na gumagalaw sa tiyan ko.

"Congrats pala sainyo kanina galing mo hehe.." Pabebeng sagot ko enebe ke she nemern tila pinapaasa ako nitong lalaking 'to!

"Alam ko kasing manonood ka kaya ginalingan ko HAHAHAHAA" aba talaga namang bumanat pa ang loko ha! HAHAHA hindi ako papakabog kala mo ha!

"Enebe kinikilig ako 'e CHAROT HOOY LOUIE!!!!" Hindi ko kaya 'tong sinasabi ni louie sa akin!! Can someone please help me, nalulunod ako sa kilig!!

"Hindi ka pa po ba inaantok baboy? Baka po antok kana 'e sleep na tayo" pagaaya niya habang malambing ang kanyang tono. Hindi ako makapaniwala bakit ganito si Louie sa akin.

"Onti lang hehe baka ikaw inaantok kana naglaro ka 'e, sige sleep na tayo para makapaghinga ka din po." Pagaalalang sabi ko sakanya. "Wag mo pala kalimutan bukas if gusto mo sumama sa amin ni CJ bye bye night night" pagdugtong ko sa sabi ko. Pero nagulat ako sa sinagot niya sa akin.

"Sasama talaga ako bukas mamaya maagaw ka pa niya sa akin 'e! Good night baboy" sabay baba niya sa call namin, natigil yung mundo ko nang marinig ko yung sinabi niya tila gising ako na nananaginip. Totoo ba 'tong mga narinig ko????

*1 chat message*
Louie: good night na po baboy <3 hintayen ule kita sa school bukas
Hailey: sge po, good night din :))
*Louie Jon Cruz is now offline*

Hindi ako makapaniwala tama ba 'tong mga narinig ko mula kay louie? Hindi ba niya ako niloloko o pinagtritripan? Hindi ko na alam ang gagawin kooo

"WAAAHHHHHHH YEHEEEY OMG OMG OMG IKWEKWENTO KOOOO 'TO KAY GELIE BUKAS LAHAT!!!!!! WAAAHHHH" pagsigaw ko sa kwarto ko habang yakap ang teddy bear ko at nagtatatalon sa saya!! Kailangan ko na matulog para fresh ako bukas ng umaga pagnakita ako ni Louie.

The Taste of First Love Where stories live. Discover now